Alas sinko na ng hapon ng marating nila ang Alabat Island, napakatahimik dito. Pero may nagiisang bahay na mukhang may mga cottages. Sinamahan sila ng Bangkero sa loob.
Bangkero: Manang Linda, may bisita ho kayo.
Pagkakita sa kanila, nagulat ang matanda.
Linda: Susmaryosep, Paeng! Artista ata itong mga bisita natin.
Bangkero: oo nga ho, pero kaya ho namin sila dito dinala dahil gusto nila sa tahimik na lugar at walang iistorbo sa kanila. Sir, maiwan ko muna kayo at ihahanap ko kayo baka may huli pa silang sariwang isda.
RJ: Salamat po.
Linda: Malayo kami sa iba pang mga bahay dito at kakaunti din naman ang nakatira sa islang ito.
Iniikot sila ng matanda sa lugar.
Linda: May anim na pangdalawahan na cottages na may papag 500 ang isang gabi. At itong isang malaking cottage na kasya ang sampu. May sariling banyo ito at may maliit na batalan na pwede kayong magihaw at magsaing. Pwede ko naman kayong pahiramin ng gamit. 2,500 naman ito.
Dei: Ok na ito, may mga sleeping bag naman tayo, at least may papag at may electric fan.
Sheena: Oo nga this is better, magkakasama pa tayo.
Rodjun: Dito na lang ho kami, Nanay. Pahiram na lang din ho ng mga gamit.
Linda: O sige, kukunin ko.
Juancho: Mabuti pa ilabas na natin dito sa lamesa ang lahat ng pagkain na dala natin para alam natin kung ano ang pwedeng lutuin.
Dei: Yun na lang mga century tuna, lutuin ko. Sheena samahan mo ako don sa tindahan.
RJ: Ako na sasama sa yo. Sheena abangan na lang ninyo si Manong hiramin ninyo yung kalan nila. Kris hiram kayo ni Joyce ng kawali at sandok.
Pagdating ni Manong, kasama nito ang isang lalaki na may bitbit na balde.
Manong: Oh ito may alimasag, sugpo, at tilapia pa si Benok.
Bea: wow ang lalaki ng sugpo oh. Magkano po kuya.
Benok: Kahit po four hundred na lang para maubos lang. halos dalawang kilo ho yang sugpo at sampung piraso ho yang alimasag. at tatlong piraso ho yang tilapia, mga isang kilo't kalahati ho yan.
Dumukot sa bulsa si Juancho, iniabot ang 500 kay Benok.
Juancho: Kuya keep the change pero paki linis na yung isda.
Benok: Sige po hihiram lang po ako ng kutsilyo.
Pagbalik ni Rodjun at Sheena bitbit nito ang maliit na shellane nila Manong at saingan nila.
Manong: O pano, maiwan ko na kayo.
Kristofer: Manong yung pera ho ninyo baka kailangan ninyo babayaran ko na kayo.
Manong: Bukas na Noy, pagtapos ng trip natin.
Kristofer: Salamat ho!
May bitbit namang, mga pinggan, baso, kawali at sandok sila Joyce. At pagbalik ni RJ at Dei, may bitbit na mga softdrinks, kamatis, sibuyas, itlog, 3 in1 coffee at katol.
Juancho: May dala pala akong pampainit, inom tayo mamaya ha. Pero magihaw muna tayo nitong isda.
Dei: Yan na lang munang seafood ang ulamin natin. Bukas na ng breakfast yung tuna at itlog.
Sheena: Boy's doon kayo magihaw sa malayo ha, para hindi mausok dito.
Binitbit ni Juancho at Kris sa beach ang ihawan, tatlong metro ang layo sa cottage.
BINABASA MO ANG
The Truth About You & Me
RomanceWhat would you do for fame? for money? for your dreams? for love? Find out how two different people - RJ and Dei, from two different worlds got tangled. Will they manage to work on their differences or will they manage to act as they should or...