Chapter 50 - Dare

1.3K 78 4
                                    

Kinabukasan, nagising si RJ sa amoy ng bacon. Pagmulat niya ng mata alam niyang nagluluto si Dei.   Iniangat ng kalahati ng katawan sa arm rest ng couch at pinanood si Dei.  Naramdaman ni Dei na may nakatingin sa kanya.  Nagsalita ito ng hindi nililingon si RJ.

Dei:  Kamusta naman ang tulog mo?

RJ:  It was really good, ang tagal ko ng hindi natutulog ng ganon kahaba.  Ano bang meron itong couch mo para akong ipinaghele na baby eh.

Dei:  Ang sabihin mo you were just exhausted last night.  Hindi ka ba talaga marunong magpahinga? Or talaga lang hobby mo na yang patayin ang katawan mo sa katatrabaho. Wala ka ng pinagaaral di ba nakagraduate na si Ryzza?  Eh bakit kung magtrabaho ka para kang may apat na anak?

RJ:  Alam mo come to think of it, apat din ang gusto kong maging anak.  It's settled then.

Dei:  Oy Faulkerson seryoso ako! Can you please try to rest?  Dahil kung hindi baka yang kinikita mo sa kakatrabaho eh sa hospital lang dumerecho.

RJ:  Ano bang ginagawa ko ngayon?  Hindi ba nagrerest?

Dei:  Ewan ko sa yo! Bumangon ka na nga lang at kumain ka na ng breakfast.  Mamaya may show ka di ba? Anong oras call time mo sa Sunday show?

RJ:  Bakit ba ang init ng ulo mo Mahal? ang aga-aga eh.  Ganito ba talaga pag magasawa, wala man lang good morning kiss tapos inaaway mo na ako.

Dei:  Oy, Faulkerson umayos ka ha wala ka sa serye babatuhin kita diyan!

Tawa ng tawa si RJ. Cute na cute siya kapag napipikon si Dei.  Tumayo siya sa tabi ni Dei at bigla itong hinalikan sa pisngi.

RJ:  Good morning Mahal!  Thanks for letting me in last night ha.

Dei:  Kung nakita mo ang sarili mo kagabi, you looked really tired. Na-oover fatigue ka na ata eh. Hanggang ngayon medyo maputla ka pa eh.

RJ: Yung totoo, natakot din ako sa naramdaman ko kagabi eh. Bigla akong nanlambot ang you are the only person na I can think of going to na malapit lang to where I am.  Thanks talaga!

Dei:  Well, I'm glad na nakapagisip ka, next time kasi magpahatid ka na lang, pagod na pagod ka na gusto mo pang magdrive eh pano kung may masamang nangyari sa yo?!

RJ: Ok pa naman kasi talaga ako nung matapos yung shoot eh.

Dei:  Daming  palusot basta makinig ka na lang next time magpahatid ka na lang lalo na kung maghapon kang nagtrabaho. Sa sobrang pagod mo, ni hindi nainom yung tea at hindi ka man lang nakapagfreshen up. Panay lang ang ungol mo.  Buti na lang wala akong nerbyos, kung hindi ninerbyos ako sa pagaalala sa yo.

RJ:  You were worried about me?

Dei:  Bakit naman hindi, namumutla ka, nanlalambot, you didn't even have the strength basta ka naupo at bumulagta sa couch. Pero in fairness nakuha mo pang maghubad ng pantalon.

RJ: I had to, hindi ako makakatulog ng maayos if I didn't. Sorry, I made you worried. That was sweet of you.

Dei:  Huwag kang pabebe dyan.  Kumain ka na at magshower para makarating ka sa trabaho mo in time.  Naku, kung pwede lang na ikulong kita dito para hindi ka na pumasok at makapagpahinga ka maghapon ginawa ko na eh.

RJ:  Dei this concern saan nanggagaling?

Dei: Eh di sa puso ko (sabay tawa ng malakas)

RJ:  Funny ako (funnywalain) huwag kang ganyan.

Hindi nakaimik si Dei.

Dei:  Kumain ka na nga lang.  Siguro kulang ka lang talaga sa tulog kaya ka ganyan. Matawagan nga si Direk Mike sabihin ko hindi ka makakarating at masama ang pakiramdam mo.

The Truth About You & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon