Chapter 3 - The Meetings

2.3K 105 0
                                    

Sa Broadway Centrum,  nandon si  Sir Tony ang Producer,  Executive Producers -  Ms. Malou, Miss Helen at iba pa,  Miss Jenny ang VP  for Creatives and Operations, Si Direk Bert  at Direk Poochie,  Tito, Vic and Joey at ang ibang pang Officers ng Tape Inc.  na nagdevelop ng longest running noontime show na  "Lunch Surprise!"   Mahigit tatlong decada at kalahati na ang show na ito na namamayagpag sa Television.  

Marami ng mga artista ang naging host ng show, marami na ding mga baguhan, winners ng mga contests sa show na inalagaan, binigyan ng career at pinasikat ang show na ito.  Hindi madali ang pagpapatakbo ng ganitong variety/game show.  Kailangan palaging may mga bagong segment at bagong pakulo kung hindi magsasawa at mabo-bore ang mga manonood.  

Nang mga panahon na yon, pinaguusapan nila ang kasalukuyang ratings ng show.

Sir Tony:  After all this years, nandito pa rin tayo pero tatapatin ko kayo, at the rate that we are going malapit na tayong abutan ng kalaban  sa ratings.  We need to do something... 

Vic:  Oo nga, something new, or find someone fresh.  Yung makakaattract ng teenagers and young adults kasi  yun ang audience the wala tayo.

Tito:  Tama, ang audience natin are more of grandparents, housewives and adults who stays home or works at home. Nasaturate din natin ang very young audiences, like kids because of Baste and Ryzza.

Joey:  Siguro, yung in, yung patok sa panlasa ng mga teenagers at young adults.  Yung uso.

Sir Tony:  Sa kabila ang dami nilang mga ganong age kaya yon ang malaking number an audience nila.   We have to capture that kind of audience.

Ms. Jenny:  Ang in thing sa mga ganong idad Sir, is the social media.  Those audiences are in social media 24/7.

Direk Bert:  Well then we find something or someone from there na pwede nating i-encorporate sa isa sa mga segments natin.

Vic:  Tama, let's find someone from the Cyber world dahil yon ang mundo ng audience na gusto nating makuha.

Pagkatapos ng meeting,  nagkainan sila bago pa magsimula ang  show.  Pagkatapos ng show lumapit si Ms. Malou kay Sir Tony.

Ms. Malou:  Sir,  Ms. Gigi  of Artist Center and Ms. Lizelle of GMA are here to meet with you.

Sir Tony:  Ok, send them over. 

Sa opisina ni Sir Tony.

Sir Tony:  What brings you ladies in our humble abode?

Ms. Lizelle:  May ilalapit kasi kami sa yo... do you know Richard Reyes. 

Sir Tony:  Of course, I know him. 

Ms. Gigi:  Mabait ang batang yon, masipag at walang reklamo sa trabaho.  Magaling na artista but currently wala siyang masyadong projects like teleserye kaya maraming free time.  He wants to try everything so I thought you might want to try him kahit one month lang.

Ms. Lizelle:  Baka sakaling maka-attract ng teenagers and early 20's audience para sa Lunch Surprise? Bagay siya sa mga good natured segments ninyo.

Sir Tony:  Pwede... pero one month lang ha, we'll try his hosting abilities but I cannot promise na magiging mainstay sya.  But I will have Jenny talk to him and see if we can find a segment that fits him.

Ms.  Lizelle:  Hindi ka magsisisi Sir... malaki ang potential ng batang yon.

Sir Tony:  Sikat yan baka naman malaki ang ulo ayoko ng problema Gigi.

Ms. Gigi:  Very humble po Sir, mabait, mahilig sa mga charity projects. 

Sir Tony:  Ok its settled then, papuntahin mo. I will personally talk to him and his Manager.

Kinabukasan pagdating ni Richard Reyes at Mama T sa bahay ni Carlitos.

Carlitos:  OMG! RJ you won't believe  who I just talked to.

RJ:  Hollywood star ba ito?  Lalake?  Babae? 

Carlitos:  Ms. Gigi... and I have a very good news and a slightly bad news for you.  Anong gusto mong marinig yung good news muna o bad news?

Naupo si RJ sa sofa, kasunod si Mama T.

RJ:  Ok, good news muna syempre.

Carlitos:  You get to host Lunch Surprise!

Napatayo si RJ, nanlaki ang mata sa gulat.

RJ:  ANO?! Nagbibiro ka ba Carl?  Prank ba ito?  Baka may kamera dito ha?  Number 1 noontime show yon. Mula ng magkaisip ako pinanonood na namin sa bahay yon.  Ngayon sasabihin mo maghohost ako sa kanila?  Nagpapatawa ka ba?!

Carlitos:  RJ, totoo! Kinausap ko si Ms. Gigi about your fears, at mga gumugulo sa isip mo. Sinabi ko sayang ang kasikatan mo kung pababayaan kang matengga. Kung walang drama o teleserye you wanted to try anything. Ipinakiusap ka nila sa Lunch Surprise.

Napatalon si RJ, niyakap si Carl at Mama T.

RJ:  Lord salamat po! Sobrang blessing ito.  Grabe Carl!   I can't wait!  Excited na ako, kailan ako magsisimula?

Carlitos:  I hate to burst your bubble darling pero may slightly bad news pa.

RJ:  Kahit ano pa yan, hindi ninya masisira ang araw ko, so go!

Carlitos:   This is just a trial for a month.  They wanted to try your hosting abilities. Meaning subok lang, so hindi pa sure na magiging mainstay ka.

Nalungkot ng bahagyan ang mukha ni RJ  pero mayamaya ngumiti ng labas ang dimples.

RJ:  Ok lang yon, the chance is enough Carl.  Ako na ang bahala, gagawin ko ang best ko para maging mainstay.  Sisiguraduhin ko that I do my job well para they will want to keep me.

Mama T:  Tama yan Nak!  Kapag nakita nila na may potensyal ka gagawin ka nilang regular.  Sa pagkakaalam ko, Tape Inc. is passionate on developing talents and keeping them.  At dapat magaling kang makisama.

RJ:  Oo Mama T,   narinig ko na how good the people behind Lunch Surpise is.  Kaya talagang gagawin  ko ang lahat so they will want me to stay.

Carlitos:  I will meet with your fans club,  hihingin natin ang suporta ng fans mo. Kapag napagalaw mo ang ratings ng Lunch Surprise they will think twice of letting you go.

RJ:  Malaking opportunity ito, gustong gusto ko ang mga segment nila that helps other people. In a way makakatulong din ako.  Matutuwa si Lola at Tatay dabarkad's yung mga yon eh. 

Carlitos:  I'm sure!

RJ:  Pero kinakabahan din ako kasi alam naman ninyo mga komedyante yung mga yon eh ang korny ko pa naman magjoke. Tapos puro batikan pa naman pero mababait naman sila yun ang naririnig ko lalo na sila Tito Vic and Joey.

Carlitos:  Kaya nga use your charm and  do everything to please them.  

Mama T:  Oo nga. Kapag nagustuhan ka nila kahit kelan hindi ka nila pababayaan.

Nang oras na yon, parang nakalutang sa ulap ang pakiramdam ni RJ, tumatakbo sa isip ang mga posibilidad para sa kanya sa show.  Napausal siya ng isang dasal sa isip,  "Salamat po Lord, salamat sa pagkakataon.  This is it! Longest running noon time show ito. Ma, tulungan mo ako at palakasin mo ang loob ko.  I want to make this good!  Better yet I will give this my best shot!  Salamat po talaga sa blessing Lord"










The Truth About You & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon