Chapter 74 - Truth

1.7K 102 1
                                    

Excited si Dei ng araw na yon, napangiti ng makita na ang dami niyang text messages bumabati ng Happy Birthday.  Pero napasimangot ng marealize niya na walang message galing kay RJ.

Hinagis ang phone sa kama at nagpunta ng banyo para maghilamos, kumain ng breakfast at tumawag sa Tatay niya.

Dei:  Hello Tay!

Tatay Teddy:  Happy Birthday nak!

Dei:  Thank you Tay!

Narinig niya ang pagkanta ng pamilya ng happy birthday sa background. Natawa siya.

Dei:  Thank you po!  Saan tayo magcecelebrate? May meeting lang ako ngayong umaga tapos pwede na akong umuwi dyan.

Tatay Teddy:  Sa Rosario's sa Tagaytay ako nagpareserve for dinner pero nandon na kami bandang mga 4pm. Doon ka na dumerecho nak. Kaya mo bang magdrive magisa o papuntahin ko si Manong?

Dei:  Hindi na Dad, kaya ko na.  Sige po, see you later. Magsisimba muna ako.

Mayamaya dumating si Direk Pat sa condo niya. Pinagbuksan niya ito.

Dei:  Hi, Ate Pat. Simba muna tayo ha bago tayo pumunta sa meeting ko.

Direk Pat:  Happy Birtday! 

Nagbeso at niyakap siya ni Pat.

Dei:  Thank you!

Direk Pat:  Naiintriga na ako sa meeting mo ha.  Saan ba yan?

Dei:  Basta mamaya malalaman mo rin.

Dumaan muna sila sa Christ the King Church at umattend ng misa. Pagkatapos binaybay nila ang daan papunta ng Ortigas. Pumasok sila sa Alexandra, ipinark ni Dei ang kotse niya at bumaba na sila.

Umakyat sa 3rd floor at nagulat si Direk Pat ng makita ang Logo sa harap ng opisina na pinuntahan nila.  Ito ang opisina ng MSE Films.

Bumati ang receptionist sa kanila.

Receptionist:  Good Morning Mam, Sir Vico, Sir Jake and Mam Danica is waiting for you sa Conference Room. Samahan ko na po kayo. Tahimik lang na sumunod si Direk Pat.

Dei:  Hi Guys!

Danica:  Finally!  Kamusta?

Dei:  I'm Good! Guys you know Direk Pat?

Vico:  Oo naman.

Jake:  Good to have you back.

Dei:  It is nice to be back.  Balita ko kumikita na kayo ha.

Vico:  Anong kayo?  Tayo.

Danica:  Tuwang-tuwa nga ang Daddy eh.  Buti dumating ka na ang daming scripts na dumating eh.  Magtrabaho ka naman Ms. M

Jake:  Oo nga! Teka nagkita na kayo ni RJ?

Dei:  Yah twice na.  Nakuha na ba ninyo ang pasalubong ninyo?

Danica:  Yah thanks, I love them! Paki mga bata tuwang tuwa.

Jake:  Oo nga, sabi pala ng Daddy salamat daw at niyaya mo ako sa business mo na ito kung hindi daw malamang hindi ako mapipirmi sa Manila eh

Dei:  Well I'm glad na kayo ang mga kapartners ko, ang galing ninyo eh. Sige, give me copies of the script para mapagaralan namin ni Direk Pat.  Teka pala, hindi ba tayo nagkakaproblema sa pagkuha ng artista from GMA?

Vico:  Hindi naman, all 4 projects with them went on smoothly.  Feeling ko Atty. Gozon knows na ikaw ang M sa MSE eh.

Danica:  Nga pala, FYI all four are nominated. The Grandparents is nominated sa Famas and Gawad Urian.  Tapos yung IBFF naman sa Your Cirlce at sa Gawad Tanglaw.

The Truth About You & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon