Medyo SPG.
---
Chapter 6
Party
Charlotte
"Heavenly and enticing." I whispered to the starry night in the sky, enchanted by its beauty and embracing its trance.
Sumandal ako sa window pane habang nakabukas ito, pinapakiramdaman ang ihip ng hangin, nilalasap ang ginaw ng gabi at ganda ng tanawin. Orange lights from lampposts and buildings illuminated the streets from afar.
May napansin akong kakaiba na gumagalaw sa damuhan. I caught a glimpse of the boys sneaking in the front yard. Maporma ang kanilang suot. May moda at istilo ang magkakapatid. Kahit nakaboxer shorts o kaswal na damit, nakakahumaling pa rin silang tingnan.
"Nasaan si Charlotte?" Rinig kong tanong ni Tyler.
"Huh? Isasama pa ba natin siya?" Iritang sambit ni Malcolm.
"Oo naman. Lahat invited sa party ni Isla." Ngumisi si Austin.
"Sigurado ba kayo na pupuntahan natin ang party niya? I mean, she's the leader of the Fangirl Club. Kalaban natin sila, Austin." Nag-aalalang tugon ni Riley.
"The only way to defeat the enemy, we infiltrate their base." Paliwanag ni Nick. "You know the Hansen boys are best at seduction."
Ano kaya itong pinag-uusapan nila? Infiltration? Seduction?
"Are you suggesting we—"
"We infiltrate the girls instead." Lumawak ang ngisi ni Zach.
"Ang talino niyo talaga!" Komento ni Daniel habang tumatawa ito at nakipaghigh five sa kanila.
"Let's just get this over with." Bored na sabi ni Claude.
Nagsilabasan ang kanilang ngiti na tila may narinig silang magandang plano. I frowned. Infiltrating girls? It sounds like they're about to penetrate them or something.
"Anong ginagawa niyo diyan?" Tanong ko mula sa window pane. Napatili sila sa sobrang gulat. Natawa ako sa kanilang reaksyon. Sabay-sabay silang tumingala sa akin.
"Charlotte!"
"Hoy! Anong plano 'yan pinag-iisipan ninyo?" Nanlilisik ang mata ko sa kanila.
Nagpalitan sila ng tingin. Imbes na sagutin ang tanong ko, kumaripas sila ng takbo papasok ng bahay. Naririnig ko ang kanilang yapak sa baba hanggang sa palakas nang palakas ito.
Napatayo ako nang bumukas ang pinto ng kwarto. Nakatayo lang sila sa labas, hindi lumalagpas sa doorway. Nakakapagtaka naman iyon na tila may pader namamagitan sa kanila at sa kwarto.
"You have to come with us." Suhestiyon ni Austin habang nakasandal sa doorway at nakahalukipkip.
"Ano naman gagawin ko sa party? Tutunganga?" Sarkastik kong sabi.
I smelled the scent of their expensive perfume once I got closer to them. Halu-halo ang amoy nila. Mababango.
"We need you."
Nanlaki ang mata ko. "What exactly do you need me to do there?"
"Para nakakasigurado kami na hindi mo kami susumbong kay Mom." Ngumiti si Daniel. "Besides, it would be nice to have you around."
"Pretty please?" They all pouted and gave those puppy dog eyes.
Napabuntong-hininga ako.
"Fine. I'll come to the stupid party."
BINABASA MO ANG
Swan of Endless Feathers (Book 1 of Swan Trilogy)
Teen FictionEight gorgeous boys. One brave girl. Living in a house with a mystery kept secret from their lives. *** Napilitan lumipat ni Charlotte Svana Howell sa tahanan ng mga sikat at gwapong schoolmates niya para makapagpatuloy sa pag-aaral niya. She always...