Chapter 80 - bro goals

1.6K 91 0
                                    

Naging busy pareho si RJ at Dei ng mga sumunod na araw.  Bumalik si Dei sa Juan For All sa Barangay at kapag sabado ginawa pa rin nila ang From LS with Love para sa mga OFW's pero instead na sugurin, tinatawagan nila ito sa Skype  tapos may shooting sila para sa Stories of the Heart almost everyday sa hapon pagkatapos ng Lunch Surprise.

Walang ibang pinagsabihan si RJ at Dei ng tungkol sa relasyon nila kung hindi ang pamilya at pinakamalapit na kaibigan. Pero kapansin-pansin ang ningning sa kanilang mga mata at ang sweetness nila.  Minsan sa isang interview ng isang product launching ni RJ natanong siya tungkol sa love life.

Emcee:  Kamusta ka naman?

RJ:  Masaya naman po and busy sa trabaho pero ok lang.

Emcee:  Eh ang love life meron na ba?

RJ:   Matagal ng meron di ba, alam ninyong lahat yon.  Iisa lang naman ang ka love team ko so siya pa rin ang love life ko.

Nang si Dei naman ang natanong sa isang interview.

Reporter:  Kamusta ang pagbalik mo?

Dei:  Ok naman po nakakatuwa na tinanggap pa rin ako ng mga fans 

Reporter:  Eh ang lovelife mo kamusta?

Dei:  Ok naman po, masaya po

Reporter:  So talaga palang may love life ka na?

Dei:  Basta may inspirasyon po ako ngayon at masayang masaya naman po ako. 

Reporter:  Kamusta naman ang love team ninyo ni Richard Reyes?

Dei:  Going strong naman po, may project po kaming ginagawa ngayon abangan na lang po ninyo ang teaser nito.

Pero kahit gaano kabusy,  sinisigurado sila na may oras sila para sa isa't isa.      Kaya madalas pagkatapos ng shooting  magkakasama sila nila Rodjun at Sheena na tumatambay sa condo ni Dei o kaya naman sa bahay nila Sheena basta wala din lang silang mga trabaho.   Magkasundo naman si Rodjun at Sheena at nagiging close na din ang dalawa.

Minsan may isang concert na gustong panoorin si Sheena nagpasama ito kay Dei at dahil niyaya ni Dei si RJ. Pinilit ni RJ na sumama si Rodjun.  Nang matapos ang concert, magkakasabay silang naglalakad palabas na sana ng may mga fans na nagpapicture sa kanila.  Pinagbigyan naman nila ang kaso nagsunuran na ang iba at bago pa naagapan ng security pinagkaguluhan na sila.  Magkahawak ng kamay si Dei at Sheena nasa gilid nila si RJ at Rodjun at pilit na hinaharangan ang dalawa.

RJ:  Dahan dahan lang po, huwag po kayong magtulakan.

Pinilit silang lapitan ng Security pero lalong nagsumiksik ang mga tao naipit na sila. May mga humahawak kung saan-saan napabitiw tuloy si Dei at Sheena at itinakip ang braso sa dibdib. Niyakap ni RJ si Dei.

Dei:  Rodjun si Sheena naiipit na!

Niyakap ni Rodjun si Sheena.  Umiinit na ang ulo ni Rodjun.  Malakas itong nagsalita, galit ang boses pero nakikiusap.

Rodjun:  GUYS PLEASE! NAIIPIT NA SILA SHEENA AT DEI!

Nagulat ang lahat ng mga nasa paligid nila. Narinig siya ng Security kaya pinilit  lumapit sa kanila. May mga fans na bahagyang umusog at nagsabing padaanin ninyo sila. Nakalapit ang security pero hindi pa rin sila makagalaw sa dami ng nagsisiksikang tao. Nagkatinginan si RJ at Rodjun. 

RJ:  Kuya guard, bumalik na lang tayo sa loob.

Rodjun: Oo mas maluwag dyan eh.

May mga nakakuha ng litrato nilang apat na magkakayakap.Bumulong si Rodjun at RJ kay Sheena at Dei. Humarap silang apat sa pinanggalingan nila at yakap pa rin ni Rodjun si Sheena at ni RJ si Dei.  Dahan-dahan naman silang nakabalik sa loob ng concert hall. Isinara ang mga pinto nito at binantayan ng mga guwardiya.

The Truth About You & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon