Ilang araw ang lumipas pumutok ang balita na nagdouble date sila Rodjun, Sheena, RJ at Dei lumabas ang litrato nilang apat na maipit sila at yakap ni Rodjun si Sheena at yakap ni RJ si Dei. Pati na ang litrato na magkaholding hands si RJ at Dei at nakahawak si Rodjun kay Sheena. Pero ang headline. "Rodjun lost his temper sa double date niya with Sheena at ng bestfriend na si RJ at Dei. May relasyon kaya?"
Natatawa na lang silang pare-pareho ng mabasa sa dyaryo. Wala sa kanilang umiimik kaya lalong maingay ang balita hanggang pati sa social media may nagpost ng mga litrato.
Makalipas ang ilang buwan kahit na tapos na silang magshoot ng unang episode ng The stories of the Heart. Palagi pa ring magkakasama ang apat. Katulad na lang ng maimbitahan sila sa Sinulog Festival sa Cebu at sa Panagbenga Festival sa Baguio.
Magkakasabay silang nagpunta doon kasama ang crew ng Sunday Show ng GMA. Sumakay silang apat sa isang float at naging successful ang float parade pati na ang show nila doon. Sa The Grand Sierra Pines sila nagstay. Kasalukuyang nasa gym si RJ at Rodjun non nagpapapawis at nasa Spa naman si Dei at Sheena. Usapan nila magkikita sila after an hour sa Restaurant ng Hotel.
Paglabas ng Gym nila RJ at Rodjun, nakasalubong nila si Direk Mike at Direk Pat.
Direk Mike: Nasa restaurant ang Daddy mo pinapupunta ka ngayon may bisita ka daw.
RJ: ok sige, punta na kami doon.
Malayo pa nakita na ni RJ at Rodjun ang lamesa kung saan nandoon si Daddy Richard.
Rodjun: Bro, kilala mo ba yung kausap ng Daddy mo? Pamilyar eh
RJ: Oo nga no, sino nga ba yan.
Kathleen: Tisoy! Oh my God!
Tumayo at tumakbo palapit kay RJ ang babae. Nagulat si RJ. Samantala halos dalawang metro lang ang layo ng elevator kung saan lumabas si Dei at Sheena.
Kathleen: Tisoy! Ikaw na ba yan?
RJ: Sorry, familiar ka but I'm not sure why.
Kathleen: Tisoy! I'm Kath... yung classmate mo nung high school, yung number one fan mo noon pa!
RJ: Kath? Kathleen? Ikaw nga!
Nagyakap ang dalawa mahigpit... nakita yon ni Dei. Lalapit na sana si Sheena pero pinigilan siya ni Dei. Umatras si Dei at naglakad palayo.
Sheena: Hey, hinihintay nila tayo.
Dei: Kuha muna tayo ng tubig sa room.
Wala ng nagawa si Sheena kung hindi samahan ito. Pagdating sa kwarto ininom nito ang isang boteng mineral water. Kinalma ang sarili.
Dei: She said her name is Kath di ba?
Sheena: Yah. Kath high school friend.
Dei: That must be the ex na ikinuwento niya na nawalan na din sila ng communication when his Mom died.
Sheena: Ok ka lang?
Dei: Oo naman, nabigla lang ako but I'm ok now. Let's go puntahan na natin sila.
Pagbalik nila nakita ni Dei na magkatabi sa upuan si RJ at yung babae at nakahawak ito sa braso ni RJ. Si Rodjun ang unang nakakita sa kanila. Siniko nito si RJ. Tumayo silang lahat.
Niyakap ni Daddy Richard si Dei at nagmano siya dito.
Dei: Buti po nakaalpas kayo sa dami ng tao kanina Tito.
Daddy Richard: Oo nga eh, mabuti ok naman technicalities kahit papano.
RJ: Dei, this is Kath classmate ko nung high school, Kath this is Dei Mendoza my...
BINABASA MO ANG
The Truth About You & Me
RomanceWhat would you do for fame? for money? for your dreams? for love? Find out how two different people - RJ and Dei, from two different worlds got tangled. Will they manage to work on their differences or will they manage to act as they should or...