Chapter 77
Fight Back
Malcolm
I sat at the corner of the hedge while looking up at the blue sky.
Damn it. Why does it have to go this way?
We are all lost. Hindi ko mahanap ang mga kapatid ko. Sumigaw man ako at marinig ko man ang kanilang boses, hindi ko naman mahanap ang daan papunta sa kanila.
Nakakalula itong hedge maze, pakiramdam ko nasa loob ako ng isang puzzle na hindi ko magawang iresolba.
I closed my eyes just to go back where I used to be... where I was right in front of Charlotte.
Itong ala-ala na binalikan ko ay ang araw ng kompetisyon namin.
I'm a very competitive person. Gusto kong inaangatan ang sarili ko at higitan ang kahinaan ko. Ayoko 'yung magsesettle lang sa isang aspeto o kapalpakan. I have to do better.
Bata pa lang ako nahihirapan na ko mag-adjust. Hindi man alam ng mga tao noon ang mga kapalpakan na dinaanan ko sa una.
Palagi akong natutumba, nadadapa, at naiiyak sa inis at dismaya dahil sa mga pagkakamali ko. Ako 'yung tipong na mapipikon sa laban, lalo na kapag inaasar ako.
Kaya ako madalas na humahatak ng gulo at away sa mga kalaro namin. Isa rin sa dahilan kung bakit walang gusto makipaglaro sa akin dahil nga may pagkagago ako.
I can't help it. I always want to be the best.
But it turns out, being the best takes time, effort, and persistence to keep going. It doesn't just fall to you from the sky unless you're a prodigy by birth which I'm not. However, even prodigies become a failure too. It's really up to us to make that choice.
There were times I would easily fall down and give up. I felt like a loser who could never achieve greatness.
But then someone lend their hand to me and said:
"Stand up. You still have a long way to go."
And that person... was Charlotte.
"Why? Why do you believe in me so much?" I asked.
You think I haven't bullied before? I had always been ridiculed because of my failed attempts to become better for myself. But Charlotte never looked down on me when I fall down, she lifts me up instead.
"Pinili ko na suportahan at i-encourage ka dahil isa ka sa importanteng tao sa buhay ko. Gusto kong makita kayo na umaasenso sa mga hilig at pasyon ninyo. Nakakaparoud lang kayo na makita ang ngiti niyong puno ng tagumpay."
Charlotte was there in my ups and downs. Palagi niya akong ineencourage na maging mahusay. Palagi akong ginaganahan na galingan ang sarili ko dahil sinusuportahan din ako ng pamilya ko.
Dumating ang araw ng tryouts sa hockey. Gusto ko sumali para makasama ko si Tyler sa team. I worked hard in the tryouts, I was confident I will get the spot.
Pero hindi ako nakuha.
Dumating ang araw ng exams namin. Nag-aral ako ng ilan araw para mapaghandaan ang sarili ko sa paparating na eksam, sinigurado ko na makukuha ko ang salitang Valedictorian.
Pero marami ako naging bagsak.
I don't get it how this is possible. When I tried so hard to achieve something, I ended up failing it. Why? I kept asking myself why did I become a failure at this point?
BINABASA MO ANG
Swan of Endless Feathers (Book 1 of Swan Trilogy)
Roman pour AdolescentsEight gorgeous boys. One brave girl. Living in a house with a mystery kept secret from their lives. *** Napilitan lumipat ni Charlotte Svana Howell sa tahanan ng mga sikat at gwapong schoolmates niya para makapagpatuloy sa pag-aaral niya. She always...