Nang mga sumunod na araw ganon nga ang nangyari ipinagpatuloy nila ang pagpapakilig. Araw-araw na ipinapakita si Richard at Dei na parang nagliligawan sila on screen. Nagcecelebrate pa sila ng weeksary, na ikinagalit ng Lola pilit silang pinaghihiwalay. Sabi nga sa isang write-up, this looks like a modern day Cinderella story. Ang isang kasambahay nagkagusto sa isang mayaman. At dahil walang script at spontaneous ang mga eksena, ramdam ng mga manonood ang bawat emosyong ipinapakita ni RJ at Dei. Ang segment ay nagsilbing daan para sa show na maipakita ang mali sa kasalukuyang paraan ng mga kabataan sa pagliligawan sa chat o sa text. Ipinakita nila kung papano ang mga pagliligawan noong araw at mga ibang bagay tungkol sa pagmamahal katulad ng paghihintay ng tamang panahon ang napupulot sa naturang segment ng show. Kaya tinangkilik ng mga magulang. Sobra positibo ang pagtanggap ng mga manonood sa segment lalo na ng mga netizens. Lalo na ang mga OFW's sa iba't ibang bansa. Nakarelate sila sa split screen love story. Nakatanggap ito ng parangal at dumagsa ang mga offer ng commercials para kay Dei at RJ.
Isang araw nagkataong napanood ni Koreen ang pingauusapang segment sa Lunch Surprise. Kitang kita niya ang chemistry nila RJ at Dei. Nakita niya ang natural na reactions ng mga ito, kinilig din siya kay Yaya Dee at Richard. She didn't like it.
Pagdating ng sabado, babe day (date day) ni RJ at Koreen nagkita sila sa isang tagong restaurant sa Tagaytay. Humalik sa pisngi ni Koreen si RJ. Pag-upo pa lang ni RJ nagtanong na agad si Koreen.
RJ: Hi Babe!
Koreen: What was your new segment about? Mukhang pinaguusapan eh, kahit saan ako magpunta there are fans who are talking about it.
RJ: Oo nga Babe, nakakagulat nga eh kasi nothing was planned, bigla na lang nangyari. Kaya nga hindi ko na nasabi sa yo, ayoko naman na sa phone natin pagusapan kaya hinintay ko na makabalik ka from your trip.
Koreen: So, ano nga yon. Sino yung girl?
RJ: Well nakwento ko na sa yo na medyo struggling yung show na maianggat ang rating kaya nga pumayag sila na maghost ako kasi gusto nilang makuha ang mga kabataan na audience since yun ang wala sila. Umangat naman ng konti ang rating but they didn't stop looking for other options. Since social media is the in thing naghanap sila from there. She is the so called "Dubsmash Queen Dei Mendoza" to audition and she was in. Inilagay siya sa segment ng Juan for all and she is good. The ratings went way far than the management expected. Kaya now isa na siyang Dabarkads.
Koreen: I saw "The episode" yung ngumiti siya ng makita ka. I'm sure crush ka non. Napangiti ka din, kinilig ka?
RJ: Wala yon, the usual trabaho eh. Parang yung mga teleserye na may ka-loveteam ako. Pagkakaiba lang eto walang script, anything goes. Nagre-react lang kami sa isa't isa since ganon naman talaga yung segment concept. Bawal kaming magkita kaya nagmumukhang parang totoong totoo yung excitement at kilig. Ganon kagaling ang mga taga Tape. Order na tayo, gutom na ako eh.
Koreen: Go ahead. Magaling yung si Yaya no?
RJ: She's ok.
Koreen: She's ok? She's more than ok. Haven't you read any message on twitter. Praises for Her and you are all over the social media. May chemistry daw kayo, bagay daw kayo at mukha naman daw na crush ka ni Yaya.
RJ: Good then, katrabaho ko siya, better kung nagugustuhan siya ng tao dahil magaling siya. Better kung nakikita ng tao ang chemistry namin at na bagay kami. If it happened na may crush nga siya sa akin, eh ano naman, paghanga yon. Yon lang yon!
Koreen: Katrabaho, just making sure, kasi I saw some episodes at natural na natural nga ang emotions ninyo. Your eyes gave you away RJ.
BINABASA MO ANG
The Truth About You & Me
RomanceWhat would you do for fame? for money? for your dreams? for love? Find out how two different people - RJ and Dei, from two different worlds got tangled. Will they manage to work on their differences or will they manage to act as they should or...