Sa huling araw ng shooting day... tatlong eksena na lang ang kukuhanan nila. Una ang eksena pagkatapos ng talon nila sa hanging bridge na kukuhanan sa ilalim ng kweba, pagahon nila sa tubig hindi napigilan ni Alex na maiyak, aaluin siya ni Joaquin at hindi mapipigilan ang sarili na halikan ang dalaga. Pangalawa, ang makabagbag damdaming eksena ng pagkakabaril kay Joaquin at pangatlo, ang ending. At lahat yon puro may kissing scene.
Nasa loob si Dei ng Cottage kung saan sila nagstay. Nakaupo si Dei sa couch, hawak ang script.
Sheena: Hay naku, last shooting day na, tapos na din ang maliit na bakasyon natin back to Manila na naman tayo bukas.
Walang imik si Dei...
Sheena: Dederetso ba kayo ng uwi tomorrow or sa studio kayo dederecho.
Hindi pa rin sumagot si Dei. Nakahalata na si Sheena, tinignan si Dei. Kinuha ang unan at ibinato kay Dei. Nagulat siya.
Dei: Ay! Ano ba?
Sheena: Anong ano ba? Ikaw ang ano ba girl? Kanina pa ako daldal ng daldal, hindi ka naman pala nakikinig at tulala ka lang dyan. Ano bang nangyayari sa yo?
Dei: Iniisip ko lang yung gagawin nating eksena eh. Kaya ko kaya yung heavy drama natin nila Tita Irma? Tapos yun pang eksena kasama si Joaquin na nabaril...
Sheena: Alam mo ikaw, minsan nakakainis na yang pagiging nega mo. Ang daming drama scenes ng teleserye nagawa mo nga eh. Ngayon ka pa ba magaalala? Kayang kaya mo yon, lalo na yung eksena ninyo ni RJ, isipin mo lang na totoong si RJ ang nabaril I'm sure baka mapasigaw ka pa at hagulgol.
Dei: Talagang nakuha mo pang magbiro ha.
Sheena: Yung mga drama scenes ba talaga ang inaalala mo oh yung kissing scenes? Although am sure kayang kaya kang dalhin ni RJ sa mga scenes na yon.
Dei: Sheena naman eh, puro ka kalokohan eh.
Sheena: Kalokohan ba talaga? Eh obvious naman na may pagtingin kayo sa isa't isa pero naiintindihan kita eh. Mahirap paniwalaan kahit pa nararamdaman mo na dahil sa sobrang galing nyang artista, hindi mo na alam kung kailan siya umaarte at hindi.
Dei: Friends talaga tayo, you can read my mind eh.
Sheena: Well sa mga kwentuhan natin obvious naman laman siya ng isip at puso mo pati na ang pagaalinlangan mo halata ko.
Dei: This is showbizness I guess.
Sheena: Kaya ako, ayoko ng boyfriend na artista!
Dei: Kapatid ng artista pwede ba? Crush ka ng Kuya ko eh.
Dei: Huwag kang ganyan... funny na din ako.
Nagtawanan silang dalawa. Makalipas ang isang oras nasa dagat na sila ni RJ, nagtampisaw sa dagat sandali at pumasok sa kweba pagdating sa loob naupo sila sa mga bato, nakalubog ang binti sa tubig pagsigaw ng action.
RJ: Bilis Alex, dito tayo sa loob baka makita pa nila tayo dito.
Tumayo si Joaquin at inalalayang tumayo si Alex, pumasok sila ka kweba ilang metro ding naglakad sa madilim na kweba hanggang makakita ng medyo patag at maliwanag na lugar. Maymaliit na butas ang kweba na sinisinagan ng araw. Naupo si Alex.
Joaquin: Sige magpahinga muna tayo. Maliwanag na sa banda don siguradong may lagusan dito...
Napatigil sa pagsasalita si Joaquin, narinig niyang humihikbi si Alex. Nilingon niya ito, nakita niyang tahimik itong umiiyak, tumutulo ang luha.
Joaquin: Alex... alex bakit ka umiiyak?
Alex: Akala ko talaga mamamatay na ako sa pagbagsak ko, pakiramdam ko tinamaan ako ng bala. Akala ko mamamatay na ako.
BINABASA MO ANG
The Truth About You & Me
RomanceWhat would you do for fame? for money? for your dreams? for love? Find out how two different people - RJ and Dei, from two different worlds got tangled. Will they manage to work on their differences or will they manage to act as they should or...