Chapter 50

256 11 0
                                    

Chapter 50

Twin Braids and Crown


Charlotte

Ilan oras ang lumipas habang kumakain kami ni Kiera at Jiro sa likod ng kanilang pick-up truck ng Burger Queen na inorder namin sa drive-through.

Lunch break na namin kaya nagpasya akong sumabay kumain sa kanila dahil kadalasan ang Hansen boys na lang ang nakakasama ko. Bihira ko na lang makasama ang mga kaibigan ko.

"Narinig mo 'yong balita kahapon? May nagbarilan daw sa pier." Sabi ni Kiera sabay kagat sa burger niya.

"Anong nangyari? Bakit may barilan?" Sunud-sunod kong tanong.

"Hindi ko rin alam. Grupo raw ang bumabaril sa isang tao." Tugon niya. "Sabay babae raw 'yong biktima na nakatakas."

"Mukhang si Black Widow ang kalaban nila."

"Feel ko konektado 'yon sa binabalitaan tungkol sa nawawalang Royalty." Bungad ni Jiro na nakangisi, mukhang kampante pa siya sa sagot niya.

"Hmm. Paano siya naging konektado sa balita?"

"I have a theory that the princes of Aestheria are walking among us."

"Ano?!" Parehas kami hindi makapaniwala ni Kiera.

"Matagal na kasi nawawala ang mga prinsipe at hinahanap ng palasyo. Paano pala kung malaki na sila at nakatago sila sa likod ng mga ordinaryong tao?"

"Imposible naman 'yan Jiro. Baka fake news lang na nawawala ang mga prinsipe."

"Malay mo kaklase na pala natin sila, kapit-bahay, o nakakasama natin sa isang lugar."

"Ano kaya hitsura nila, noh? Kung prinsipe sila, panigurado na pinagkakaguluhan sila ng mga babae. Magaganda ang lahi ng mga Royalty, eh."

"Alam niyo kung ano ang sa tingin ko?" Sabay lumawak pa ang ngisi ni Jiro. "Ang Hansen boys ang nawawalang mga prinsipe."

"Huh? Imposible!"

"Bakit naman naging imposible 'yon?"

"Kung umasta sila kabaligtaran ng mga nakikita natin sa palasyo. Atsaka, ang laki kaya ng galit nila sa mga Royalty. Mukha man silang prinsipe, hindi naman pang prinsipe ang ugali nila." I argued.

"Sino ba naman hindi magagalit? Karamihan sa mga Royalty ay mga corrupt. Mahirap masabi kung mayroon pa bang matitino sa kanila."

"Bakit mo naisip 'yon, Kiera? Akala ko ba wala kang pake sa mga Hansen boys?"

"Nakikita ko lang sa balita. Palagi kasi 'yon lumalabas sa telebisyon namin kaya napaisip naman ako."

"Imagine kung tama ang hinala ko, noh." Sabay tumawa pa si Jiro.

Tiningnan ko ang orasan ko. Namilog ang mata ko nang maalala ko ang gagawin ko. Hala! Malelate ako sa pinag-usapan namin ni Nick!

"Babalik na ko sa building!"

"Hindi pa tapos ang lunch time, ah."

"May pupuntahan pa ko!"

---

I just need to offer a sacrifice to the FGC cult.

Kailangan kong kumuha ng isang bagay na galing sa mga Hansen boys. Ito ang inako na tungkulin sa akin ni Isla upang mapatunayan ko ang sarili ko sa Fangirl Club.

Siyempre, kakampi pa rin ako sa Hansen boys. Kapag napagkatiwalaan na ako ni Isla na gamitin ang kanilang server, pwede ko na idelete ang mga sensitive information na kinuha nila sa Hansen boys.

Swan of Endless Feathers (Book 1 of Swan Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon