Chapter 53

223 13 0
                                    

Chapter 53

Varsity and Model


Charlotte

Nandito kami sa football stadium kung saan ginaganap ang final competition ng football

Ang quarterback ng football team nakipagbakbakan sa gitna ng football field. Naghiyawan naman ang mga tao nang madala ni Malcolm ang football sa field ng kanilang kalaban.

Hindi mapagkakaila ang galing niya. People cheer whenever he wins, the crowd smiles when he gets a touchdown, the world seems to film him in a YA movie that girls love.

Nakaupo ako sa isang bench. Ginawa niya naman akong water girl para taga-abot ng tubig niya. Bwiset.

"Congratulations, bro!"

"Napakagaling talaga ng King natin!"

"Oo nga! Panigurado marami kang mahahakot na chicks nito!"

Mayroon pa sa kanila ay binuhat siya sa balikat nila, kasama niya ang mga teammates niya na tinatapik ang balikat niya at nagtatawanan.

They were chanting and screaming with their deep voices. Mga lalaki talaga. Natatawa na lang ako sa kanila.

Nang binaba si Malcolm, tumakbo siya papalapit sa akin. Inabot ko sa kanya ang tubigan niya atsaka tinanggap ito habang hinihingal pa siya.

"Congrats, Malcolm!" He winked at me as a form of his 'thank you'.

Ininom niya ang malamig na tubig. Halos umagos ang tubig sa baba at leeg niya sa sobrang uhaw niya, umaangat-baba pa 'yong Adam's apple niya habang nainom siya.

"I'm dehydrated, baby."

"Nakainom ka na ng tubig, ah."

"Nauuhaw ako sa labi mo."

Inirapan ko lang siya. "Edi mauhaw ka lang diyan."

"Why so mean, baby?"

Nang natapos ang kanilang laban, bumalik ang mga football players sa locker room. Nilapitan ako ni Malcolm habang hinuhubaran ang helmet niya sabay pinatong sa ilalim ng kanyang kili-kili.

Kahit pinawisan siya sa kanilang game, nalanghap ko ang amoy niya at nangangamoy pa rin siyang pabango.

"Come with me, babe."

Bago pa ko makatanggi, hinawakan niya na ang kamay ko at marahan na hinila sa tabi niya. Tumingala siya sa mga kapatid niya na nanunuod sa bleachers sabay kinindatan sila.

"Gago!"

"May maduga porket varsity, ah!"

Malcolm stuck out his tongue at his brothers para inisin pa sila lalo bago kami nakapasok sa arko sa ilalim ng stadium. Napailing na lang ako dahil lagi naman sila ganyan.

Naghintay ako sa labas ng locker room nila. Lumabas ang mga kasama niya at mukhang bagong ligo pa sila. Nahuli si Malcolm na may bimpo nakapulupot sa leeg niya.

Nakapagpalit na si Malcolm ng varsity jacket, maroon fitted shirt, jeans, at Nike shoes.

Inakbayan niya ako habang naglalakad kami sa gitna ng pasilyo. Walang masyado katao-tao sa loob ng eskwelahan dahil nagsiuwian na sila.

Malcolm looks energetic and tired at the same time. He would put up a smirking playful face but I can see in his eyes he wants to sleep.

Nakarating kami sa isang bench sa likod ng school. Umupo muna siya atsaka tumabi ako sa kanya. Nakatingin lang kami sa mga magnolia trees ng eskwelahan na may mga pink at white petals.

Swan of Endless Feathers (Book 1 of Swan Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon