Chapter 42 - Plans

1.2K 78 4
                                    

Ang hindi alam ni RJ, bumalik si Dei sa opisina ni Ms. Jenny at kinausap ito.

Dei:  Ms. Jenny, gusto ko lang malaman anong long time plans ninyo para sa streetserye?

Ms. Jenny:  Wala pa naman.  Pero your contract with us is 3 years. So, kung kailangang pahabain ang street serye at hanggang tinatanggap at gusto ito ng viewers we will continue on.

Dei:  Eh anong mga projects pa po ba ang kailangan kong gawin for the remaining time ng contract ko?

Ms. Jenny:  Ang alam ko  besides dito sa Lunch Surprise, may teleserye, another movie at kung matutuloy ang plano nila boss mall shows abroad, hinihintay lang ang final sponsors. Hindi ko din masyadong sure if you want we can go discuss with Mr. T.  May say ka naman sa schedules eh kung may ibang plano kang gawin.

Pumunta nga sila kay Mr. T.

Mr. T:  Mabuti nagpunta ka, I was thinking of calling for you para ipakita ang schedules.

Dei:  Sir, I know I requested na ituloy itong streetserye to where we can teach the youths about relationships and we already did that. Now, ire-request ko po sana to cut it short.  Baka pwedeng magpahinga muna tayo sa street serye.

Mr. T:  Jenny, ano na ba ang plano? Can we do a recess on the story.

Ms. Jenny:  well we were thinking of showing the audience up to the part where ikakasal sila, magbubuntis at magkakaanak since yan ang hiling ng RichDee Nation. Pero we can make a recess. Siguro kunyari the Lola's need to go abroad. Tapos when everything else is ready we can start with the story five years after yung magpopropose na si Richard ng kasal.

Mr. T:  There, you heard it pwede naman.  But I wanted to know, the reason behind this?

Dei:  I have a teleserye and another movie to make  for yoy Sir, gusto ko ho sanang magacting workshop.

Mr. T:  Acting workshop?  You are a natural Dei, everyone can see that.  Pero tama ka naman malaki ang maitutulong ng acting workshop para mahasa ang pagarte mo lalo na sa pagdadrama.

Dei:  Since may time naman po at pwede naman I just need this,  kasi if I don't really learn how to act hindi ho kakayanin nito oh.  (Sabay turo sa puso) Kasi since start up to now ako lang ito, akong ako, emosyon ko, puso ko.  Totoo, walang acting.   Ayoko hong makagulo o makasira ng relasyon ng iba.  I really need to learn how to act in love without really being in love, act hurt without really being hurt.

Naintindihan naman ni Mr. T ang ibig niyang sabihin.  Hinawakan nito ng mahigpit ang dalawang kamay niya.

Mr. T:  Naiintindihan ko na, sorry Hija if you had to undergo all this bago namin marealize na hindi na ito maganda para sa yo.

Dei:  wala naman ho kayong kasalanan, ako ito eh pinabayaan ko ang sarili ko.

Mr. T:  Tama ikaw lang pero kahit kaylan hindi kasalanan ang magmahal, dahil hindi mo naman pwedeng ituro sa puso mo kung sino ang dapat mong mahalin.

Sandali silang nanahimik.

Mr. T:  Salamat din Hija at naging totoo ka sa amin, kahit may nararamdaman ka hindi ka basta nagdedesisyong umalis na lang.

Dei:  Mr. T, utang ko ho sa inyo ang career na ito, at ang pagabot ko sa pangarap na ito.  Kahit kaylan hindi ko ho gagawin na ipahamak ang show na gumawa at nagpasikat kay Yaya Dee.

Mr. T:  It's settled then, huwag kang magalala.  Gagawin  naming kapakipakinabang at memorable para sa yo ang isa't kalahati pang taon na ilalagi mo dito sa amin.

Dei:  At huwag din ho kayong magalala matapos man ang panahong yan. Kayo lang ang babalikan ko kapag nagdesisyon akong bumalik.

Mr. T:  Aasahan ko yan dahil, alam ko magmamature ka, makakalimot din ang puso and when that happens pwede mo ng ituloy ang acting career mo.

The Truth About You & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon