Hindi naging madali para kay RJ at Dei ang pagiging love team nila. Alam ni RJ mismong ang Manager niya na si Carlitos gusto siyang magsolo. Pero magkaiba sila ng paniniwala dahil nakikita naman niya ang magandang idinulot sa kanya ng love team nila ni Dei. At desidido si RJ na pangatawanan ang love team na ito. Ang hindi alam ni RJ people can do things para masira ang love team nila katulad ng isang araw naimbita si Dei ng RJnatics para sa isang party daw para sa kanila ni RJ. Pinaunlakan naman ni Dei ang imbitasyon. Kasama niyang pumunta sa naturang party si Direk Pat.
Nandon si Carlitos at ang admin ng RJnatics pero walang pumapansin kay Dei. May mangilanngilan na nagsalita pa ng hindi maganda tungkol sa damit o itsura ni Dei. Halos magiisang oras na siya doon at hindi na komportable si Dei.
Dei: Ate Pat, halika na. I don't think I am really welcome here.
Direk Pat: Sandali tatawagan ko si RJ, siya ang nagsabi sa yo tungkol sa party na ito.
Bago pa nakaalis si Dei dumating na si RJ, nagkagulo ang lahat. Kumaway lang si RJ sa mga fans at bumati at dumerecho ng umupo sa tabi ni Dei. Nahalata ni RJ na tahimik si Dei.
RJ: Sorry ha, nalate ako.
Dei: Ok lang, actually hinintay lang talaga kita bago ako umalis eh.
RJ: Bakit naman...
Tumingin si RJ kay Direk Pat, nakakunot din ang noo nito. Mayamaya, may nagtext kay RJ isa sa admin ng fans club. "Sorry RJ, lalapitan ko na sana si Dei kahit pa magalit sila eh. Wala kasing pumansin sa kanya at mga nagpaparinig pa sila kay Dei ng kung ano-ano. Yung totoo set up lang na pinayaya siya sa yo para ipakita sa kanya na ayaw nila kay Dei. Ask Carlitos."
RJ: Direk Pat, pakicontact na yung driver aalis na tayo.
Direk Pat: Ok
Lumapit si Carlitos, may bitbit na juice at pagkain para sa kanila.
Carlitos: Here kain na kayo.
Tinignan lang ni RJ si Carlitos.
RJ: Kanina pa nandito si Dei, ngayon mo lang nilapitan?
Carlitos: Busy lang ako sa likod.
RJ: Then you should have asked someone else para magasikaso sa kanila. Sabi ninyo yayain ko siya tapos ipapahiya lang ninyo ako?
Tumingin si RJ sa mga admin ng RJnatics at nilakasan ang boses.
RJ: This is not the RJnatics that I used to know... believe me kahit kelan hindi gagawin ng Richdee Nation ang ginagawa ninyo.
Hinawakan ni RJ ang kamay ni Dei at tumayo na. Tumayo si Dei... tumingin sa mga fans ni RJ.
Dei: Ang pangit ko ba? Malaki yung bibig ko? matagal ko ng alam yan, sorry I cannot please you guys. Sorry din kung sa akin naipartner ang idol ninyo ha. Pero wala din naman akong kinalaman dito eh.
Hinila na ni RJ si Dei at kahit anong tawag ng mga fans sa kanya hindi niya nilingon ang mga ito. Hinatid na ni RJ sila Direk Pat at Dei sa condo ni Dei.
RJ: Pasensya ka na. Sorry talaga.
Dei: it's okay, not your fault. Hindi mo naman alam yung gusto nilang mangyari. Actually alam ko naman na may mga fans ka na ayaw sa akin, I just didn't realized na RJnatics pala sila.
Hindi doon natapos ang problema ni RJ. Minsan nasa restaurant niya siya. Nandon si Carlitos at ilang mga admin ng fansclub niya. Inentertain naman niya sila. Kumain ang mga ito at nagkukwentuhan. Nasa opisina siya at kausap si Joe ang kasosyo niya ng maalala niyang hingin ang schedule niya kay Carlitos. Pinuntahan niya ang mga ito at rinig na rinig niya ang mga sinasabi ng mga ito tungkol kay Dei. Hinampas ni RJ ang lamesa, galit na galit.
BINABASA MO ANG
The Truth About You & Me
RomanceWhat would you do for fame? for money? for your dreams? for love? Find out how two different people - RJ and Dei, from two different worlds got tangled. Will they manage to work on their differences or will they manage to act as they should or...