Nakaraan ang tatlong buwan, kada sabado inaabangan ni RJ ang video ng From LS with Love, ngayon alam na niya yon pala ang trabahong sinasabi ni Dei sa tweet nito. Marami sa mga sinusugod ni Dei na OFW, natatanong siya palagi tungkol kay RJ. Nakangiti naman itong sumasagot. Katulad ng sabadong yon... nasa Pasay City sila Jose, Wally at Paolo kasama ang Nanay at Kapatid ng letter sender at ang girlfriend nito na nagaalaga sa Nanay ni Ben ang letter sender. Matapos basahin ang sulat ipinakita ang video ng pagsugod ni Dei
Dei: Good morning Kuya Ben, pasenya na at naabala ka namin.
Ben: Naku, ok lang. Swerte ko nga eh... ang ganda mo pala Dei! RJ wag mo ng pakawalan to!
Dei: Kuya talaga! so ilang taon na kayong OFW dito sa New York?
Ben: Naku, matagal na. Twelve years na pero nakauwi naman ako ng Pilipinas every 3 years.
Dei: Kaylan ho ulit ang uwi ninyo niyan?
Ben: Ngayong December at excited akong umuwi!
Dei: Wow naman, may asawa na ho ba kayo?
Ben: Magaasawa pa lang, magpopropose na ako paguwi ko.
Dei: Ay, nakakakilig naman. Mapapanood po ng pamilya ninyo ito kaya ano po ang message ninyo sa kanila.
Ben: Nay, magpagaling ka po. Bert, Belinda mga kapatid ko magiingat kayo at huwag ninyong pababayaan ang Nanay.
Dei: Ano nga po ang pangalan ng girlfriend ninyo?
Ben: Diane
Dei: Message po ninyo para kay Diane?
Ben: Diane, Hon... maraming salamat sa pagaalaga mo kay Nanay. Salamat sa pagmamahal at paghihintay. Konting panahon na lang uuwi na ako at hindi na tayo maghihiwalay. Mahal na mahal kita.
Teary-eyed si Dei... pero pinilit ngumiti.
Dei: Ano po ang maipapayo ninyo sa mga kababayan natin na nagbabalak na magtrabaho sa ibang bansa.
Ben: Nasa sipag, tyaga at tatag ng puso ang ikatatagumpay ninyo kahit saan pa kayo papunta. Gawin ninyong inspiration ang mga taong maiiwan ninyo at siguraduhing mananatili ang pagmamahal na yon dahil yon ang magpapatatag sa inyo.
Dei: Ben, ngayon sa kahilingan mo sinugod ng Juan for All ang pamilya mo para dalhan ng pasalubong at papremyo.
Ben: Maraming salamat Dei, Bossing at sa inyong lahat diyan. Maraming salamat at pagpalain ng Diyos ang inyong show. Thank you Lunch Surprise! O Dei ikaw wala ka bang babatiin?
Natawa si Dei pero ngumiti sa kamera.
Mga dabarkads kamusta kayo dyan? Miss you RJ! Hanggang sa susunod na linggo pong muli! This is Dei Mendoza from LS with Love. Bye everyone!
Nagflying kiss siya sa monitor at ipinakita naman si RJ na sinalo yung kiss. Nagtawanan ang mga tao sa studio at nanukso.
Sa ikaapat na buwan na wala si Dei, nagrenew ng 2 years contract si RJ. Pumayag ang GMA Artists Center sa mga condition niya at non-exclusive ang kanyang contract for the next 2 years. Kasabay nito may ipinakitang script ang APT na pagaari ng isang bagong movie outfit ang MSE Films. Mala bagets ang dating pero ang pagkakaibigan ng mga characters nagsimula sa internet kaya ang title ng movie IBFF (Internet Best Friends Forever) sa script nakalagay ang mga artistang gusto nilang gumanap. Sina Mark Herras (Playboy-nakabuntis ng babae ayaw pa magasawa), Kristofer Martin (Sports buff-bading ang ama di niya matanggap), Rodjun Cruz (Mama's boy- taga semenaryo), Juancho Trivino (mahirap na in love sa isang mayaman), Mikoy Morales (feeling gwapo bading pala at si Richard Reyes (spoiled brat at kaisa-isang taga pagmana ng negosyo pero may ibang pangarap). Iikot ang kwento sa kung papano silang nagkakilala at nagkabuhol-buhol ang kanilang mga buhay.
BINABASA MO ANG
The Truth About You & Me
RomanceWhat would you do for fame? for money? for your dreams? for love? Find out how two different people - RJ and Dei, from two different worlds got tangled. Will they manage to work on their differences or will they manage to act as they should or...