Chapter 7
Thank You
Charlotte
Nagising na lamang ako sa ringtone ng akin phone. Napansin ko na may notifications ako galing sa mga unknown number. Binuksan ko ito at binasa ang mga text. Naflooded ng text ang phone ko.
Nagulat ako sa mga messages. Binaba ko kaagad ang phone ko. Hindi ko maintindihan ang sinasabi nila. It's full of drunk texts from some of the Hansen boys!
May napansin akong kakaibang text mula kay Zach.
'Hey, babe' ang caption nito at may naka-attach na picture niya.
"Oh my gahd." Nalaglag ang panga ko.
It's a picture of Zach in his nudes!
Nakapose siya sa harap ng salamin, natatakpan ang kalahati ng mukha niya mula sa hawak niyang iPhone. Nakahubad ang katawan. Maputi. Makisig. Nakakasilaw sa paningin.
Obra maestrang pinagbabawal sa mga bata.
"ZACH!" I yelled out of rage and stormed out of the bedroom.
Gusto ko siyang sigawan. Gusto ko siyang murahin. Nakakagigil itong ginawa niya. This is crossing the boundary of respect! I can't believe Zach is capable of doing something that stupid!
Lumabas ako ng kwarto para puntahan si Zach. Hinampas-hampas ko ang pinto niya at sinigawan siya na buksan ito. Napahinto ako sa pagkalabog sa kanyang pinto nang narinig ko siyang sumigaw.
"TANG INA!" Kumulog ang silid sa kanyang sigaw.
"Bakit? Si Zach ba 'yon?"
"Ano nangyari?"
Dumating si Daniel at Riley sa tabi ko, parehas silang may suot na apron. Binuksan ni Zach ang pinto at bumungad siya sa harapan namin, bakas ang takot at pamumutla mula sa kanyang ekspresyon.
"Nasend ko sa lahat 'yong nudes ko kagabi!"
Napafacepalm ako sa sinabi niya. When things just couldn't get any worse. Nagulat ako nang natawa silang dalawa. Huminto rin ito nang pinakita ni Zach ang nude niya.
"Ano ka? Isa kang tanga." Sabi ni Daniel.
"Nasend mo rin kay Charlotte?" Tanong ni Riley.
"Oo..."
"Charlotte, okay ka lang?" Iniharap ako ni Riley sa kanya. Tumango-tango lang ako. Nakahinga siya nang maluwag ngunit may bahid pa rin ng pag-aalala ito.
"Hindi ganyan kaliit sa amin, ah. Just so you know." Sabi ni Daniel sa akin habang humahalakhak ito.
"Asa ka naman! Hindi 'yan maliit!" Namula ang buong mukha ni Zach.
Malaking kahihiyan ito sa kanya. Kung nasend niya ito sa lahat ng contacts niya, baka kumalat na ito sa social media. Knowing Facebook users, things like this shots up on the trending and everyone will know.
Zach is doomed to embarrassment for the rest of his life.
"Putang ina naman! Tulungan niyo ako!" Niyugyog kami ni Zach, naghihysterical na siya.
"Ang tanga mo kasi, eh!" Tinatawanan pa rin siya ni Daniel.
"Baba ka muna. Kailangan pag-usapan natin ito." Inalalayan na siya ni Riley at tinapik sa balikat.
Dinala namin si Zach sa sala. Sumunod na lang ako dahil kailangan ko ng katarungan. Malinis pa pag-iisip ko pero nadumihan na simula nang nakitira ako sa kanilang tahanan.
BINABASA MO ANG
Swan of Endless Feathers (Book 1 of Swan Trilogy)
Novela JuvenilEight gorgeous boys. One brave girl. Living in a house with a mystery kept secret from their lives. *** Napilitan lumipat ni Charlotte Svana Howell sa tahanan ng mga sikat at gwapong schoolmates niya para makapagpatuloy sa pag-aaral niya. She always...