Chapter 83 - Nagkabukingan na

1.8K 96 3
                                    

Naging mas open ang relasyon ni RJ at Dei.  Wala ng itinatago pa ang dalawa sa isa't isa. Lalo na si RJ.  He learned his lesson, kung mahilig at magaling siyang mambully... mas malala ang girlfriend niya sa kanya. Inabot ng isang taon ang The Heart Stories at tinapos lang ito para bigyang daan ang paggawa ni RJ at Dei ng pelikula.  Nangungulit na kasi si Direk Gina Alajar ng GMA.   Isa itong heavy drama ang title "Walang Hanggang Pagibig".  Kwento ni Berna, isang mahirap na dumaan sa napakaraming problema.  Ngunit ang walang hanggang pagibig niya sa Diyos, sa pamilya, sa kapwa at sa lalaking minamahal ang nagligtas at nakatulong sa kanya.

Si RJ mas lalong naging sweet kay Dei, sinusundo at hinahatid nito si Dei sa kahit saan ito magpunta.  Kasabay ng paggawa ni RJ at Dei ng pelikula.  Inalok naman si Rodjun at Sheena ng MSE na gawin ang pelikulang si "Kikay meets Torpe".  Nang araw na yon ang alam ni RJ nasa opisina ng MSE si Dei dahil may meeting ito sa MSE at sabay na silang pumunta ni Sheena.

May meeting sana siya sa restaurant niya pero nacancel kaya ng mabored nagpasyang pumunta na lang ng maaga sa opisina ng MSE para sunduin si Dei.  Pagdating niya doon nasa conference room pa sila Dei.  Nagsabi siya na sa Pantry na lang maghihintay.  Dinalhan siya ng kape ng secretary.

RJ:  Thank you!  Paki sabi na lang kay Dei ha.

Secretary:  Yes Sir!

Mayamaya, may pumasok na ilang empleyado para magmeryenda bumati ang mga ito kay RJ at humiling na magpapicture.  Pinagbigyan naman niya ito.

Pumasok ang Liason Officer ng kumpanya.

Liason Officer:  Ivy, kanina pa kita hinahanap.  Nasaan na yung ipinadadala ni Ms. Dei sa banko?

Ivy:  Ay, oo nga.  Eto na...  oy Carrie hinihintay pala ni Ms. Dei yung updated na print out ng  "Kikay meets Torpe".

RJ:  Excuse me ladies, are you talking about the Ms. Dei Mendoza?

Carrie:  Opo Sir, nandiyan po kasi sila for  script reading with Sheena and Rodjun.

RJ:  Kasali ba si Dei sa movie nila?

Carrie:  Hindi po Sir, Ms. Dei is one of the owners of MSE 

Nagulat si RJ pero hindi nagpahalata.

RJ:  Ah oo nga pala,  ano ba ang buong pangalan ng  MSE Films?

Carrie:  Mendoza, Sotto, Ejercito Entertainment and Films. Inc. po Sir

RJ:  Yah oo nga, now I remember.

Carrie:  Sige Sir, una na po muna ako.  May meeting po ba kayo kay Ms. Dei.

RJ:  No, am here to pick her up.  Alam mo na boyfriend goals

Carrie:  Hindi nga Sir?  Talaga?  OMG! I'm a fan!

Ngumiti si RJ at sinenyasan ito na huwag maingay.  Tumango naman si Carrie at umalis na. Pero halatang kinikilig at natuwa sa nalaman niya.

Naiwang nagiisip si RJ.  Kaya pala sabi niya noon bago umalis kahit maliit o malaking project tanggapin ko  lalo na kapag makakatulong sa iba.  Dahil gusto niyang tanggapin ko ang mga project nito. "This must be what she meant when she said walang iwanan.  Umalis siya pero she made sure na kung ano man ang maging epekto ng pagalis niya may gagawin pa rin akong mga projects."

Hindi nakatiis si RJ pumunta sa conference room. Nagulat sila Dei, Vico, Danica, Jake at Direk Mike ng bumukas ang pinto.  Napatayo si Dei...

RJ:  Hi Direk! Sorry, pwede bang makiseat-in?

Direk Mike:  Oo naman.

Umupo si RJ sa tabi ni Dei, humalik sa pisngi ni Dei.  Ngumiti lang si Dei at walang imik na naupo ulit.

The Truth About You & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon