Chapter 65 - Revelation

1.7K 92 15
                                    

Huling sabado ng Pebrero, humingi ng appointment si Dei sa APT at Tape.  Dumating siya don bandang alas diyes ng umaga kasama  sila Tatay Teddy, Nanay MaryAnn at si Direk Pat na tumatayong Handler ni Dei.  Dumerecho sila sa opisina kung saan hinihintay sila ni Mr. Tuvierra, Malou Choa, Ms. Jenny at Vic Sotto.

Nakita ni Mama T ang pagdating niya, lumapit si Dei at nagbeso sa kanya.  Bumati naman si Mama T sa mga magulang ni Dei at nagpunta sa stage kung saan nagrerehearse si RJ. 

Naupo silang lahat sa isang long table, nasa kabilang side ng lamesa ang officers ng Tape at APT at sa kabila si Dei  katabi si Direk Pat at ang mga magulang niya.

Direk Pat:  Good Morning po. Sorry for the short notice pero this has long been overdue since alam naman nating eight months ng tapos ang kontrata ni Dei sa atin.   Gusto na ho kasi niyang magpaalam.

Mr. T:  It's ok Pat, ang totoo pakiramdam ko nga idinedelay lang natin ito dahil ayaw nating lahat na umalis siya.  Ang totoo Dei, pumunta ako dito hoping na may ibang paraan pa para magawa mo ang gusto mong gawin ng hindi mo tinatapos ang kontrata mo sa amin.  Kaya gusto kong malaman ang dahilan ng pagalis mo?  May mali ba sa paghahandle namin sa yo?  May hindi ka ba nagustuhan? May kulang pa ba? Hindi ka ba masaya dito?

Dei:  Tito, sobra-sobra na ho ang lahat ng ginawa ninyo para sa akin. Sobra pa sa inasahan at pinangarap ko.  Tinupad ho ninyong lahat ng pangarap ko at wala na ho akong mahihiling pa. Maayos din ho ang naging paghahandle ninyo, inaalagaan ho ako ng mga tao dito na parang anak.  Tape and APT is my second home.  Dito po nangyari ang pinaka masasayang araw ng buhay ko, dito din po ako natututo ng maraming bagay at dito ko po nakilala ang sarili ko dahil binigyan ninyo ako ng chance na ilabas ang mga talent na hindi ko alam na meron ako.   Ito po ang naging dahilan para makilala ako sa iba't ibang parte ng mundo.  Fame is nothing kung hindi ka masaya.  Dito sa piling ninyo I have both. Maniwala ho kayo, madali para sa akin ang iwan ang kasikatan dahil simpleng tao lang naman ho ako at hindi ko din naman halos na-overcome ang pagkamahiyain ko. Mabigat ho sa loob ko ang iwan ang lugar at mga tao dito pero alam kong kailangan kong gawin yon para sa ikatatahimik ng kalooban ko. Physically natuto akong umarte pero. Pero hindi po kaya ng dibdib ko  na nagtatago sa katotohanan. Marami na ho akong love team na napanood ang totoo bilib ako sa kanila dahil pati puso nila naturuan nilang umarte.  Yun ho kasi ang hindi ko magawa.  Isa pa ho alam ko hong ayaw sa akin ng management ni RJ eh.  Ang hirap naman po non di ba, one sided parang yung ibang mga fans din niya.

Ms. Jenny:  Dei, don't be hard on yourself like that.

Dei:  I'm not being hard on myself Ms. Jen aware lang talaga ho ako na ayaw nila sa akin. I have proven that a couple of times.  Siguro po kailangan ko munang magmature para magawa ko ng tama yang loveteam na yan.

Ms. Malou:  Ibig bang sabihin kung halimbawang may ibang segment kaming ipapagawa sa yo that does not involve the love team, you will stay?

Vic:  Dei, we all saw what you did to help the show and what you did to make earnings for the company.  Be it said, you are an asset to us. Syempre ayaw ka naming mawala. Kaya mas gusto namin na gawan ng paraan that you are still part of the show.

Dei:  If you can think of a segment na hindi ko kailangang gawin sa studio, dito sa Pilipinas at pwede kahit saang lugar pwede po siguro.  Kasi po I am leaving for the states very soon. McMeel Publishing has offered to publish my book at ang pagiging writer ho ay isa sa pangarap ko.

Vic:  McMeel is the publisher of Lang Leav's books tama?

Dei:  Opo Tito, actually they found out that I wanted to write through Lang Leav.

Ms. Jen:  Congratulations then, that is a great opportunity. Ganito na lang can you still give us time?  Can you stay sa Lunch Surprise for your birthday celebration at yun na din ang despedida mo?

The Truth About You & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon