Nakabalik na si Dei ng Manila at nag-shooting naman sila ng mga scenes na kailangang kuhanan dito. Kapansinpansin naman ang pagiging close nila ni RJ. They pretty much stick with each other like glue. Naging mas madalas ang mga Ninja moves. Madalas silang kumain sa isang restaurant sa isang kilalang hotel, nagroroad trip papuntang Tagaytay o Bulacan katulad ng sabadong yon. Narinig ni RJ na iuuwi daw ni Dei ang bagong sasakyan na ipinadala ng Mirage para sa kanya, para may maiwan na sasakyan sa bahay nila at magamit ng mga kapatid niya. Bored siya, magiisang buwan ng hindi umuuwi si Koreen. Naisip niya hindi pwedeng magmukmok na naman siya.
Direk Pat: Papano ka nga ba makakaalis dito na yon ang gamit mo.
RJ: Isasakay ko na lang si Dei hanggang sa Valencia. Doon mo na lang ipahatid yung mirage niya kay Mother.
Direk Pat: Pwede, ang iisipin ng mga fans may shoot kayo don kung magkasama kayong aalis. Hindi nila kayo mapapasok don.
RJ: Exactly. Ipapark mo sa loob, tatawagan ko na lang si Mother. Ako ng bahala.
Direk Pat: Sige thanks!
Dei: Thanks Team mate ha!
RJ: Sus, ikaw pa ang lakas mo sa akin.
Ngumiti lang si Dei. Kaya pagbaba nila sa hagdan ng Broadway derecho sila sa Van ni RJ, naghiyawan ang mga fans, kinikilig dahil magkasabay silang aalis. Lulan ng Van ni RJ...
Dei: Sanay ka na talaga sa mga ninja moves na 'to no?!
RJ: Almost five years ko ng ginagawa 'to. What would you expect?
Dei: Sa bagay.
Pagdating nila sa Valencia pinagbuksan naman sila ng gwardiya, ipinasok and Van sa parking area. Tinulungan ni Mama T na ibaba ang mga gamit ni Dei at inilagay sa Mirage. Lumabas si Mother ng makita sila. Lumapit si RJ at nagbeso at yumakap sa Producer.
RJ: Mother, si Dei Mendoza po.
Dei: Good afternoon po. Thank you po for accommodating us.
Mother: Finally I met the Phenomenal Star.
Dei: Naku, Mam, I am most honored to have met you po.
Nagbeso si Dei at yumakap kay Mother.
Mother: RJ kaylan kayo gagawa ng pelikula sa akin? Ambunan naman ninyo ako ng swerte ninyong dalawa.
RJ: Mother a great script and story hindi namin tatanggihan. Pero baka pwede mo kaming ihanap yung tipong action love story para maiba naman.
Mother: Hmmm sige, parang itong si Dei din bagay mag-action. Sige, ihanap ko kayo ng story, tulungan ninyo ako sa mga management ninyo ha.
Dei: Oo naman po. Thanks po in advance.
Napangiti si Mother, ngayon lang siya nakakilala ng sikat na artista pero napakabumble makipagusap. Nang matapos ng ilipat ang mga gamit nagpaalam na sila at nagpasalamat kay Mother. Sumakay na ng sasakyan. Paglabas ng Van kumanan ito... nakita nila na nagsunudan ang ilang mga sasakyan sa Van. Sumunod ang isa sa mga sasakyan ni Mother tapos ang Mirage kung saan si RJ ang nagmamaneho. Kaya paglabas ng Mirage wala ng nakapansin dito. Ang Van bumalik sa Broadway na sakay si Mama T.
Masayang nagroad trip si Dei at RJ papuntang Bulacan, sa bahay ni Dei. Inabutan nila ang mga magulang at kapatid na naghahanda para sa isang lakad. Pupunta daw sa isang birthday ng Kapatid ng Tatay ni Dei na 75 years old na. Kaya naiwan silang dalawa sa bahay nila Dei.
Naisipan nilang magluto ng pasta at fish fillet para sa hapunan nila. Nakigulo sa kusina si RJ, naghiwa ng sibuyas, bawang at kung ano-ano pa. He was touchy that day, nandyang punasan ng pawis ang noo at leeg ni Dei. Nandyang buhatin si Dei para maabot nito ang mataas na parte ng kabinet para makuha ang mga gamit na kailangan.
BINABASA MO ANG
The Truth About You & Me
RomanceWhat would you do for fame? for money? for your dreams? for love? Find out how two different people - RJ and Dei, from two different worlds got tangled. Will they manage to work on their differences or will they manage to act as they should or...