Chapter 71 - Balikbayan

1.5K 97 4
                                    

Nagtungo si Dei sa Indonesia, Dubai, Qatar at Milan para sa huling assignments niya para sa Lunch Surprise. Matapos ayusin ang mga video's ipinadala niya ito kay Direk Pat. Umattend ng ilang book signing event at hinintay lang niya ang reprinting ng kanyang libro na gagamitin sa launching nito sa Pilipinas.  Ila-launch ang libro niya ilang araw bago ang kanyang birthday.

Huling Sabado ng Pebrero, umuwi ng Pilipinas si Dei sa Clark ang arrival niya. Dahil matagal na nawala at iba ang pananamit, style ng buhok, nakashades at nagiisa kaya walang masyadong nakapansin sa kanya.  May ilan na nagsesecond look pero wala namang kumuha ng litrato. NagUBer lang siya pauwi kaya pagparada ng sasakyan niya sa tapat ng bahay nila. Nagulat si Coleen ng makitang ibinababa niya ang dalawang malalaking maleta.  Napatili ito.

Coleen:  Aayyyyyyy Dei!  Nay, Tay si Dei nandyan si Dei

Nagtayuan at napatakbo sa gate ang buong pamilya na ng mga oras na yon ay nanonood ng Lunch Surprise.

Tatay Teddy:  Ano ka ba namang bata ka! Hindi ka man lang nagpasabi.

Dei:  Eh gusto ko nga ho kayong sorpresahin eh.

Nagmano si Dei at yumakap sa kanyang pamilya.  Pagpasok nila sa bahay nakita ni Dei ang pinanonood  ng mga ito.  

Dei:  Mabuti naman at pinanonood ninyo yan.  

Coleen:  Halika panoorin natin ngayon ang huling airing nung  From LS with love eh.

Nanay MaryAnn:  Coleen pakainin mo kaya muna yan kapatid mo?

Coleen:  Upo ka na dyan ikukuha kita ng pagkain.

Natatawa na lang ang mga magulang at kapatid niya sa kanya.  Kung meron sa pamilya nila ang gustong-gusto si RJ si Coleen yon dahil naging crush niya ito nung hindi pa artista ang kapatid at simula ng maging kaloveteam ito ni Dei, ipinagdarasal na niya na magkatuluyan ang dalawa.

Ipinakita ang panel bumati ang mga ito kasama si RJ.

Dei:  Parang nangangayayat naman siya.

Coleen: Papano nga nami-miss ka.

Ipinakita na din sila Jose, Wally at Paolo sa Baranggay.  Nasa Paranaque sila ng araw na yon dahil taga doon ang pamilya ng nabunot na letter sender. Binasa ni RJ ang sulat at halatang naiiyak ito sa kwento ng letter sender.

Jose:  Richard, mukhang nakakarelate ka ah

RRJ:  Medyo Kuya... am sure it was very hard for her na mawalay sa kanyang pamilya lalo na at pumanaw na ang kanyang Ina pero matapang pa rin siya.

Tinawagan ni Vic at sinugod na nga nila Jose ang isang maliit na apartment sa Sampaloc Road sa Paranaque. Nakilala nila ang mga kapatid ng letter sender. Matapos interviewhin ipinalabas ang video ni Dei.  Sinugod niya ang OFW na si Marissa, kasambahay ng isang Doctor na Italiano at Yaya ng dalawang anak nito.  Ipinagmamalaki ng amo niya si Marissa at halatang mahal na mahal ng mga batang alaga niya si Marissa.

Dei:  Ate Marissa, ano ang pinaka mahirap na parte ng trabaho mo dito?

Marissa:  Yung kapag naiisip ko inaalagaan ko ang dalawang batang ito pero hindi ko maalagaan ang anak ko. Masakit po yon para sa isang ina pero iniisip ko na lang para sa kanya din naman ang ginagawa ko.

Ipinakita sa screen na umiiyak ang sampung taong gulang na anak ni Marissa at ang Nanay ni Marissa.

Dei: Napapanood ho tayo sa Pilipinas ano po ang message ninyo sa Nanay at anak mo.

Marissa:  Nay, maraming maraming salamat po sa pagbabantay at pagaalaga kay Mariel. Huwag ho ninyong pabayaan ang sarili ninyo. Mariel, nak miss ka na ni Mama at sana naiintindihan mo si Mama at lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka ni Mama.

Dei:  Marissa, dahil sa sulat mo na kalakip ang mga hiling mong mapacheck up ang Nanay mo at mabigyan ng vitamins at makapagaral ang anak mo at magkaron ng mga maayos na gamit pangeskwela ang Juan for All po ay susugod ngayon sa inyo para ibigay ang mga pasalubong at papremyo.

Marissa:  maraming maraming salamat sa yo Dei at sa inyong lahat po sa Lunch Surprise lalo na sa Juan For All.  Bossing maraming salamat po. Sana po magatagal pa ang show na ito at ipagdarasal ko po kayong lahat para mas marami pa kayong matulungan.

Dei:  Thank you sa pagpapatuloy mo sa min.  Shelley, Thank you for giving her this job and for being good to her.

Nakipagkamay si Dei sa amo ni Marissa at niyakap si Marissa at ang dalawang bata at tsaka naglakad papunta sa pinto ng bahay.

Dei:  Sa bawat pagsubok sa buhay, tatag ng loob at tiwala sa poong maykapal ang kailangan sa buhay. Kahit saang lupalop ng daigdig pa kayo makarating mga mahal naming kababayan na OFW's  ipagpatuloy ninyo ang maayos na pagtatrabaho dahil ikinararangal namin kayo at saludo kaming lahat sa Lunch Surprise sa lahat ng paghihirap ninyo. Mabuhay kayong lahat!

Mga dabarkad's marami pong salamat sa panonood ninyo sa amin. Nawa po ay kinapulutan ninyo ng aral at inspirasyon ang bawat taong nadalaw, nasugod  at nakilala natin sa segment na ito.  Ako po si Dei Mendoza, nagsasabing  dito sa puso ko mananatili kayong lahat.  Hanggan sa muli From LS with Love this is Dei Mendoza signing off.

Nanay MaryAnn:  Alam ba ni RJ na uuwi ka?

Dei:  Hindi po, wala naman ho akong pinagsabihan eh. Tay sa susunod na linggo ho pala may book launching ako dapat nandon kayo ha.

Tatay Teddy:  Syempre naman nandon kami.  Anong plano mo ngayon?  Birthday mo na next week di ba.

Dei:  Wala Tay, magdinner na lang tayo sa araw ng birthday ko, gusto ko ho munang magpahinga. Magbeach na lang kaya tayo sa birthday ko.

Dean:  Oy, gusto ko yan.

Coleen:  Ay alam ko na, Tay di ba sabi mo kailangan mong magocular doon sa location nung bagong negosyo mo bukas?  Bakit hindi mo isama si  Dei para makita niya.

Kumindat si Coleen ng palihim sa Tatay niya. Naintihan naman yon nito.

Tatay Teddy:  Oo nga anak, baka naman pwedeng ikaw na ang pumunta ipagda-drive ka ni Dean at ng makilala mo na din yung makakasosyo natin doon.

Dei:  Sige po, walang problema.

Samantala sa studio, pagkatapos ng show nagtanong si RJ kay Ms. Jenny.

RJ: Ms. Jen, last video na niya yon?

Ms. Jenny: Oo eh.

RJ: Ay sayang naman, hindi ko na naman siya makikita.

Ms. Jenny: Bakit ba kasi hindi mo kontakin?

RJ: May usapan kami na bawal magcommunicate eh. Sayang nga eh, ininvite niya ako sa book launching niya eh may shooting ako non.

Ms. Jenny: Si Mr. T nagpunta eh.

Mr. T: Oo at kinamusta ka niya at ang career mo.

RJ: Talaga Tito? Eh siya kamusta?

Mr. T: Ok naman, enjoy naman at successful ang kanyang book launch. Eto oh may pinadala siya sa yo.

Kinuha ni RJ ang paper bag at inilabas ang laman nito. Kopya ng librong isinulat ni Dei at may autograph at message pa.

"RJ, our memories will stay with me until the end of time" ang nakalagay sa librong My Dreams Journey. At "RJ, hope that this is enough for you to know that you are missed" naman ang nakalagay sa "Scribbled Thoughts".

Napangiti si RJ at nagpasalamat kay Mr. T.

Mr. T: Sabi ng anak ko, you better read the dedication page. Kinilig daw siya eh

Una niyang tinignan ang Scribbled Thoughts, sa gitna ng isang page nakalagay lang "RJ-my inspiration". At yung sa My Dreams Journey, nakalagay... "In a perfect world ours could have been a great love story, RJ."

RJ: Wow, akala ko talaga nanggo-goodtime lang sila Kris at Rodjun. Totoo pala. Sabihin mo po sa daughter mo Tito, kinilig din ako ng mabasa ko.

Nagtawanan sila.  Ang nasa isip ni RJ... "ito siguro ang ibig niyang sabihin ng walang iwanan,  lagi pa rin akong bahagi ng mga libro niya."

The Truth About You & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon