Chapter 8
Nudestar
Charlotte
Rinig ang bulungan sa paligid namin habang sinusundan sila ng mga pares ng mata mula sa ibang estudyante. Mukhang kalat na rin sa campus ang nude photos ni Zach.
Samot-saring mga ekspresyon ang umusbong mula sa schoolmates namin. May mga nakangiti, may nakangisi, ang iba ay kumagat labi pa nang dumaan si Zach.
"Mauna na ako. Sa ibang building pa ako." Umalis na si Austin at lumiko sa kabilang daan.
Humiwalay na ako sa kanila habang naglalakad sa pasilyo. Ganito naman lagi kapag nasa eskwelahan kami. May sari-sarili kaming mga mundo at nahihiwalay ako sa kanila.
We treat each other like we're strangers. Hindi nagpapansinan. Walang interaksyon. Ganon lang kasimple.
They're in a completely different world. People smile around them. People shower them compliments and always laughs at their jokes. Halos lumuhod na ang mga babae para sambahan sila.
Napailing na lang ako. Wala naman espesyal sa kanila pero halos mamatay na sila sa kilig.
Nakarating ako sa classroom namin at umupo sa dati kong pwesto. Nilabas ko ang libro ko para ipagpatuloy ang kabanata na binabasa ko.
Napalingon ako kay Kiera at Jiro, ang foreigner ko rin mga kaklase na nag-uusap habang magkadikit ang lamesa nila. Gusto ko silang kaibiganin pero natatakot pa rin ako lapitan sila.
Oo nga pala. Kaklase ko rin si Malcolm, Tyler, at Riley, mga fourth year na rin katulad ko. Nasa college na si Austin habang nasa third year naman si Zach at Claude. Second year si Daniel. First year si Nick.
Sumunod pumasok sina Malcolm, Tyler, at Riley. Agad na nakuha nila ang atensyon ng kaklase ko habang nag-uusap lang sila.
Malcolm is wearing a varsity jacket, a red shirt, and faded jeans; Tyler wears a white turtleneck and black pants; Riley has a bonnet, plaid shirt, and ripped jeans.
Aaminin ko na gwapo nga sila. May hitsura. Mga obra maestra ang Hansen boys.
"Charlotte, may ballpen ka pa?" Napatingala ako kay Tyler na nakalahad na ang palad niya sa akin.
Umawang ang bibig ko dahil hindi ko naman inaasahan na lalapitan niya ako.
"B-Bakit?"
"Magsusulat ako."
"Ahh. Sige. Wait lang."
Kinalkal ko na ang backpack ko para ibigay sa kanya ang isang spare ng ballpen. Nakasimangot siya nang tinanggap niya ito.
Ewan ko ba kung bakit ako ang naging supplier niya ng ballpen. At hindi ko rin maintindihan kung bakit siya nawawalan nito araw-araw. Palagi na lang humihiram sa akin, nauubos tuloy ang mga ballpen ko sa kanya.
"Charlotte, may one-fourth ka?" Si Malcolm naman ang lumapit.
Inilabas ko naman ang papel ko at hinati ko pa ito bago binigay sa kanya. Inirapan pa niya ako bago siya umalis. Ang galing mag-thank you.
Ito naman si Malcolm, hingi nang hingi ng one-fourth piece of paper. Lalo na tuwing quiz o seatwork, ako lagi ang pinupuntiriya niya ng mga one-fourth niya. Paper supplier kuno.
"Charlotte, pwede magpaturo sa math ulit?" Marahan na ngumiti si Riley sa akin.
"O-Okay lang."
Tinago ko na iyong libro ko sa backpack. Tinabihan ako ni Riley at nilapag niya na ang notebook niya para masimulan ko na ang pagtuturo sa kanya.
BINABASA MO ANG
Swan of Endless Feathers (Book 1 of Swan Trilogy)
Teen FictionEight gorgeous boys. One brave girl. Living in a house with a mystery kept secret from their lives. *** Napilitan lumipat ni Charlotte Svana Howell sa tahanan ng mga sikat at gwapong schoolmates niya para makapagpatuloy sa pag-aaral niya. She always...