Chapter 23
What's Inside The Box
Charlotte
Summer Park is a field of grass and sunshine near a lake with pavements for bicycles and playgrounds. Daisies. Dewdrops. Sunkiss. People played around the grass and throwing frisbees at each other, serving themselves sandwiches on the picnic matt and wooden tables underneath the shades of a tree.
I wish I get to bring my parents here with me right now.
"Today is picnic day! Get some fresh air! Relax your mind! Do anything you want!" Sabi ni Mrs. Sarah, like she was letting her little children roam around the playground.
"Even rob a bank?" Biro ni Daniel. Tumawa lang sila.
Si Austin, Claude, Riley, at Nick ay tumulong kay Mrs. Sarah sa pag-ayos ng picnic matt sa may lilim ng puno habang sina Zach, Daniel, Malcolm, at Tyler ay naglalaro ng frisbee sa damuhan.
Tumulong din ako sa paglatag ng mga paper plates, cups, at pagkain mula sa basket. Napansin kong may nilabas si Riley na DSLR camera at pinulupot ang lace sa leeg niya.
Tinutok niya ang camera sa direksyon nila. I felt like I was part of the scope of the camera kaya gumilid ako para hindi ako makasama sa picture.
"I think I should go. Look around."
Pinigilan ako ni Mrs. Sarah na umalis.
"Huwag ka mahiya, Charlotte. Sumama ka sa picture. Parang parte ka na rin ng pamilya namin." She let out an angelic smile.
Tinabi niya ako sa kanya at nakasama ako sa kanilang picture. Sumama na rin ang iba na naglalaro sa damuhan nang umakbay ang mga ito sa amin. Ngumiti ako sa harap ng camera.
Umangulo naman si Riley na tila group selfie ito para makakasama rin siya sa litrato. Nagpose kaming lahat sa camera at kinuhanan niya ulit ang litrato namin.
I smiled, not for the camera, but because I felt belonged in their family.
Matapos ng sunud-sunod na picture, umupo na sila sa tapat ng picnic matt.
"Sit here with me, Charlotte." Tinapik ni Riley ang bakante sa tabi niya.
Nakakahumaling ang marahan niyang ngiti. His eyes are tender and sweet. Nang maalala ko ang nangyari sa patio noong gabing iyon, pakiramdam ko namula ang buong mukha ko.
"M-May gagawin lang ako."
Umalis na ako sa harapan nila at nagtago sa likod ng puno. Sinandalan ko ito habang nakakapit sa akin dibdib. Bumibilis ang pintig ng puso ko. Hindi ko alam kung paano ko sila makakaharap lalo na't lahat sila ay nililigawan ako.
Nagulantang ako nang tinapik ni Daniel ang balikat ko. May hawak siyang medium sized box habang inaalog ito. Malawak ang mapanlokong ngisi niya.
"Pick anything inside." He grinned.
"Is this the trial?" Tanong ko.
"Yes."
I sighed and slipped my right hand through the hole of a concealed box. Madali lang siguro ang ipapagawa niya sa akin.
May nararamdaman akong mga papel na umaalon habang umiikot ang palad ko sa loob ng box. May nahuli akong isa at hinugot ko ito.
Binuklat ko ang papel.
The person you have a crush on.
"Dalhin mo sa akin kung ano man ang napili mo." Lumawak ang ngisi niya. I have a bad feeling about this.
BINABASA MO ANG
Swan of Endless Feathers (Book 1 of Swan Trilogy)
Teen FictionEight gorgeous boys. One brave girl. Living in a house with a mystery kept secret from their lives. *** Napilitan lumipat ni Charlotte Svana Howell sa tahanan ng mga sikat at gwapong schoolmates niya para makapagpatuloy sa pag-aaral niya. She always...