Natapos na gawin ang pelikula nila bandang December at sa New Year Episode ng Lunch Surprise ipinakita ang initial trailer ng pelikula nilang " Astig!" na may sub-title na "Mahal kita kahit ano ka pa" na ipapalabas bilang Valentine Treat nila sa kanilang mga fans pero first week ito ng Pebrero ipinalabas.
Naging busy sila RJ at Dei. Nagkaron sila ng TV guesting kasama sila Gabby, Irma, Sheena, Rodjun at Kristofer para ipromote ang nasabing pelikula.
Nagpunta sila sa Barangay at nag-promote sa Juan For All segment. Nag-guest din ang mga kasama nila sa pelikula sa Lunch Surprise.
Nag-promote din sila sa Sunday Show ni RJ. Ganon din sa show ni Regine Velasquez at nagpaunlak din silang muli ng isang interview para sa 24 Oras.
Naging maganda naman ang feedback ng trailer ng movie galing sa mga fans. Maingay na maingay sa twitter ang RichDee Nation. Naiinip na sa paghihintay. Araw-araw naglalabas ng Behind The Scene pictures at video ang ilan sa kasama nila sa pelikula mga picture na sweet ang dalawa. Lumabas ang picture na magkasama silang kumakain o nagkukulitan at kung ano-ano pa kaya masayang masaya na naman at kinikilig ang kanilang mga fans. May lumabas din ng picture na nakafighting stand si Dei at kaharap ang isang goon. Na naging usap-usapan.
Talagang inabangan ng kanilang mga tagahanga ang pelikula kaya pagdating ng Premier Night, punong puno ang hallway ng SM Megamall simula sa parking area sa basement. Dumating ang lahat ng cast sa naturang premier night. Marami ding mga taga parehong network ang nandon para manood at sumuporta. Katulad ng mga kasamahan nila sa Lunch Surprise kasama ang kani-kanilang mga pamilya. Ganon din si Marian at Dingdong, Carla at Tom, at ang iba pang mga kaibigan ni RJ na taga Artist Center. Namataan din sa Premier Night ang ilan sa mga celebrity na naging kaibigan ni Dei sa social media tulad nila Angelica Panganiban, Luis Manzano, Marvin Agustin at ang gusto daw makatrabaho sila Dei at RJ na si Angel Locsin.
Nagpaunlak ang mga ito ng interview bago pa pumasok sa Cinema. Dalawang tanong lang ang itinanong sa kanila. Bakit ka manonood ngayon? Ano sa palagay mo ang magiging reaksyon ng network na kinabibilangan mo sa panonood mo ngayon.
Angelica: Marami na akong nakitang litrato ng pelikula at totoo marami akong nababasa na good and bad comments about the acting of Dei Mendoza but I have my own opinion based on what I've seen so far at kaya ako manonood ngayon para malaman ko at makita ng sariling mata ko. Curious ako because she's been nice to me in social media. Hindi ko pa siya namemeet but I like the fashionista in her. Wala naman sigurong masama na manood ako. Hindi naman ako nagguest or anything manonood lang akong bilang isang simpleng manonood katulad ng ibang naririto dahil curious ako.
Luis: I want to see RJ and Dei's acting sa isang action film. Naiintriga ako sa change na ito. I don't think our network would mind since wala naman akong binibreak na rules. Isa lang itong pagsuporta sa pelikulang pilipino.
Angel: Tulad ng sinabi ko noon, sana makatrabaho ko sila dahil marami na akong naririnig na balita na talagang magaling sila at kinikilig ako sa kanila. Wala namang kasabay na pelikula mula sa network kaya ok lang yon.
Marvin: Ordinaryong tao lang ako na idinedate ang pamilya ngayong gabing ito at dahil RichDee fan sila I brought them here. No offense meant sa network of course, suporta lang sa pelikulang pilipino.
Vic: This is a big change para sa loveteam nila at ako, sampu ng buong pamilya ko pati mga po ay RichDee fan so gusto lang naming mapanood sila at makita ang malaking pagbabagong ito sa kanilang loveteam. Besides baka matagalan bago pa masundan ito.
Sobrang successful ang premier night na napuno ang dalawang magkatapat na sinehan sa SM Megamall. Marami ang nagsabing magugulat ang mga manonood sa pagarte at mga stunts na ipinakita ni RJ at Dei. Masayang masaya ang lahat ng cast at crew ng pelikula. Matapos ang Premier Night dumeretso ang lahat sa isang after party. Inimbitahan ang manager at handler nila RJ at Dei at may Ilan sa admin ng mga fans club nila Dei at RJ ang naimbitahan na dumalo sa nasabing pagdiriwang na ginawa sa isang function hall ng isang hotel.
BINABASA MO ANG
The Truth About You & Me
RomanceWhat would you do for fame? for money? for your dreams? for love? Find out how two different people - RJ and Dei, from two different worlds got tangled. Will they manage to work on their differences or will they manage to act as they should or...