Chapter 19 - Motives

1.3K 80 2
                                    

Lalong naging mainit ang mga haka-haka ng mga fans na may namumuong relasyon pwera sa love team ni Richard at Dei ng gawin ang Grand Presscon ng pelikula nila.  Dahil sa presscon naitanong ang tungkol sa mga relasyon nila sa iba.

Reporter:  Dei, papano yon kung may balak at gustong manligaw? or may magyayaya ng date?

Dei:  Ok lang naman pero parang wala naman po.  Wala namang pong pumoporma sa akin ngayon.

Reporter:  Baka hindi mo lang alam.

Dei:  Ay ganon po?

Reporter:  So papano kung meron nga?

Dei:  Kung ok lang po kay Richard

RJ:  Huwag muna, relax lang kayo

Reporter:  Ah ganon so magpapaalam muna kay Richard.

RJ:  Hindi naman po...

Reporter:  May usapan ba kayong ganon?

RJ:  Wala naman po.

Dei:  Wala naman po.

Reporter:  So, ikaw Richard pano kung may mga nagpaparamdam sa yo

RJ:   ganon din po, right now yung focus ko po kasi is with RichDee and Dei so I don't entertain any feelings towards anybody.

Reporter:  Sa career mo yon, so pano yung personal life. Kasama pa rin ba si Maine.

RJ:  It is a matter of choice po eh and I chose to focus on what is happening right now. 

Reporter:  So lahat lahat na yon career and personal nakafocus ka lang kay Dei

RJ:  Opo

Ngumiti si Dei pero ang nasa isip... "totoo naman nakafocus siya just that may mahal siyang iba"

Reporter 2:  May something na ba kayo ni Richard?

Dei:  Something talaga?  Basta po yun nga very good friends kami ngayon at walang halong kashowbizan yan.

Reporter 2:  Richard, gaano na ba kalalim yung sa inyo simula nung magsimula ang RichDee five months ago?

RJ: Malalim na talaga Tito, matagal na din po and we began to know each other simula nung Tamang Panahon that's a month ago so, talagang masasabi ko lang po is nageenjoy po akong kasama siya, nageenjoy po ako sa mga trabahong ginagawa ko  and am very comfortable with her.

Reporter 2:  Malinaw naman na single ka Richard di ba?

RJ: Yes

Reporter 2:  Hindi ka naman nambababae, wala kang ibang girls di ba?

RJ:  Hindi rin po, wala po.

Dei: Si Yaya

RJ:  Si Yaya lang

sabay silang tumawa ni Dei

Reporter 2:  Si Yaya lang ang babae mo?

RJ: Opo.

Pagdating naman ng Premier Night, very successful ito at sobrang kinilig ang mga fans ng ipakilala ni Richard si Dei as his Better-half.  Napakaraming tweets ang naipost pati kahulugan ng salitang better half ipinost na.  

Katulad ng nakaugalian, binibigyan ni RJ ng tickets si Koreen sa mga pelikula niya at nanonood naman ito kasama ang Manager.  Paglakad ni RJ at Dei sa red carpet ng gabing yon... sweet na sweet ang dalawa naka-abre siete si Dei sa braso ni RJ  sa kalagitnaan namataan ni Dei si Koreen. Kinawayan ni Dei si Koreen at itinuro ito ni Dei kay RJ.

The Truth About You & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon