Nagpatuloy ang streetserye nila Richard at Dei, sa bawat araw lalo silang sumisikat na dalawa at marami ng ibang artista ang nanood sa kanila. Pagkatapos ng pagkikita nila, ang tingin ng manonood mas lalong nakakakilig. Nalampasan ni Richard ang mga pagsubok ni Lola at eventually pinayagan silang magdate na may mahabang lamesa sa gitna nila. Hanggang isang araw nagulat sila Richard at Dei na pinayagan na siyang dumalaw sa mansion.
Nakakatuwa ang mga sumunod na episode niya, tinuturuan si RJ kung papano umakyat ng ligaw at si Dei naman tinuturuan kung papano tumanggap ng manliligaw. Isang masayang linggo pero syempre hindi nawala ang mga kahilingan ni Lola. Tulad ng dapat 1 foot ang layo nila sa isa't isa at no touch pa, may mga hininging pasalubong at ang pagharana nito kay Dei. Mga kaugalian ng mga matatanda na ipinakita ng segment nila kaya lalong natuwa ang mga audience.
Mukha namang trabaho lang ito lahat para kay RJ pero personally he have gained respect sa kalove-team. Si Dei naman aminado sa sarili na crush niya si RJ pero pinapanatili niyang maging trabaho lang ang lahat. Naging isang malaking celebration ang unang pagakyat ng ligaw sa Mansyon ni Richard. Dinumog ng mga fans ang Broadway, napuno pati ang parking lot. Inabangan at pinanood ito ng lahat pati na ni Koreen at ng pamilya ni RJ at Dei.
Ang buong show ay iginugol para sa akyat ligaw. Hinarana muna ni Richard si Yaya Dee at hindi nito napigilang umiyak habang kumakanta. Dahil bawat salita ng kanta ay taos niyang inawit para kay Dei.
RJ: God gave me you to show me what's real, There's more to life and just how I feel, And all that I'm worth is right before my eyes, And all that I live for though I didn't know why, Now I do, 'cause God gave me you.
Idinedicate pa niya ang kanta kay Dei.
RJ: Kung napapansin ninyo po lagi akong nagpapasalamat, pero ngayon po gusto kong ialay ang kantang ito para kay Dee. Dee, para sa yo ito.
Ipinakita si Dee na nagsusulat, narinig niya ang sinabi ni RJ pero as an entrovert she does not like to show her feelings kaya ipinagpatuloy ang pagsusulat. Tulo ang luha sa pisngi ni RJ. Nakiiyak ang mga manood sa kanya.
Ipinakita ang paghahanda ni Lola sa Mansyon. Mula sa paglilinis ng mansyon, pagluluto ng pagkain, pagpunta ni RJ sa mansyon, pagaayos at pagbibihis ni Dei. Itinour siya ng mga Lola sa mansyon at ipinakita ang mga litrato ng mga ito noon hanggang bumaba si Yaya Dee at harapin ito. Hindi magkamayaw ang audience sa studio. Dumadagundong sa hiyawan ng magkaharap ang dalawa.
Matamang nanonood si Koreen, pinagmamasdan ang kilos at expression ng mukha ni RJ. Nakita niyang pinagpapawisan ito, isang bagay na nangyayari lang kapag nageexercise ito. Pero nang oras na yon kaharap si Yaya Dee,sobrang pinagpapawisan. Nang tumugtog ang God gave me you para idusbmash niya muli na namang naiyak si RJ, nakita sa kamera ang pagpahid ng luha nito. Nang tumayo ang dalawa 1 foot ang pagitan, hindi napigil ni RJ na kausapin ito.
RJ: Hi Dei, ok ka lang?
Dei: Ok lang.
Paolo: Ayyyyyy naguusap sila... tinanong kung ok lang, sabi ok lang daw.
Naghiyawan at nagtalunan ang mga tao sa studio. Gumulong sa sahig sa sobrang kilig si Jose. Pinaupo sila sa mahabang sofa at sinukat ang pagitan habang nagdu-dubsmash ng kanta. Kitang kita ni Koreen na bigay na bigay ang pagdubsmash nito at, nagbablush ang mukha pati na ang tenga.
Mayamaya inaannouce ni Joey kung ilang na ang tweets ng oras na yon.
Joey: tweet count as of now is 18 Million.
Nagtatalon at sumayaw si RJ at Dei sa tuwa. At nagkunyaring yayakapin ang isa't isa pero humarang sa gitna nila si Lola. Ipinakita din ang pagkain nilang dalawa ng pansit. Nagsubuan pa at parang nawala sa karakter imbes na magdubsmash ay naguusap na lang. Nangantyaw ang mga nasa studio dahil hindi makatingin ng derecho si Dei kay RJ. Nagpicture taking din sila kasama ang ilan pang karakter ng istorya. Kumain ng cake pinunasan ni RJ ang gilid ng labi ni Dei gamit ang tissue at pinunasan naman ni Dei ang pawis ang noo ni RJ. Nagtutulakan, naghahampasan na sa sobrang kilig ang mga nanonood sa studio. Hanggang sa mabulunan ito, ikinuha ng tubig ni RJ at pinainom ito kaya aksidenteng nagkahawakan ng kamay. Mayamaya dumating si Lola at nagpaalam na si Richard na uuwi na. May ibinigay na card si Yaya Dee kay Richard. Hinatid ni Yaya Dee sa pinto si RJ. Ipinakita ito na nakatayo na sa gilid ng kotse nakangiti, may ningning ang mata at mukhang masayang masaya ng magpaalam kay Yaya Dee at nagflying kiss pa.
Habang nasa byahe pabalik ng studio, binasa ni RJ ang card na bigay ni Dei.
Dear RJ,
It was nice to finally meet you and to spend a few minutes with you. I want you to know how greatful I am na pumayag ka to do the loveteam. Salamat talaga sa tulong mo ha. I really didn't thought of this dahil isang kang sikat at magaling na artista. That is why I feel so honored being paired with you. I will forever be in dept to you for helping out a new comer like me. Thanks talaga. Alam mo I enjoy working with you, hope to be doing some more projects with you in the future.
I have heard so much about Richard Reyes the actor. All good of course. I hope someday i can truly know RJ Faulkerson Jr. and wishing that we can be friends. I will be here for you teammate no matter what some people will say. For as long as you want me on the team I will be here. I got your back RR!
If I don't get to tell you later, I had fun! And had a wonderful time with you.
Thanks again and take care,
Dei
Nakangiting ibinalik ni RJ ang card sa envelope, napansin niyang RJ Faulkerson Jr. ang nakasulat sa labas ng envelope. Napaisip si RJ. "This is for me not for Richard Reyes the actor, ang bait naman niya at ang sweet. She wants us to be friends, nakakatuwa naman at humble pa. With her letter I can see a good person. Of course Dei, we can be friends."
Samantala, sa Van pauwi ng condo. Tahimik na nagiisip si Dei. "Mukhang mabait naman siya tsaka gentleman. He keep on asking kung ok lang ako. Tapos nung binanggit ni Ms. A si Dodong, tinanong pa niya ako kung nagpaalam ba ako at kung anong sabi. He seems concern, I think that's sweet."
Bahagyang nagulat si Dei ng magsalita si Direk Pat.
Direk Pat: O tahimik ka na naman, my problema ba?
Dei: Wala naman Ate, naisip ko lang yung kanina. Mukhang mabait siya tsaka mukhang concern naman siya. Tinanong pa niya kung nagpaalam ako sa Tatay ko.
Direk Pat: Mabait na tao si RJ, magalang at kahit na matagal ng artista hindi lumaki ang ulo at magaling talaga siya.
Dei: Direk can I ask, paano siya naging part ng Lunch Surprise?
Direk Pat: Inilapit ng GMA kay Boss kasi walang teleseryeng ginagawa eh, at pumayag si Boss kasi we are really looking for someone to attract the young audiences. Tapos ikaw naman kinuha namin kasi we wanted to attract the netizens. Little did we know na ganito ang mangyayari.
Dei: Oo nga inisip ko kasi bakit siya? Bakit ako? Ang dami naman pwedeng makuha na iba. Bakit ako? Akala ko talaga, wala na kasi yung audition ko naman parang wala lang eh.
Direk Pat: Hmmmm pwedeng coincidence. Yung audition mo pwedeng for formality lang kasi nung pinapanood ka nila nagalingan na sila sa yo. Exprerssive kasi ang mukha mo eh. Pwedeng sinuwerte lang kami na ikaw ang nakuha namin, na parang blessing in disguise ganon.
Dei: Or pwede din Destiny ko talaga ang pagpasok ko sa inyo. Siguro ito talaga ang laan ng Diyos para sa akin.
Ngumiti si Direk Pat...
Direk Pat: Siguro nga, dito ka dinala dahil ito talaga ang gusto niyang gawin mo sa buhay, ang magpatawa at magpasaya ng milyong milyong tao sa telebisyon. Siguro sabi ni Lord ang dami mong napapasaya sa internet, bakit hindi niya kaya palakihin ang pwede mo pang mapasaya.
Dei: I like that... and I will make sure to give my best everyday. Para ibalik ang blessing na ito sa lahat ng tao.
BINABASA MO ANG
The Truth About You & Me
RomanceWhat would you do for fame? for money? for your dreams? for love? Find out how two different people - RJ and Dei, from two different worlds got tangled. Will they manage to work on their differences or will they manage to act as they should or...