Chapter 31 - limitations

1.3K 72 5
                                    

(ctto of the video on this chapter)

Si RJ naman nakasanayan ng kapag dumarating sa location ng taping or sa studio si Dei agad ang hinahanap, ipagtatanong niya ito at tsaka  pupuntahan para bumati at magbeso.  Nakasanayan na din nilang nagpapaalam sa isa't isa kahit iidlip lang or pupunta sa CR. Pero simula ng makausap ni Dei si Kris binago ni Dei yon.  Simula non kapag nasa taping at inaantok si Dei or gustong magpahinga  nagpupunta ito sa Van at doon natutulog  kay Direk Pat lang ito nagpapaalam.  Kaya nagugulat si RJ na kapag hinanap niya ito at sasabihing natutulog sa Van.  Tinatanong niya sa sarili, bakit hindi ata nagpaalam sa kanya?  

Kapag nasa studio naman siya at hindi pa umeere ang segment nila, nasa host room ito, kumakain at nakikipagkwentuhan sa ibang hosts. Kapag dumarating si RJ yayayain lang niya itong makisalo sa kanila hindi katulad noon na tatayo ito at maghahanap silang dalawa ng pupwestuhan para magkwentuhan.

Napansin ni RJ ang mga pagbabagong yon. Ok lang naman sa kanya since hindi naman ito totally nagbago ng pakikitungo sa kanya.  Mabait pa rin naman, nakikipagbiruan at nakikipagkulitan pa rin.

Ok na din naman si Dei sa kung papano nilang itrato ang isa't isa.  Lalo na at nagiging close na sila ni Kris.  Sobra-sobra ng pagsuyo ang ginawa ni Kris para hindi pa niya makita na seryoso ito sa pakikipaglapit sa kanya.   Naiinis lang si Dei kasi parang nananadya ang pagkakataon.

Pinapunta siya non sa Broadway para magcelebrate sila ng weeksary.  Nabriefing sila na mag-one on one question and answer portion sila pero yung mga tanong iaabot na lang sa kanila bago magsimula ang segment.  Kaya wala ng pagkakataon na mabasa ni Dei ang mga tanong. Kaya ng umere sila at dumating and one-on-one tanungan naging uneasy siya ng marinig ang unang tanong ni RJ.

RJ:  Totoo bang crush mo ako noon?

Naghiyawan ang audience. Napakamot si Dei sa leeg.  Hindi masagot ng derecho ang tanong ni RJ.

Dei:  Yan ba yung nakita kita, eh kasi ang cute mo non eh.

RJ:  Oo o hindi muna.

Dei:  Cute ka nga kasi

RJ:  Oo o hindi lang tapos may follow up question.

Dei: O sige. Cute ka nga 

RJ: Oo o hin...

Dei:  Oo!

Allan:  Nagba-blush ka Dei.

RJ:  Follow up question sa number 1, anong nagustuhan mo sa akin.

Dei:  ha? ano ba?! cute ka nga kasi, hindi pa naman kita kilala non, pero cute ka nga kasi.  kaya kinilig ako. Teka ako naman.

RJ:  One last follow up question,  crush mo pa ba ako ngayon.

Dei:  Ano ba?

RJ:  Dali na!

Dei:  Inaano ka ba?

Vic:  Sagot , sagot!

Ryan: may the witness answer the question?  

Dei:  Cute ka kasi, hanggang ngayon cute ka.

RJ:  O sige no pressure.

Dei:  Ako naman, syempre ibabalik ko yung tanong mo sa yo.  Ikaw ba? naging crush mo ba ako?  char! 

Sabay tumawa ng malakas.

RJ:  Inaano ka ba?

Dei:  Eto naman.

The Truth About You & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon