Chapter 52 - Open Ended

1.4K 80 7
                                    

Pagbaba nila isang itim na top down, tinted na jaguar ang naghihintay sa kanila sa basement parking.  Pinagbuksan ni RJ si Dei ng pinto ng kotse at mabilis na sumakay si Dei.  Bumaba ang nagmamaneho nito, umikot si RJ sa driver's sit at umupo dito.

RJ:  Bro, thanks ha.  Eto yung susi ng kotse ko, ihatid ko to bukas ng umaga. Yung pinabili ko nabili mo?

Jason:  Walang problema Bro, basta ikaw!  Oo lahat ng kailangan mo nandyan sa cooler sa likod.

RJ:  Dei this is Jason, one of my trusted friends.  Jason meet Dei Mendoza.

Jason:  Pleasure to meet you finally, nauna ka pang nameet ng mga kotse ko eh but am happy that I have met you now.

Dei:  It's great to meet you too Jason, thanks ha!  Ang gaganda ng mga kotse mo eh.  Minsan ako pahiram ha?

Jason:  Oo naman, no worries magpasabi ka lang.

Nagkamay ang dalawa.

RJ:  Pano Bro, mauna na kami.  Bahala ka na sa baby ko. Dating gawi ha.

Jason:  Don't worry my lips are sealed but I have to tell you si Carlitos tumawag sa akin hinahanap ka at tinatanong kung nanghiram ka ng sasakyan.  Sabi ko hindi at isang linggo na tayong hindi nagkakausap.

RJ:  Thanks for the heads-up Bro!  Pasensya ka na din pati ikaw kinukulit non.

Jason:  Ok lang, wala yon. Alam mo namang Team RJ ako all the way.  Kung saan ka masaya bro suportahan taka!.

Nagtawanan at nagbro-fist ang dalawa.  Umikot sa side ni Dei si Jason at iniabot ang kamay nito. Pero nagbeso si Dei sa kanya at bumulong ng pasasalamat.

Jason:  Dyosko hihimatayin ata ako nagbeso sa akin si Yaya Dee.

Dei:  Quick selfie tayo, itag ko na lang sa yo next time.

Jason:  Thanks Dei, you're awesome.  Ingat kayo!

Tuluyan ng umalis sila RJ at Dei lulan ng black na jaguar.  Nakinig sa music si RJ at Dei habang bumibyahe.   Kumakanta at nagdudubsmash pa si Dei.  Tawa ng tawa si RJ sa actions at facial expressions ni Dei.

RJ:  Gusto mo munang magdinner?

Dei:  No, busog pa ako but I would appreciate some coffee.

RJ:  Sige we will get some sa South Super Hway.

Makalipas ang isang oras  dumaan sila sa isang malaking gasoline station at huminto sa tapat ng Starbucks.  Nagdial si RJ sa cellphone niya at umorder ng isang Java Chip at Caramel Macciatto.  Makalipas ang limang minuto.  Lumabas ang isang staff at lumapit sa jaguar.

Starbucks staff:  Sir, here's your Venti Caramel Macciato and Venti Java Chip, 360 pesos po.  

Iniabot nito ang drinks at ang resibo.  Dinukot ni RJ ang wallet  at kumuha ng 500 at kinuha ang ballpen na nasa kotse. Pinirmahan ang resibo at pinapirma din si Dei.

RJ:  Sherry, sa iyo na ang resibo and keep the change.

Tinignan ng staff ang pera at dumungaw sa bintana pero nakatingin pa rin sa resibo. Pagtingin niya sa loob ng kotse, magsasalita na lang nagulat siya ng makita si Dei at RJ.

Starbucks Staff:  Pero ang laki po ng suk... oh my god Yaya Dee!

Dei: Hi! Thanks ha!  

Lalong lumaki ang pagkakangiti ng Staff ng makitang pirmado nila ang resibo.

Staff:  Salamat po!  Ingat kayo.

RJ: Sherry thanks! Next time ulit

Umalis na ang dalawa, at iniinom ang kape habang bumibyahe.  Nang makarating sila sa vicinity ng Tagaytay, ibinaba ni RJ ang bubong ng sasakyan at inenjoy nila ang malamig na hangin.  Tumayo pa si Dei at itinaas ang kamay.  Pahapyaw na tinitignan ni RJ si Dei.  Tuwang tuwa siya na panoorin ito. Nagniningning ang mga mata, maaliwalas at masaya ang mga ngiti ni Dei.

Huminto sila sa malapit sa Tagaytay Highlands.  Binuksan ni RJ ang maliit na compartment ng kotse sa harap.  Kinuha ang isang makapal na eyeglass at baseball cap.  Nang maisuot ang mga yon. Umandar ulit.  Ilang sandali pa pumasok sila sa isang tarangkahan huminto sa entrance, nagbayad at umorder ng calamari at sisig... tsaka tuluyang pumasok at nagpark sa tapat ng isang makeshift na kubo na  walang tao.

Dei:  What is this place?  Papano mo nalaman ito?

RJ:  Dito nagiinuman ang mga staff ko sa restaurant.   Magbabayad ka ng parking fee tapos oorder ka ng pulutan pwede ka ng gumamit ng isa sa mga kubo nila at pwede ka pang magbitbit ng sariling inumin mo.

Bawat kubo may set na gawa sa kawayan at may  kutson.  Nakapatong ang set sa isang picnic mat at nakaharap ito sa napakagandang overlooking view ng Tagaytay.  Pinaupo ni RJ si Dei sa kawayan couch at bumalik sa sasakyan.  Pagbalik nito may bitbit itong maliit na cooler.

Pagbukas ni RJ may lamang white wine, dalawang wine glass,  isang bote ng cherries at sliced na chilled mango, watermellon at melon na nakalagay sa mga disposable na tupperware.

Dei:  Wow! Hindi ka naman ready niyan?

RJ:  Hindi masyado.

Dumating ang inorder nilang sisig at calamari.  Binuksan ni RJ ang wine, humiyaw pa sila ng tumalsik ang takip nito.  Nilagyan ni RJ ng wine ang mga wine glass at iniabot ang isa kay Dei.

RJ:  Cheers to a wonderful day!

Dei:  Cheers!

Lumagok si RJ sa baso niya at tumingin sa view.  Napansin ni Dei na parang nagiisip ito at may lungkot sa mata nito.

Dei:  May problema ba?

RJ:  Wala, naisip ko lang bukas back to work na naman tayo.  May Cast meet and greet tayo.

Dei:  Yah, oo nga back to normal na naman pala.  Tapos magstart na ng shooting days.

RJ:  Dei, yung sinabi ko kanina, totoo yon but  you don't have to acknowledge it.  Gusto ko lang alam mo para kung ano't ano mang mangyari, you know that I will not deliberately do anything bad to you and I will not intentionally hurt you... kasi nga alam mong gusto kita.

Dei:  Ok

RJ:  Aware din ako na pinagusapan natin noon na if one of us falls into this situation, it is our choice to stay or leave, so I want you to know I am staying.  I would rather have a little with you than nothing at all. I know this is not appropriate kasi nga am in a relationship with Koreen. Pero anong magagawa ko if my heart is  leaning towards you.  Lahat naman tayo dumadaan sa ganito I hope you don't take it against me.

Dei: Don't worry I won't.

RJ:  I cannot promise you anything ang sigurado lang ako gagawin ko ang lahat to live by the vow I have spoken for you... na sisiguraduhin ko na ang panahong magkasama tayo ay magiging pinakamasasayang araw sa buhay nating dalawa.

Tahimik lang si Dei,  hindi umiimik, ayaw magisip.  Basta umiinom lang ng umiinom.

RJ:  Wala ka man lang bang sasabihin?

Tumingin si Dei kay RJ.

Dei:  I am flattered... really I am na ang isang Richard Reyes na sikat na artista at si RJ Faulkerson  gusto ako bilang tao.. bilang babae. So thank you.

Nakatingin lang si RJ... hinihintay ang ano mang sasabihin pa ni Dei.  Tinungga ni Dei ang laman ng baso niya, humarap kay RJ at hinawakan ang kamay nito.

Dei:  Pareho nating alam na wala na tayong kailangang sabihin pa sa isa't isa. But I appreciate your honesty and courage.  Guess at least now we can call it quits.  Crush kita at gusto mo ako.

Sabay tawa ng malakas at bibitiwan na sana niya ang kamay ni RJ.  Pero hinawakan ito ni RJ ng mahigpit.  Nilagyan ng laman ang baso ni Dei. Itinaas ang baso niya, tumingin ng derecho sa mata ni Dei.

RJ: Let's cheers to that then

Dei:  Cheers!

Nagtawanan sila at pinagpatuloy ang paginom.  Pero habang hawak ni RJ ang kamay ni Dei ang nasa isip niya... "maybe someday I can give you more."





The Truth About You & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon