Katakot-takot ang mall tour ni Richard, halos hindi ito napapahinga. Si Dei naman, isa-isang ginawa ang mga commerials at ilan pang magazine shoots. Pero kahit busy tuloy pa rin ang streetserye. Apat na buwan na at ang mga dating offer kay Richard na mga proyekto isa-isang nagpatuloy. Napadalas tuloy ang pagkawala niya sa Juan for All Segment. Na hindi nagustuhan ng netizens at maraming fans. May mga nagsasabing, matatapos na ang street serye at aalisin na si Richard sa show. Katakot takot ang pangbabash sa kanila. May nagtweet na natauhan na daw si Richard kaya hindi na babalik pa dahil hindi naman daw talaga nito gusto si Dei. Sa bawat araw na wala si Richard sa streetserye, nababawasan din ang lakas ng loob ni Dei.
Pagdating ng weekend naisipan niyang magrelax at sumama sa panonood ng isang concert. Pero dahil sa suggestion ng ilan, nagdisguise siya para hindi pagkaguluhan na hindi naman nagustuhan ng ilan at kung ano-ano na naman ang nasabi tungkol sa kanya. Nang mga panahon na yon nasa Japan si Richard para sa isang show.
Idagdag pa na pagdating ng huwebes, ang araw na nagcecelebrate sila sa streetserye ay wala pa rin si Richard. Lalo ng mas maraming bashers ang nagpost ng kani-kanilang mga tweets na hindi na din nagustuhan ng Tape. At halatang halata na din nila Direk Pat, Direk Poochie, Jose, Wally at Jose ang hindi magandang epekto ng mga nangyayari kay Dei. Si Dei, lalong naging tahimik. Hindi nagrereklamo pero laging walang imik. Hindi na nakatiis si Pat, dahil alam naman niyang kailangan nilang gumawa ng damage control sa mga nangyayari. Tinawagan si Richard at sinabihang magpadala naman ng video na pwede nilang ipakita sa streetserye. Nagpost naman ng isang video si Richard, bumati ito ng goodluck kay Dei para sa performance nito ng Sabadong yon. Bahagya namang natuwa kahit papano si Dei at nakapagperform ng maayos ng sabadong yon. Nang matapos ang show ipinatawag siya ng Tape Officers.
Nandon sa nasabing meeting ang mga bigs bosses ng Tape at ang TVJ.
Sir Tony: How are you holding up Dei?
Nagulat si Dei sa tanong na yon pero pinilit niyang maging propesyunal about it.
Dei: Ok lang po Sir.
Ms. Jenny: Yung totoo Dei?
Dei: Nageenjoy naman po talaga ako, nagpapasalamat po ako sa inyong lahat dahil nakita ko ang sarili ko sa TV at magazines.
Vic: Masaya ka ba?
Dei: Oo naman po, Tito Vic.
Joey: Anong reaksyon mo sa mga tweets, alam naming nababasa mo lahat.
Dei: Parte po ata talaga yon ng showbiz eh. Sabi nga, we cannot please anybody. Wala naman ho ata akong magagawa don. Ang alam ko lang ako, ginagawa ko ang hinihingi ng trabaho ko dahil kayo po ang mas nakakaalam ng tama para sa career ko. Ipinauubaya ko na ho sa inyo kung papano babaguhin ang mga nakikita nila.
Ms. Jenny: Kaya mo pa ba?
Dei: Kakayanin po hangga't kaya. Ang sa akin lang ho, kung ipipilit natin ang loveteam tapos tayo lang ang may gusto parang hindi din po magiging effective yon. Eventually, makikita at makikita yon ng audience hindi ba? Kaya kung sa pagkakataong ito pwede na natin baguhin ang concept gawan na natin ng paraan since the chance is presenting itself.
Tito: So sa tingin mo, ayaw ni Richard and loveteam ninyo?
Dei: Hindi ko din po alam, sikat na artista na po si Richard. Whether he is paired with me or not sikat na artista pa rin siya. Ako, nagsisimula pa lang. I will be honest, right at this moment kinakabahan ako sa magiging resulta ng mga susunod pang gagawin natin sa show. I want this and I know I need this para matupad ko ang mga pangarap ko, this is going to be either break or make move for me pero ayoko naman hong maging selfish at isipin lang ang sarili ko. Malaki ang nagawa ninyo para magkapangalan ako, kaya hanga't kaya ko gagawin ko ang makakatulong sa show.
Pagkatapos non, inihatid na siya sa condo unit niya pero alam niyang naiwan pa at naguusap ang mga tao sa Broadway. Magdamag na nagiisip si Dei, ang totoo down na down na ang pakiramdam niya. Kinabukasan pa mas lalong naging maugong ang balitang tatanggalin na sa show si Richard.
Bumalik sa bansa si Richard ng araw na yon at lumabas ang balitang nakabalik na siya sa bansa kaya inaasahan ng lahat na nasa Lunch Surprise na siya ng Lunes na yon, pero wala pa din. Lalo ng naging malala ang sitwasyon at nagalit na si Sir Tony. Doon na bumigay si Dei, pagkahatid nila Direk Pat sa kanya sa condo, nagpasundo siya sa kapatid at umuwi ng Bulacan ng hindi nagpapaalam kahit kanino sa Tape. Nang gabing yon nagiisip siya... "Bakit parang iniwan niya ako sa ere? Hindi ba niya nababasa ang mga tweet? Or he just really doesn't care kung ano ang kahinatnan ng segment?
Makalipas ang ilang oras na pagiisip, she made a decision... "ayoko na,hindi ko na kaya." Umiiyak siyang tinawagan si Wally ng gabing yon.
Wally: Hello Dei! Gabi na ah, napatawag ka?
Dei: Kuya, pwede bang pakisabi sa kanila, hindi ako papasok bukas?
Wally: Bakit? Is it the day of the month again? May sakit ka ba?
Dei: Hindi kuya, ayoko na.
Nagulat si Wally at narinig niya na humihikbi si Dei.
Dei: Kuya, hindi ko pala kaya eh. Pinipilit ko naman eh pero pakiramdam ko kasi my face fell flat on the floor sa mga nababasa ko. Ganito pala sa showbiz no?!
Wally: Dei, cool ka lang. I'm sure maayos din ito. Wala na nga si Richard, mawawala ka pa. Papano namin ipapaliwanag yon sa manonood natin?
Dei: Pero kuya hindi ko na talaga kaya eh, wala na akong pagkuhanan ng lakas ng loob eh. Tutal nakita naman na ako sa TV, nakilala, nakita ko na din ang sarili ko sa magazines at commercials, ok na yon.
Wally: Ganito na lang, itulog mo muna yan. Bukas pumunta ka sa barangay kung talagang ayaw mo na, tapusin natin ng maayos. Huwag mo namang ilagay sa alanganin yung show. Kayo ang nagangat ng ratings nito gusto mo bang kayo din ang maging dahilan ng pagkasira ng show?
Dei: Kung ako lang, ayoko Kuya. Pero nakakapagod na kasi kung ipinipilit lang natin ito katulad ng sabi ng iba... huwag na lang.
Wally: You owe this to your fans Dei, maraming nagmamahal sa yo, sa inyo. You owe them kung anong narating mo, gusto mo bang madisappoint sila at isiping mali ang pinagalayan nila ng panahon at paghanga?
Hindi nakaimik si Dei.
Dei: Sige kuya, pupunta ako bukas, para magpaalam. Hindi ko talaga kayang umere ng ganito ang pakiramdam ko eh.
Wally: Hayaan mo, tutulungan kitang magpaalam, baka kailangan mo lang ng break from all this.
Dei: Sige Kuya, salamat ha.
Wally: Dei, segment natin yon. Walang ibang magtutulungan kung hindi tayo-tayo lang. Huwag kang magalala, hindi ka pababayaan ni Sir Tony. Isipin mo magaling ka, you have the potential kaya alam kong gagawin nila ang lahat to keep you.
Dei: Thanks talaga Kuya. You are one reason why I really am trying to go on.
Matapos nilang magusap nahiga si Dei, hindi napigilang maiyak. Itinatanong sa sarili, "Eto na ba yon? Akala ko ba Dei pakiramdam mo eto ang inilaan para sa yo? Akala ko ba gagawin mo ang lahat para sa mga pangarap mo? Eh bakit sumusuko ka na?" Hanggang sa makatulugan na nito ang pagiyak.
BINABASA MO ANG
The Truth About You & Me
RomantikWhat would you do for fame? for money? for your dreams? for love? Find out how two different people - RJ and Dei, from two different worlds got tangled. Will they manage to work on their differences or will they manage to act as they should or...