Chapter 44
Rivals
Charlotte
Nagpasya na rin kaming lumabas dahil halos kalahating oras na rin kaming naghihintay sa walk-in closet.
Nabibitin man ako sa nangyari pero alam kong hindi dapat ganito. It feels wrong to act based on my emotions. Halos hindi na ako nakapag-isip ng maayos at ginawa lang iyon sa kanya.
Nilingon ko si Tyler sa tabi ko. Nanatili pa rin ang pagkamula ng pisngi niya. Nakabutones na rin ang long-sleeve shirt nito. Pasalamat na lang at hindi namarkahan ang balat niya.
Sumilip kami sa siwang ng pinto, glancing from both ways, making sure the coast is clear. Nang makasigurado kami na walang tao, lumabas na kami ng kwarto.
Nakatingkayad kaming tumakbo sa koridor, nilibot ang akin paningin sa bawat daan, hinahanap ang iba pa niyang kapatid.
"Nasaan na kaya sila? Baka nakalabas na sila ng mansyon at tayo na lang ang naiwan." Ngumuso ako.
"They won't leave us behind."
"It was a bad idea to split up."
"Yeah, well... madali nila tayong mahahanap kung marami naman tayo." He has a point. It's easier to spot us by group.
May hinablot siyang phone mula sa bulsa ng kanyang slacks. Binasa niya ang nakuha niyang text bago niya tinago muli ang phone niya sa bulsa.
"Nagtext sa akin si Austin. Magkita raw tayo sa swimming pool."
"Saan ang swimming pool nila?"
"I don't know. I guess we have to find it."
Mula sa second floor, natatanaw ko ang ibang mga tao sa harap ng mga lamesa. Karamihan sa kanila'y umaalis na. Umiiyak si Isla sa trono niya habang hinahagod ang kanyang likod ng mga kasama niya.
We really made her miserable. I felt bad for her.
"Don't feel guilty. Matagal na namin kilala 'yan si Isla. She would do anything to rise her club."
"She's not evil."
"Hindi nga siyang masamang tao pero nakakasira naman siya ng pagkatao." He sighed before leading the way.
Bumaba kami sa staircase at lumiko sa koridor. Napahinto siya sa paglalakad, muntik ko nang mabunggo ang likod niya.
"Bakit ka huminto? Makikita nila tayo!" Bulong ko.
"Shh. Wait."
May narinig akong yapak na papalapit sa direksyon namin. Naramdaman ko na lang ang kamay ni Tyler na hinigit ako palayo 'ron.
"It's Isla's guards! Alis na tayo rito!"
Patuloy lang kaming lumiko at naglakad para makalayo sa mga guards. Akala namin matatakasan namin ito hanggang sa napatigil kami dahil wala na kaming madaan.
Nacorner kami, wala na kaming iba pang madadaanan o mapapasukan para mapagtataguan namin. Kailangan namin makaisip ng paraan para hindi kami mahuli ng guwardiya.
"We need to pretend we're making out!" Suhestiyon niya na ikinabigla ko.
"Pero—"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang sinandal niya ako sa pader. Nakaharap siya sa akin, ang magkabilang kamay nito ay nakapatong sa gilid ng ulo ko.
He leaned closer, our lips almost touching. I felt his warm breath fanning on my lips.
But he didn't kiss me.
BINABASA MO ANG
Swan of Endless Feathers (Book 1 of Swan Trilogy)
Teen FictionEight gorgeous boys. One brave girl. Living in a house with a mystery kept secret from their lives. *** Napilitan lumipat ni Charlotte Svana Howell sa tahanan ng mga sikat at gwapong schoolmates niya para makapagpatuloy sa pag-aaral niya. She always...