Chapter 69
Guests
Charlotte
I spent the entire night creating mixtapes and painting the cover.
Tulog na ang mundo pero gising pa ko, nakaupo sa harap ng desk, napapalibutan ng malabong liwanag mula sa desk light.
Nilagyan ko ng sariling playlist ang bawat cassette tapes. A playlist that signifies their heartbeats.
I patted the tip of the brush on the palette filled with bright pink, blue, yellow, mauve, and white paint color, stroking the brush back and forth on the cassette tape cover.
I created an art of a sky of pink and blue, an ocean with a ship, a forest with fluttering butterflies, a field of sand with a sun, the droplets of lonely rain, an evergreen blossoming garden, an endless plain of snow and mountains, and the rainbow within the fluffy clouds.
Each masterpiece represents one of them. Each art is a symbol of their heart. Each heartbeat tells their stories in whisper.
Proud ako sa nagawa kong mga mixtapes. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko sabay niyakap ang mga ito. Sobra talaga akong natuwa, excited na ko matanggap nila ito.
Pinagpuyatan ko ang ginawa kong regalo hanggang sa matapos ko ito ng madaling araw. Siningit ko sa ilalim ng Christmas tree ang regalo ko bago umakyat ulit sa kwarto ko. Natulog din ako kaagad bago pa umangat ang araw.
---
Puno ng regalo ang ilalim ng Christmas tree. Siyempre kahit marami silang magkakapatid ay bumuo rin ako ng regalo para sa kanila pati na rin para kay Mrs. Sarah.
Simple lang naman ang regalo ko at iba ang ireregalo ko para kay Mrs. Sarah na tipong magugustuhan niya.
Sa hindi ko malaman na dahilan ay mas nauna pa kong nagising sa kanila, three na ko nakatulog at nine ako nagising. Nagpasya na lang muna kong maligo at magpalit ng damit.
Suot ko ang jumper shorts, pink t-shirt, rainbow high socks, at converse. Inayos ko na rin ang satchel bag ko at dinausdos ito sa balikat ko. Sinuot ko rin ang baseball cap sa ulo ko at tinali ang buhok ko para ilusot ito sa butas ng cap.
Maya-maya pupunta na kami ng Summer District pagkatapos namin kumain. Nakakaexcite magbakasyon sa beach!
Sinilip ko ang card sa ilalim ng unan ko. May nakasulat 'don na 'code red'. What does that mean?
Lumabas na ko ng kwarto at bumaba ng hagdanan. Habang naglalakad ako, naririnig ko na ang kanilang tawanan, malalim ang tinig, I could just imagine their smiling faces. Gahd. Ang pogi.
Nakabihis na rin ang boys, suot ang kanilang summer shirts at khaki pants. Nakabukas pa ang butones sa itaas ng kanilang summer shirts kaya naaaninag ko pa ang kanilang collar bone at dibdib.
"Prinsesa!"
"Nakita niyo na regalo ko sa inyo?" Tanong ko.
Nagtaka nila akong tiningnan at umiling.
"May regalo pa kami? Nakakahiya naman..." Napakamot si Riley sa batok niya habang nakangiti ito, bakas ang excitement.
"Oo naman! Parang kayo na rin ang naging regalo sa buhay ko kaya ginawan ko kayo ng regalo!"
"Ang sweet naman ng prinsesa namin!" Natutuwang sabi ni Zach sabay niyakap ako.
"Hoy. Layo." Hinigit siya ni Tyler palayo sa akin.
BINABASA MO ANG
Swan of Endless Feathers (Book 1 of Swan Trilogy)
Teen FictionEight gorgeous boys. One brave girl. Living in a house with a mystery kept secret from their lives. *** Napilitan lumipat ni Charlotte Svana Howell sa tahanan ng mga sikat at gwapong schoolmates niya para makapagpatuloy sa pag-aaral niya. She always...