Chapter 66 - The last show

1.5K 85 6
                                    

(ctto of the videos on this chapter) 

Dahil birthday celebration ni Dei sa Lunch Surprise... Siya ang nag opening number... Medley ng mga kanta ni Meghan Trainor ang ginamit nila sa Opening Prod.  Sumayaw siya kasama si Taki at ang mga Bae's ng "Lips are Movin'", kinanta at sinayaw nila ni RJ ang "Dear Future Husband". Kinanta at sinayaw niya kasama ang EB Babes ang "Me too."

Dei gave it her all, ang galing ng pagkakasayaw at pagkanta niya. Nang lumabas ang mga Dabarkads sa stage sabi ni RJ "Ginalingan ni Ms. Dei Mendoza oh." kinurot siya ni Dei sa tagiliran.

Isang surprise para sa mga Dabarkads ang ginawa ni Dei sa opening ng segment ng Juan For All. Habang nakaupo sa panel si Tito Sen, Vic at Joey.  Nasa isang gilid si Dei may sariling mesa at swivel chair katulad ng unang dubsmash video niya noon. Sa likod niya may frame na may kurtina.

Tito Sen:  Teka muna, Dei anong ginagawa mo diyan?

Vic: Oo nga may bago ka bang segment?

Dei:  Hindi po, ano po gagawa po kasi sana ako ng dubsmash video may mga bago ho akong characters na gustong gayahin eh gusto po ninyong makita?

Joey:  Aba ok yan, teka bago mo gawin yan yayain na din natin ang Barangay... Barangay pasok!

Ipinakita si Jose, Wally at Paolo na bumaba ng sasakyan at nagmamadali.

Jose:  Ano ba naman itong si Ms. Helen ura-urada naman tayong pinapunta dito.

Wally: Eh kasi nga daw bday ni Dei

Paolo:  Dapat sinabi na nila kanina.

Dere-derecho sila sa stage, bumati sa mga manonood.

Jose:  Ano ba yan Bossing, nagulat naman kami basta kami pinasakay sa Van.  Ano ba naman Dei!

Paolo:  Oo nga! 

Wally:  Ano ba Dei!

Nagmake face si Dei na parang natatakot.

Dei:  Sorry po, sabi po kasi nila kailangan ninyo daw pong mapanood ang gagawin ko kasi iu-upload ko po ito, malay niyo po magkaron ng hindi lang Milyon kung hindi Bilyon na views.

Bossing:  O sige, oy pahingi kami ng silya dito.

Lumabas naman ang Bae's na may dalang silya para kila Jose, Wally at Paolo.

Ruby:  Dei, nandito na kami sa audience, ano ba yang gagawin mo?

Dei:  Magdadubsmash po ng mga bagong characters. Tahimik po tayong lahat ha wala lang pong kokontra. O ate Pat eto na cellphone ko gandahan mo ang kuha ha.

Tumayo si Dei sa harap ng mesa at tumalikod at may nagvoice-over. Here is Dei Mendoza on her newest never before seen dubsmash performance...

Una niyang dinubsmash ang question and answer portion ni Patricia sa Bb. Pilipinas. Tumayo at pumose pa ito na parang si Patricia, dinubsmash ang wedding vows ni Pauleen, tapos linya ni Ryzza sa the Ryzza Mae Show at ang linya ni Baste sa isang commercial nito. Pagkatapos dinubsmash nya ang isa sa mga scene sa  pelikula ni Ruby sa Enteng Kabisote,  yung kanta ni Jimmy sa Bondying I am a little big boy, linya ni Anjo sa Pulis Patola at linya ni Ryan sa My House Husband.  Tawa ng tawa ang mga ito sa panonood kay  Dei. Dinubsmash din niya ang ilan sa linya ni RJ sa ilang mga teleserye nito at ang linya nito na nagwawala sa scene niya sa lenten special kung saan gumanap itong special child. Hindi magkamayaw sa pagpalakpak at paghiyaw ang mga audience at ang Dabarkads lalo na si RJ sa galing ng pagkakadubsmash niya.

The Truth About You & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon