Chapter 19

689 32 6
                                    

Chapter 19

Tipo ng Hansen Boys


Charlotte

Kakauwi lang namin galing school. Nagpalit muna ako ng pajama sa kwarto ko bago bumaba patungo sa living room.

Nadatnan ko silang nanunuod ng Aestheria's Next Top Model sa telebisyon. I rolled my eyes as I walked pass them and went straight to the kitchen para kumuha ng ice cream sa freezer ng kanilang fridge.

Feel at home, noh?

Bumalik ako sa loob ng living room at umupo sa bakante sa sofa na binigay nila para sa akin. Ito ang usual routine namin. Hindi kompleto kung wala ako. Nakaupo si Austin, Malcolm, Tyler, at Zach sa recliner. Katabi ko naman si Nick, Daniel, Claude at Riley sa sofa.

"Bakit niyo pinapanuod ito? Hindi niyo naman hilig ang ganitong tipo na palabas." Untag ko.

"May mga lalaki rin na nanunuod kaya nito." Lumingon si Zach na may mapanlokong ngisi.

"Ang gaganda ng mga models."

"Sana talaga manalo si Courtney."

"Favorite ko si Natasha."

Hindi ko na inalam kung sino ang mga nagsalita. Inirapan ko lang sila sabay sinaksak ang maliit na kutsara sa Ben & Jerry's ice cream. I took a spoonful with a frowned face.

Ang daming magagandang palabas sabay 'yan ang pinapanuod nila.

"Matagal pa ba 'yan?" Irita kong tanong.

"Baka nabobored si Charlotte sa pinapanuod natin." Bumaling si Riley sa mga kapatid niya.

"Wait lang! Papanuorin ko pa 'yong bikini shots ni Everleigh!"

I let out a frustrated sigh. I'm not against models or anything but I don't like the way they're staring at these girls.

Kinuha ko ang remote at inilapat na ang channel. Marami sa kanilang dumaing sa ginawa ko. Hindi ko na lang 'yon pinansin at nagpatuloy sa paglilipat ng channel hanggang sa makarating ito sa Netflix channel para panuorin ang palabas na I Am Not Okay With This.

Nirecommend lang ito sa akin ni Kiera at Jiro noong pinag-usapan namin ito sa classroom. Maganda raw ito at mala-Carrie ang tema niya.

Wala rin silang ibang choice kundi panuorin ito. Sigurado na magugustuhan ng Hansen boys ito dahil pinapanuod ko siya at ako ang pumili. Hindi katulad ng ANTM na 'yan, binalewala na lang nila nang dumating ako.

"Ang cute ni Stanley Barber." Komento ko habang nakangiti. "Crush ko na siya."

Walang umimik sa kanila.

"My gahd! Paborito ko na talaga si Stanley Barber! He's such a dork!" I giggled while watching.

Napansin kong lumingon sila sa akin na nakasimangot. May nasabi ba akong mali?

"Iba na lang kaya panuorin natin." Umigting ang panga ni Malcolm habang nakatingin sa telebisyon.

"Bakit naman? Ang ganda kaya nito!" Tutol ko kaagad na nakanguso.

Bago pa malipat ni Malcolm ang channel, kinuha ko ang remote mula sa kanyang kamay at niyakap ko ito.

"Huwag niyo ilipat! Hindi ba kayo nag-eenjoy?" I pouted.

"Nagseselos kami, Charlotte."

"Ayaw niyo lang aminin na crush niyo rin si Stanley." Ngumisi ko.

Swan of Endless Feathers (Book 1 of Swan Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon