Chapter 21

652 35 8
                                    

Chapter 21

Nick's Ambition


Charlotte

I wiped away the beads of sweat falling from my forehead. Kinakabahan ako. Bumibilis ang pintig ng puso ko. Hindi ko alam kung kailan at kung sino ang unang lalapit sa akin.

Hindi ako makapaniwala na liligawan ako lahat ng mga Hansen.

Buong oras ng klase namin, lumulutang ang isipan ko tungkol sa Eight Trials na 'yan. Hindi na ako makapagpokus sa seatwork at sa tinuturo ng titser. Matapos ng klase namin, lumabas muna kami ni Kiera at Jiro habang recess pa namin at naglibot sa pasilyo.

Tinatago ko na lamang ang akin frustrations habang nakikipag-usap sila sa akin. Dala ng kakaisip ko, hindi ko na namalayan kung saan na ako nakarating sa hagdan. Hindi ko na rin kasama ang dalawa at mukhang may pinuntahan pa sila.

Nasa floor ako ng mga freshman.

Napadaan ako sa klase ni Nick. Siya ang bunso at nag-iisang freshman sa magkakapatid. Inaasahan ko na marami siyang makakasalamuha dahil isa siyang Hansen.

But no one is approaching him.

Mag-isa lang siya sa isang sulok habang nagbabasa ng libro. Napapansin ko na nagbubulungan ang mga kaklase niya na nakatingin sa kanya.

Wala ba siyang mga kaibigan?

He seems alone than most of his brothers.

Maybe they're all alone and they just don't have any other choice but to get stuck surrounded with people who doesn't care about them but their name and status.

Until I saw one girl approach him.

Nakatungo siya habang may hawak na sobre. Nilapag niya lang ito sa ibabaw ng desk ni Nick bago siya tumakbo palayo sa kanya. I saw her ran past me with a blushed face.

Nilingon ko si Nick na hindi man lang pinansin ang sobre sa lamesa niya habang nagbabasa sa kanyang libro. I could feel my irritation crawling. Didn't he noticed the girl who just gave him a love letter?

Hindi na ako nakatiis sa sobrang inis ko.

"Basahin mo 'yong sobre!" Kumatok-katok pa ako sa bintana para marinig niya ako.

Nagulantang siya pati na rin ang mga kaklase niya. Hindi ko na lang sila pinansin. Nakahinga rin ako ng maluwag nang makita niya ito at binaba ang hawak niyang libro. Sa wakas! 

Pinagmasdan ko siyang basahin ang sobre hanggang sa may nagsalita sa likod ko.

"Anong ginagawa mo rito?"

Napatalon ako dala ng gulat. Humarap ako sa kanya na may bahid ng iritasyon. Hindi niya kailangan gulatin ako!

"Napadaan lang. Ikaw? Anong ginagawa mo rito?" Tinaasan ko ng kilay si Zach.

"Naghahanap ng mga freshies." Ngumisi siya.

"Pedo."

"Kailangan ko muna magpractice bago kita ligawan."

"Zach, kung serioso ka sa ginagawa mo, you won't use another girl to get what you want." Serioso kong untag.

"I'm just kidding, baby. This is all yours." Sumenyas siya sa kanyang katawan na may mapanlokong ngiti.

Inirapan ko na lang siya at humarap ulit sa bintana. Napasigaw ako nang nakasalubong ko ang nanlilisik na mata ni Nick.

"Bakit ka nasa harap ng classroom ko?" Tanong ni Nick.

Swan of Endless Feathers (Book 1 of Swan Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon