Chapter 10
Rule Number One
Charlotte
Sinama nila ako sa outing habang nakasakay kami sa puting van. Binisita namin ang Lionheart Palace sa sentro ng Aestheria. May apat na distrito ang Aestheria na tinatawag nilang Spring, Autumn, Winter, and Summer.
Nakatira ang Hansen boys sa Winter District.
Walang masyadong lumalabas na balita tungkol sa mga royalty pero may naririnig akong rumor na balang araw, magpapakita ang mga prinsipe ng palasyo sa buong mundo.
Nakatayo lang kami sa harap ng matayog na gate nito. Makikita sa malayo ang kanilang marangyang palasyo. Kahit sinong ordinaryong tao ay hindi nakakapasok sa loob katulad namin. Hanggang dito lang kami sa may gate.
"Mga paimportansya, wala naman nagagawang matino." Tyler hissed.
"This is why I hate royalty. Nasa kanila na lahat ng yaman ng bansa." Nailing na sabi ni Austin.
"Fucking hell. Panigurado mga spoiled brat nakatira diyan." Malcolm chimed in.
"Royalty are bullshit." Sabi ni Claude na nakapamulsa sa kanyang leather jacket.
May mga sinabi pa silang insulto para pagtawanan ang mga royalty ng Lionheart Palace. Hindi ko akalain na ang baba pala ng tingin nila sa mga royals ng Aestheria. Sila pa naman ang namamahala ng kanilang bansa.
"Some researchers said that the Kings and Queens in Aestheria represents the districts and they would wear a crown with different gems depending on their representation." Mapanuring sabi ni Nick. It actually sounds interesting.
"No shit, Sherlock." Malcolm said, sarcastically. Sinamaan siya ng tingin ni Nick.
"Ang gaganda siguro ng mga prinsesa ng palasyo." Ngumisi si Zach.
"Cut it out, Zach." Suway ni Riley.
"Anong ginagawa natin dito sa Lionheart City?" Tanong ko.
"Tutunganga. Ano sa tingin mo? Malamang mamamasyal tayo." Masungit na sagot ni Tyler.
Okay sana itong pasyal namin kung hindi lang nakakairita ang ibang Hansen boys sa kanila. Lalo na 'yan si Tyler.
Naglalakad kami sa gitna ng plaza. There are trees surrounding the plaza—its shades varies from white, orange, pink, and green. May rebulto sa gitna ng plaza na may green teddy bear, a symbol of peace and prosperity. Nakaangat ang bandila sa ibabaw nito.
"Alam niyo ba ang pangalan ng rebultong ito ay Sasa?" Nick said with excitement in his eyes. Napawi rin ang ngiti niya nang napansin niyang walang nakikinig sa kanya.
Nick likes to give trivias but I'm the only person who listens.
"Makinig naman kayo sa trivia ni Nick." Untag ko. Ako lang ba ang natutuwang makinig sa kanya?
"Nakikinig ako." Ngumiti si Riley.
"Pabayaan mo, Charlotte. Wala kasi laman mga utak nila." Nick glared at his brothers.
"Walang utak? Bruh, top of the class ang Hansen boys." Austin chuckled, making his Adam's apple bobbing.
Nagulat ako nang inakbayan siya ni Malcolm while rubbing Nick's hair with his knuckles. They're being playful around Nick while laughing at each other. Natawa na rin si Nick sa kanila.
Nagpatuloy lang kami sa paglilibot sa plaza. May mga koi pond sa paligid, may nagbibisikletang mga tao, at may nagpipicnic din sa damuhan. Maaliwas tingnan ito na puno ng matitingkad na kulay.
BINABASA MO ANG
Swan of Endless Feathers (Book 1 of Swan Trilogy)
Teen FictionEight gorgeous boys. One brave girl. Living in a house with a mystery kept secret from their lives. *** Napilitan lumipat ni Charlotte Svana Howell sa tahanan ng mga sikat at gwapong schoolmates niya para makapagpatuloy sa pag-aaral niya. She always...