Chapter 84 - Goals achieved

1.8K 93 3
                                    

Sa dalawang taong relasyon ni RJ at Dei dahil parehong inspired maraming magagandang nangyari sa kanila.   

Kumikita ang MSE, naging successful ang pelikula ni Sheena at Rodjun. Halos apat na linggong tumabo sa takilya ang pelikula at naging daan para may magalok ng pelikula para sa kanila ang dalawang malaking producers. Ginawa din ang isang malaking concert para sa youngest singing boy group na Broadway Boys na produced ng MSE at special guests nila si Ogie at Regine at may special participation si Dei at RJ. Nasold-out ang tickets nito at marami ang magagandang news article na lumabas tungkol dito. Bumilib ang mga manonood ng makipagsabayan ang mga bata sa pagkanta kay Ogie at Regine kaya may isang recording company ang nagalok ng igagawa ng album ang mga bata.  

Nasa ikalawang season na ang The Stories of the Heart at pinarangalan ito dahil sa pagtulong nito na maipalabas ang mga natatanging kwento ng mga amateur writers. Naipublish na din ang ikatlong libro ni Dei ang "A mothers dream" kwentong hango sa buhay ni Richard Reyes at naging best seller ito at nasa ikatlong printing na sa loob lang ng isang taon.

Pareho silang nanalo bilang Best Actor at Best Actress sa kanilang pelikulang Walang Hanggang Pagibig na idinerect ni Gina Alajar.  Kabi-kabila pa rin ang mga produktong iniendorso nila. At sa pangalawang pagkakataon naifeature silang pareho sa isang business magazine. 

Minsan naimbitahan sila ni Arnold Clavio para sa show niya.

Arnold:  Eto na po ang pinakahihintay ninyo, sa pangalawang pagkakataon ang Phenomenal Love Team Richard Reyes and Dei Mendoza.

Dei:  Good evening po!  Magandang gabi po sa mga manonood.

RJ: Good evening Tay!

Arnold:  Mabuti naman at napaunlakan ninyo kami ngayon.  Kamusta naman Dei?

Dei:  Ok naman po. Busy pero masaya.

Arnold:  Balita ko nga, successful daw ang concert ng Broadway Boys?

Dei:  Opo, isa pong malaking karangalan na iproduced ang mga batang yon.  Grabe po kasi sila sa galing. Ang totoo po, malapit akong magapply na manager ng mga yon at ang cute din nila.

Arnold:  Kamusta naman ang mga trabaho mo? 

Dei:  Nasa second season na po ang The Stories of the Heart at sana po patuloy ninyong panoorin. Everyday pa rin naman po ako , kami sa Lunch Surprise.

Arnold:  Ikaw naman Richard?  Anong balita sa yo?  Matagal na tayong hindi nakakapagkwentuhan ah.

RJ:  Oo nga po, Ok naman po ako Tay, masaya.  Busy din sa trabaho, magkasama kami sa The Stories of the Heart, second season  na po.  Tapos yung Lunch Surprise, yung Sunday Show at may mga mall tour po ako sa mga provinces naman.

Arnold:  Tama ba yung narinig ko na ang ikatlong libro mo Dei ay kwento ng buhay ni Richard. Ikwento mo nga ito sa amin.

Dei:  Nagkabiruan lang po kami minsan kasi hinihintay na po ng Publisher ko yung plot ng book eh yung nasa isip ko parang hindi ako sure na magugustuhan ng publisher ko. Out of the blue nasabi ko lang na, "kung pwede ko lang isulat ang life story mo ginawa ko na eh".  

RJ:  Sumagot naman po ako ng, pwede naman isulat mo kung gusto mo.

Dei:  Ayon na po, ginawan ko po ng synopsis ang title "A mother's dream" pinadala ko po sa publisher ko inapprove naman po niya. Ayon po... pero hindi naman po talagang every detail is Richard's life story, based lang po doon.  

Arnold:  Balita ko, best seller ito dito sa atin at sa US?

Dei:  Opo, we are on its 3rd printing na po.

The Truth About You & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon