Marami ang nagulat ng makita si Richard Reyes sa Lunch Surprise ng sabadong yon. Ipinakilala si RJ ni Sam sa Pinoy Henyo High segment. Natuwa ang marami pati na ang netizens. Lingid sa marami ang nararamdaman ni RJ ng mga oras na yon...
Nanlalamig siya at sobrang kinakabahan. Paulit-ulit na sinasabi sa isip, "You better make this good RJ, you cannot afford to make any mistakes."
Lalo siyang nagulat, kinabahan ng makitang ang mga hosts ay hindi gumagamit ng idiot boards kung hindi mga key words lang at kanya-kanya ng adlib. Nahirapan talaga siya. Pero mababait ang ibang mga hosts ng naturang show. Inalalayan siya at binaback upan. Nang oras na yon naramdaman niya ang pagtanggap ng mga ito sa kanya. At kahit gaano pa kahirap desidido siyang matuto at maging kasing gagaling ng mga ito pag dating sa pagho-host.
Maganda ang naging pagtanggap ng mga manonood at netizens sa unang araw ni RJ sa Lunch Surprise! Kaya ng makasalubong niya si Sir Tony, tinapik siya nito sa balikat.
Sir Tony: That went well. Tuloy mo lang.
Makalipas ang isang linggo umangat ang ratings nila at nadagdagan ang mga tweets tungkol sa show.
Sir Tony: Mukhang napasok na natin ang social media, maraming fans si Richard. Let's continue on and we will see how it goes. But Jenny, I still want to continue to find someone na kilala talaga sa social media ha?
Ms. Jenny: Yes Sir. Katunayan sir may mga videos ng dubsmash akong napanood nakakatawa ang mga ito.
Sir Tony: Dubsmash? Narinig ko na yan, that's interesting. Panoorin natin
Habang naghahanap sila, si RJ ginawa ang lahat para ipakita ang galing niya. Kahit papano naman may konting experience siya from the Sunday show na kinabibilangan niya noon. Kaya unti-unting naging kampante siya at lalong nagustuhan ng mga dumaang araw. Kaya ang dapat sana na isang buwan lang umabot ng mahigit dalawang buwan.
Hanggang isang araw ang isang sinimulan ang segment na siya mismo ang head host ang "That's my Bae". Contest para sa mga gwapo o cute na mga lalake na magagaling sumayaw at mag project sa camera. Naging mainstay na ng show si RJ at tinaguriang "Pambansang Bae".
Samantala, sinubukan naman si Dei na magpadala ng Resume sa hotels or restaurants kaya waiting lang siya. Habang naghihintay patuloy lang ang pagsusulat sa kanyang blogs at paggawa ng mga dubsmash videos. Natutuwa siyang isiping nagviral ang mga videos niya at pati ang blogs niya marami ang nagbabasa.
Sa mga comments sa mga ito niya nalalaman na may mga tao siyang napapasaya at para sa kanya that is the most fulfilling way to live a life. Dahil isang self proclaimed introvert, sa mga blogs na lang niya inilalabas ang lahat ng laman ng isip at puso niya. Ang mga blogs niya ang kanyang outlet. Nang mga oras na yon ok na siya, pero hindi siya kuntento. Gusto pa rin niyang mahanap ang talagang nakatadhanang buhay para sa kanya. Gusto niyang matupad ang mga pangarap niya.
Isang araw, katatapos lang niyang magbreakfast ng makatanggap siya ng tawag mula sa Tape, Inc. Nang marinig ang pangalan ng kumpanya natawa pa siya kasi sabi niya sa isip, "ano to factory ng scotch tapes?" Kaya nagulat siya ng magpakilala ang nasa kabila ng linya...
Tape Staff: Hello, Ms. Dei Mendoza? This is Rosalie from Tape Inc. the producer of Lunch Surprise!
Dei: Hello po! Opo, Dei Mendoza po. Lunch Surprise? Yun pong palabas sa TV, sa GMA network?
Tape Staff: That is right! We saw your videos on dubsmash, we think you are good.
Dei: Naku, thank you po! Coming from someone on TV that's flattering. How can I help you po?
BINABASA MO ANG
The Truth About You & Me
Lãng mạnWhat would you do for fame? for money? for your dreams? for love? Find out how two different people - RJ and Dei, from two different worlds got tangled. Will they manage to work on their differences or will they manage to act as they should or...