Chapter 46 - Wedding Gitters?

1.3K 74 4
                                    

Makalipas ang isa't kalahating buwan yung araw na eereng muli ang streetserye ang briefing sa kanila, limang taon na silang magkasintahan at mamamanhikan na si Richard. Sa location pinapunta si Dei at Richard.  Inabutan ni RJ na nakaupo sa garden set si Dei nilapitan niya ito at nagbeso.

RJ: musta Baby Girl? Ready for this?

Dei: Pano ba maging ready?

RJ: Hindi ko din alam eh ang alam ko lang I want to enjoy this. Mukhang last leg na to ng serye, why don't we give them a great spontaneous show.

Dei: what do you mean?

RJ: Masaya tayo sa ginagawa natin, masaya tayo sa kung ano mang meron tayo di ba? Let's just show them that, tapos bahala na silang magisip. Tutal alam naman natin ang totoo eh.

Dei: and ano ang totoo?

RJ:   That we have a special bond kaya let's just go on with this tutal para sa career naman natin ito and we both owe it to the fans who stayed and supported us.  Bahala na! Gawin na lang natin kung ano ang hinihingi ng pagkakataon. Bahala na kung ano ang isipin ng tao o kung saan tayo dalhin nito.

Kaya pagere ng streetserye kung saan ang istorya ay nagsimula five years after ng sagutin ni Yaya Dee si Richard, at ng araw na yon ay mamamanhikan na si Richard.  Sobrang nagulat ang buong staff ng baranggay sa kakaibang sweetness ni RJ at Dei.   Lalo na sila Jose, Wally at Paolo.  Hindi nakaligtas sa mga fans kung papanong parang normal na normal kung akbayan at hapitin sa bewang ni Richard si Yaya Dee. Na para bang talagang matagal ng may relasyon ang dalawa. 

Pati ng mga sumunod na episode nila kung saan halos araw-araw silang magkasama sa studio dahil sa pagpeprepare ng kanilang kasal sa streetserye. Kung hindi mo alam na isang palabas ang umeere sa TV talagang iisipin mong may relasyon talaga ang dalawa.  Lalong ikinagulat ng mg staff ng maghanda ng wedding gift sila RJ at Dei.

Dei:  Dapat talaga may wedding gift kami sa isa't isa Ms. Jenny para realistic di ba?

Nagulat din si Ms. Jenny na bumili ng sariling wedding ring nila si RJ pwera sa props na singsing na inihanda ng staff para sa kanila ni Dei.  Nang tanungin siya ni Ms. Jenny and sagot ni RJ.

RJ:  Ms. Jenn, I want to have a symbol of our special bond.  Tsaka para may susuutin talaga kaming dalawa parang special friendship bond namin.

All through ng preparation ng wedding para sa streetserye, ginawa ng management ng Lunch Surprise ang lahat para sa isang engrade at magmukhang totoong totoo ang kasalang magaganap syempre kasamang napagusapan at pinaghandaan ang "you may kiss the bride."  Ang hindi alam ni RJ, para sa buong staff ang kasalang yon ang game changer.

Gabi bago ang nasabing kasalan, nasa  bahay sa Bulacan si Dei.  Habang kumakain ng hapunan...

Dei:  Tay, Nay, manonood po ba kayo bukas?

Tatay Teddy: Ayaw mo ba?

Dei:  Hindi po, tinatanong kasi ni RJ, ipagpapaalam po kasi yung "you may kiss the bride". Nahihiya po kasi kaya sabi niya banggitin ko daw sa inyo.

Tatay Teddy:  Artista ka, gawin mo kung ano ang hinihingi ng trabaho.  Nasa iyo naman kung papano mo dadalhin yan anak.  Sabihin mo kay RJ, trabaho yon kaya ok lang.

Nanay Meann:  Nak, hawak mo pa ba ang puso mo? Hindi naman malayong humulagpos na yan pero sana lang wala kang pagsisisihan pagdating ng oras.

Dei:  Nay, masaya ako sa ginagawa ko.  Wala akong pagsisihan kahit na mahirap, masakit at magulo ang mundong ito, wala akong pagsisihan dahil natupad ko ang pangarap ko at hanggang alam ko na may mga tao akong napapasaya... ipagpapatuloy ko ito.

The Truth About You & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon