Two hours lang ang itinulog ni RJ at nagising na ito 2:30 na kasi ng bumalik sila sa resort kung saan nakacheck-in sila Koreen at Kris. Naligo na si RJ at ng lumabas siya ng banyo ng alas sinko nasa dining table na si Kris at nagkakape.
RJ: Oh ang aga mo namang magising?
Kris: Ewan ko ba, sobrang Starstruck na to napanaginipan ko pa eh. Bro, single ba talaga si Dei?
RJ: Sa pagkakaalam ko... basta kung seryoso ka... just remember she's more of a simple woman than a phenomenal star, she's as true as she can be. Kaya make sure first na talagang gusto mo siya bago mo pormahan dahil masasaktan talaga siya.
Kris: Got that!
Bandang 8 ng magising si Dei. Kinuha niya ang cellphone at nabasa niya ang 6am message ni RJ saying pabalik na siya ng Manila at ang message ni Koreen na kakareceive lang niya saying thanks and that she is on her way to the airport.
May nagdoorbell, pinagbuksan ito ni Dei. Si Direk Pat at Direk Moty ang ganda ng pagkakangiti sa kanya.
Dei: Oh bat ganyan kayo makangiti... anyare?!
Direk Pat: Mukhang you made a good impression on a certain guy last night.
Dei: Hala! Maniwala naman kayo nakainom lang yon.
Direk Pat: Mukhang hindi kasi ang agang nagtext para itanong kung may lakad tayo eh.
Dei: Hindi nga?
Direk Pat: Eto basahin mo.
Inabot ni Direk Pat ang cell niya kay Dei. Napangiti si Dei.
Dei: Ok lang naman yon di ba Ate Pat? I mean to be friends with Kris.
Direk Pat: Oo naman kahit magpaligaw ka pa. Isa lang naman ang dapat mong tandaan, ingat lang para walang RichDee fan ang makaalam. Kahit may loveteam ka may personal na buhay ka pa din naman.
Direk Moty: Tsaka bestfriend naman ni RJ si Kris so palagay ko naman iisipin ng tao harmless na makita kayong magkasama, pwede ninyong sabihin na ibinilin ka ni RJ sa kanya.
Direk Pat: Ibig bang sabihin niyan pauunlakan natin ang invitation niya to spend the last hours of our stay in Boracay with him?
Dei: Kung ok lang sa inyong lahat.
Bandang 9:30 am, dumating ang isang Van sa resort. Sakay nito si Kris pero hindi na ito bumaba. Hinatid naman nila Direk Pat at Direk Moty si Dei sa Van. Naiwan sila para magcheck out at susunduin ulit sila ng Van.
Sa Van, pagsakay ni Dei.
Kris: Good morning!
Dei: Good morning!
Kris: Thanks for saying yes... kasi kung hindi malamang nabuburo na ako sa hotel room.
Dei: Sa Nami lang tayo pupunta di ba?
Kris: Actually kung ok lang sa Balinghai sana tayo nagsuswimming at maglu-lunch. You don't have to worry napakasecluded ng place, promise. Alam mo na kapag artista alam mo yung mga pinakatagong lugar. Sabi nga sa ads nila... Balinghay offers you a perfect escape where you can find yourself unite with natures serene beauty.
Dei: I like that. Pero pano sila Ate Pat.
Kris: Don't worry babalikan sila ng Van tapos ihahatid sa Nami. Nagbilin naman na ako don eh. Or we can have an early lunch here para makabalik tayo don before they even arrive.
Dei: Pwede early lunch na lang, I just don't like them thinking na pinabayaan ko sila eh.
Kris: Of course! Nakakatuwa ka. Dapat ikaw ang inaasikaso nila its not the other way around.
BINABASA MO ANG
The Truth About You & Me
RomanceWhat would you do for fame? for money? for your dreams? for love? Find out how two different people - RJ and Dei, from two different worlds got tangled. Will they manage to work on their differences or will they manage to act as they should or...