After 3 hours lulan na ng private plane sila RJ, Sheena at Rodjun.
Greg: Alam mo insan, kung hindi kita kilala sasabihin kong nababaliw ka na for doing this for her. Hindi mura ang pagrent nito the discount is okay pero hindi pa rin mura.
RJ: Bakit insan, kung ikaw ba ang nasa katayuan ko at si Blessie ang nawawala wouldn't you do the same?
Greg: Exactly my point, kilala kasi kita at alam ko din na kapag mahal mo lahat gagawin mo magpinsan tayo eh. Naeexcite tuloy akong malaman what else can you do for love besides kalimutan ang pagiging kuripot mo.
RJ: Bwiset ka! Yung pagkakuripot ko na naman nakita mo eh eto na nga besides hindi naman talaga mahal kasi ayan si RB oh may kahati ako sa pagbabayad sa yo.
Greg: Bakit in love din ba yan?
RJ: Yan ang hindi ko alam, pero ano sa palagay mo insan?
Rodjun: Tigilan ninyo akong dalawa.
Samantala patay malisya si Sheena kunyari nakikinig ng music sa cellphone at nakatingin sa bintana pero rinig niya ang paguusap ng mga ito.
Greg: Kung hindi ka in love eh bakit ka nakikihati sa gastos nitong si RJ.
Rodjun: Eh di para makapagbeach.
RJ: Sus, kung hindi naman sinabi ni Sheena na sasama siya malamang hindi ka sumama.
Sinipa ni Rodjun si RJ sa binti.
Greg: Ah, ok na RB gets ko na. Hindi pa nakakapagsalita kung baga nagpapaimpress pa lang.
Rodjun: Gregorio tantanan mo na ako, hindi kita babayaran.
Mayamaya may nareceive na text si Rodjun, galing kay RJ. "I booked a Deluxe twin room for you and Sheena may two double beds naman yon, its under your real name. ;)"
Natawa na lang si Rodjun ang nasa isip, "salbahe talaga itong bestfriend ko."
Makalipas ang isa't kalahating oras nasa Tagbilaran Airport na sila. Pare-parehong nakashades ang tatlo ng bumaba at nilapitan agad sila ng isang staff ng airport at sinamahan kung saan sila dadaan palabas. Nakaabang na din ang Van ng Bohol Beach Club kaya kahit nakilala sila ng ilang mga tao doon, hindi na halos nakalapit ang mga ito dahil dere-derecho sila sa Van. Hinatid sila ng driver ng Van sa lobby ng Bohol Beach Club. Si Rodjun ang lumapit sa counter.
Abigail: Good afternoon Sir, how may I help you?
Rodjun: Reservation for Rodolfo Ilustre Jr.
Napaisip si Sheena ng marinig ang buong pangalan ni Rodjun, "Kaya pala Rodjun kasi Junior pala siya."
Abigail: Yes sir, Beachview suite, 2 double beds.
Rodjun: may standard single bedroom pa ba kayo?
Abigail: Sorry, sir that is the only room available puro family room na lang po.
Nilingon ni Rodjun si Sheena.
Rodjun: Sheena, ok lang ba to share a bedroom, yun na lang daw ang available eh. Two double beds naman eh.
Sheena: Yah, ok lang.
Napapangiti si RJ.
Sheena: Huwag kang ngumiti diyan RJ, manalangin ka na hindi double bed ang room ni Dei kung hindi mawawala yang ngiti mo mamaya.
RJ: Eto naman joke lang eh. Napangiti lang ako kasi masaya ako na kasama ko kayo
Sheena: Utot mo! Parang hindi kita kilala.
BINABASA MO ANG
The Truth About You & Me
RomanceWhat would you do for fame? for money? for your dreams? for love? Find out how two different people - RJ and Dei, from two different worlds got tangled. Will they manage to work on their differences or will they manage to act as they should or...