Chapter 17 - Here for you

1.5K 86 2
                                    

Simula non, kapag weekdays split screen pa rin dahil nasa Barangay si Dei at sa studio naman si RJ pero pagdating ng sabado sinisigurado ng show na magkasama si Richard at Yaya Dee.

Nandyang pumunta sila sa isang bahay na mukhang haunted house.  Patuloy sa pagpapakilig ng tao, mamamatay ang ilaw pero pagbukas, magkayap sila Richard at Yaya Dee, o kaya naman nagda-dubsmash pa rin. Kinasundan na sabado naman nagbirthday si Lola, sumali naman sa paper dance contest sila Richard at Yaya Dee.  Binuhat, kinarga at isinalabay (piggy back) ni Richard si Yaya Dee na talaga namang ikinatuwa at kinilig ang mga manonood. Pagdating ng huwebes nagcelebrate sila ng kanilang weeksary at sinundo ni Richard si Yaya Dee para sa date nila sa Broadway.  Kumain sila, nagsubuan, binigyan ni Richard si Yaya Dee ng mga pulang rosas at nagsayaw sila.  Kaya hindi na naman magkamayaw sa kasiyahan at kilig ang mga fans. Lalong dumami ang mga manonood ng Lunch Surprise dahil sa gumagandang istorya ng streetserye.

Samantala,  kasabay ng pag-ere ng streetserye.  Isinama din sa pelikula ni Vic Sotto si Richard at Dei.  Kaya mas madalas silang magkasama sa mga shooting.  Noon nagsimulang makilala nila Dei at RJ ang isa't isa.  Nakita ni Dei ang  natural ang pagkagentleman nito.  Nakita din ni RJ ang sobrang pagkahumble ni Dei at ang pagkanatural nito.  Walang arte sa katawan.  Pati ang pagkasweet ni Dei nakita din niya kaya lalo naman silang naging close.

Maraming mga masasayang episode ang segment pero meron ding mga malulungkot.  Isang linggong pinaiyak ng show ang mga manonood dahil sa streetserye, ikakasal na si Richard  sa isang babaing gusto ng lola niya para sa kanya. Pagdating ng Friday , pinapunta si Richard sa Barangay, para sa huling pagkakataon ay kausapin si Yaya Dee.  Sa bahay kung saan gagawin ang segment nandon si Richard at Dei, nagbriefing sila at ang bilin sa kanila maginternalize at ilagay nila ang sarili sa magiging eksena. Pero imbes na maginternalize, nagkwentuhan ang dalawa.

RJ:  Kamusta ka naman? 

Dei:  Ok naman pero nakakapanibago kasi almost one week ng malungkot eh.

RJ:  Oo nga eh, nababasa ko yung mga tweets eh.

Dei:  Nabasa mo ba? Nagagalit, nalulungkot ang mga fans kasi nag-give up na si Yaya Dee.

RJ:  Oo nga eh sobrang affected sila.

Dei:  But then again, ibig sabihin effective ang pagarte natin no?

RJ:  That's right.  I'm sure natutuwa ang management sa yo and this week's episodes seems to be a training ground for you.

Dei:  Training ground? What do you mean?

RJ:  Syempre, they need to know what would be their next step para sa career mo. Baka mamaya bigyan ka ng teleserye.

Dei:  Naku, hindi ko pa kaya yon, grabe naman.

RJ:  Anong hindi, eh napakaexpressive ng mukha mo. I'm sure konting coaching lang kaya mo na yan.

Dei:  Team mate ang laki ng bilib mo sa akin ha.

RJ:  I can see the potential in you Dei, magaling ka maniwala ka.

Dei:  Alam mo RJ, people like you makes me want to continue on.

RJ: Dapat lang dahil ang usapan natin walang iwanan di ba?  Basta just do your best.

Dei:  Kinabahan tuloy ako lalo, eh eto nga lang pagiinternalize hindi ko alam kung papano eh. Sabi magisip daw ako ng malungkot na pangyayari sa buhay ko, eh wala akong maisip.

RJ:  How about remembering a past lovelife... that ended. Di ba nagkaboyfriend ka na?

Dei:  Eh hindi naman nakakaiyak yon, nakakagalit lang.

The Truth About You & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon