Early part of 2015, sa bahay ng kanyang Manager na si Carlitos, tahimik na umiinom ng lemonade si Richard habang nakatanaw sa kawalan.
Mama T: RJ, tulala ka na naman, ano bang iniisip mo?
RJ: Mama, naiisip ko lang ang mga projects na ginawa ko. Marami naman ang magaganda,. mataas ang ratings. Kung pagarte din lang, alam ko namang ginawa ko ang lahat at nagimprove na ako ng malaki. Pero naisip ko, ilang buwan na ang dumaan pero wala na akong bagong trabaho, hindi pwedeng ganito. Sabi ng marami magaling daw ako, may mga successful projects naman ako. Yung Ilustrado I gave it my all pero bakit hindi nagrate? Ano pa ba ang kulang?
Mama T: Ganyan talaga sa showbiz anak, pana-panahon lang.
RJ: Noon, nung nandito pa si Mama, hindi ako naniniwala sa kanya na pwede akong magartista. Kung hindi dahil sa gusto kong matupad ang pangarap niya para sa akin hindi ko naman pipiliting makapasok dito eh. Pero ngayon nageenjoy na ako at tinanggap ko ng eto talaga ang para sa akin.
Mama T: Oh bakit? sumikat ka naman, nagkaron ka din naman ng maraming fans at marami ang bilib sa galing mo sa pag-arte.
RJ: Kung totoo yan bakit eto ako ngayon, nganga?! I wanted to be somebody, who stayed and continue on. Hindi yung ganito, may mga panahon na sluggish ang career ko.
Mama T: Wow, lalim ng english oh. Na-eemo ka lang kasi nabobored ka. Lumabas ka kaya.
RJ: Tapos may isa o dalawang shows din na hindi masyadong pinuntahan. Nakakakaba na. Talaga bang yun na yon? four years tapos na si Richard Reyes?
Carlitos: Hindi naman siguro RJ, pasensiya ka na. As your Manager, I feel responsible but I am really trying.
RJ: Alam niyo yung pakiramdam ko, yung last na mall show kasama yung ibang stars... parang hindi ko makita na kilala kami ng mga tao. Ang dami na namin pero hindi pa rin napuno yung venue. Carl, hindi kita sinisisi, wala namang may kasalanan eh. All I am saying is, what should I do? what should we do?
Mama T: Baka naman kailangan ng bagong character or kung baga sa pelikula bagong genre.
RJ: Ano? ihanap ninyo ako news and public affairs? sports show? reality show? variety show? kahit ano gagawin ko. Gusto ko lang magpatuloy ang career ko. Sana lalo pang sumikat. Kung hindi naman basta hindi lang ganitong nababakante. Alam naman ninyong ginagawa ko to para sa pamilya ko. O baka naman tama yung reporter na nagsabing kailangan ko ng magbago ng image... sexy, hot image.
Mama T: Kaya mo ba? Kayanin ba ng dibdib mo at hindi kaya atakihin sa puso ang lola mo?
Carlitos: Gusto mo ba? How far will you go for your career RJ? Yan ang tanungin mo sa sarili mo.
Mama T: Isipin ko pa lang, kinikilabutan na ako anak, baka bumangon ang Mama mo.
RJ: Atin atin lang ha... yung Cosmo Bachelor promotions and Bash ayoko ng ulitin. Para akong nauupos eh. Please lang Carlitos gusto ko wholesome.
Carlitos: Sige, I will set up a meeting with Artist Center and see if they can find anything. In the meantime, why don't you and Koreen go out of town, mag El Nido kayo or mag mountain climbing kayo nila Chris. Just get busy with something else.
Mama T: Oo nga naman RJ, magenjoy ka habang wala kang ginagawa.
RJ: El Nido? wow ang mahal don, sabi ni Chris ginto ang lahat ng bagay don!
Mama T: Sabihin mo kuripot ka lang talaga.
RJ: Ma, hindi ako kuripot, praktikal lang. Isa pa yan... bakit ba ayaw ng network na ilabas yung tungkol sa amin ni Koreen
Carlitos: Gusto mo bang maubos ang mga fans mo... syempre mas gusto nila yung single and ready to mingle para pwedeng pagpantasyahan. Mga feeling girlfriend pa naman yang mga fans mo at selosa! Dyosko!
RJ: Loko ka talaga Carl!
Iyan si RJ Faulkerson Jr. o kilala sa pangalang Richard Reyes, isang artista. Nagsimula sa pagsali-sali sa mga beauty pagents hanggang pumasok sa pagaartista dahil yun ang pangarap ng kanyang ina at para suportahan ang pamilya. Hindi naging madali para sa kanya ang pagpasok sa showbiz pero dahil may angking galing sa pagarte nakuha siya sa isang Teleserye. Ngayon, magaling ng umarte. Kapag nagsimula ng pumatak ang luha niya hahagulgol na ang sino mang nakakapanood sa kanya. Titig pa lang at mga tingin niya umaarte na. Sa apat na taon niya sa showbiz may mga nagawang teleserye at pelikula. Nagpatweetums, nagpakilig ng maraming tao. Nagkaroon na rin ng ilang ka-loveteam. Marami ng ginawang commercials, nagmodel na rin at nagrecord na din ng album. At nagka-awards na pero hindi pa talaga namamayagpag ng mataas ang career niya bilang artista. Hindi pa niya naranasang makilala sa ibang bansa, dumugin ng mga kababayan sa airport or sundan-sundan ng mga fans na napakarami sa bawat puntahan niya.
Mabait na tao si RJ. Kahit na sumikat hindi nagbago ang ugali nito. Halos lahat ng ibang artista na nakakasama at nakikilala niya iyon ang sinasabi. Mahilig tumulong sa tao, o sumali sa mga charity works kaya kahit papano binibiyayaan naman ng Diyos. Dahil lumaki sa lolang relihiyosa, kinalakihan nito ang pagiging madasalin at buo ang paniniwala sa Poong Maykapal. Ang gusto lang niya magkapangalan na tatatak sa isip at puso ng tao. Makilala bilang isang magaling na artista at mabuting tao. Sa pakiramdam niya ang pagaartista na talaga ang tadhana niya. Kaya pangarap niyang abutin ang pinaka rurok nito.
Dahil, wala ngang kasalukuyang trabaho, kung hindi sa bahay nila sa Laguna ay palagi itong nasa bahay ng Manager. Nagtitingin-tingin ng kung ano-ano sa internet. Nakatuwaan panoorin ang mga dubsmash videos lalo na ang video ng isang babaing kinikilala bilang dubsmash queen. Natatawa siya sa videos nito.
Mama T: Ano at natatawa ka?
RJ: Ang daming mga dubsmash videos Mama, nakakatawa. Lalo na ito, tignan mo dinubsmash niya si Ate Kris. Siguro kapag napanood ito ni Ate Kris matatawa yon ng sobra.
Mama T: yung dubsmash pala parang lipsync pero mga linya hindi kanta ang dina-dub. Aba, oo nga, ang pangit ng mukha oh.
RJ: That's the purpose Mama T, nagpapapangit at ineexagerate niya ang facial expressions para matawa ang mga manonood sa kanya. Grabe o ang daming views ng mga videos niya. Viral lahat eh. No wonder she's called the dubsmash queen. Itatry ko nga din yan minsan.
Mama T: alin mag-dubsmash or magpapangit?
RJ: syempre both.
Mama T: yung dubsmash pwede... yung magpapangit... good luck sa yo eh kahit umiiyak ka ang gwapo mo parin.
RJ: Mama, I know you love your own. Kaya love kita eh galing mong mambola.
Mama T: oy Ricardo! Hindi kita binobola kung hindi ka gwapo at mabait pagtitiisan ba kita?
RJ: Ganon?!
Mama T: Ganern talaga! Walang makakatagal sa pang bubully mo no?!
Inakbayan niya si Mama T, ang totoo... kung wala si Mama T baka nag-give up na din siya. Ito lang ang isa sa nagpapalakas ng loob niya.
BINABASA MO ANG
The Truth About You & Me
RomanceWhat would you do for fame? for money? for your dreams? for love? Find out how two different people - RJ and Dei, from two different worlds got tangled. Will they manage to work on their differences or will they manage to act as they should or...