Chapter 66

123 9 0
                                    

Chapter 66

Alone With The Hansens


Charlotte

Weeks had passed by after the ice skating competition and exam, it's finally our sembreak.

Lahat kami naglaro ng Among Us sa phone sa bawat kwarto namin. Ang paraan lang ng communication namin ay sa pamamagitan ng voice chat para mas may thrill kapag hiwa-hiwalay kami sa room.

"Sino pumatay na naman kay Daniel?" Tanong ni Nick.

"Tang ina talaga! Ako lagi inuuna!" Daing ni Daniel.

"Feel ko 'yung orange." Sabi ni Riley.

"Feel mo lang? Ganon? Sigurado ka?" Sarkastik na sagot ni Austin.

"Pink's a sus! Pink sus!" Sigaw ko.

"Ang bobo niyo kalaro. Nakakabwiset." Daing ni Malcolm.

"Iboboto ko na lang si Zach." Sabi ni Tyler.

"Bakit ako?! Gumawa naman ako ng task, ah!" Angal ni Zach.

"Trip ko lang iboto ka." Tinawanan siya ni Tyler. "Sino iboboto mo, Charlotte?" Tanong niya sa akin.

"Wala akong tiwala sa inyo." Humagikhik ako.

"Boto mo na lang din si Zach."

"Hindi nga ako ang impostor!"

"Edi bakit nakatayo ka lang sa isang gilid?"

"Nagkastroke character ko."

Everyone voted for Zach.

LickMyBalls was not the Impostor.

"Tang ina. Sabi na hindi siya impostor, eh." Angal muli ni Malcolm.

"Bakit mo siya binoto?" May irita sa tono ni Claude.

"Peer pressure."

Apat na lang ang natitira. Ako (Sisne), si Nick (Braids), Tyler (Lotte), Riley (Lee) at Malcolm (Mal).

"Charlotte, ikaw ba ang impostor?" Tanong ni Tyler.

"Hindi."

"Okay. Clear siya." Sobrang sigurado siya sa sagot ko.

"Sino iboboto natin?" Tanong ni Nick.

"Si Malcolm na lang. Kanina pa mura nang mura, eh."

"Ang gago niyo naman kasi! Ginagawa ko ang task ko sabay nagiging suspicious kayo sa akin!"

Everyone voted for Malcolm.

"Tang ina! Hindi ako ang impostor!"

"Too late. Naboto ka na namin."

"Magsisisi kayo! Bahala kayo!"

Mal was not the impostor.

Bumungad sa screen ang white kong character at black naman kay Nick.

Sisne and Braids won.

"Easy!"

Rinig ko ang mabilis na pagbukas ng pinto at ang kanilang yapak palabas ng kanilang kwarto. Nakipag-high five ako kay Nick. Umalingawngaw ang kanilang pagdaing at ang iba sa kanila ay namangha.

Umupo kami sa gilid ng pintuan, ang kalahati ng katawan ko ay nasa labas ng kwarto at iyong isa ay nasa loob at ganon din sila para magplano ulit ng susunod na laro.

Swan of Endless Feathers (Book 1 of Swan Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon