Ang ginawa ni Dei para kay RJ nung bagong taon ay naging daan para maging kampante si RJ kay Dei. Naging daan din ito para makita ni RJ ang totoong pakikipagkaibigan ni Dei sa kanya. Kaya simula noon para kay RJ, si Dei ay isang matalik na kaibigan na mapagkukwentuhan at mapagkakatiwalaan. Isang kaibigan na gagawin ang lahat mapangiti at mapasaya ka lang. Isang kaibigan na nagpapaalala ng mga bagay na dapat mong pinahahalagahan katulad ng pamilya. Kaya naman sinusunod niya ang mga payo nito at ginagawa niya ang lahat para mapangiti at mapasaya din ito. Gusto niyang ibalik kay Dei ang lahat ng magagandang bagay na dala nito sa buhay niya at ginawa nito para sa kanya.
Para kay Dei naman si RJ ay isang kaibigan na nagtuturo sa kanya ng mga dapat niyang malaman tungkol sa career na pinasok niya. Isang kaibigan na laging nandyan para alalayan siya. Isang kaibigan na nagpapalakas ng loob, naniniwala sa kakayahan niya. Isang kaibigan na nageencourage. Kaya naman pinakikinggan din niya ang lahat ng mga words of wisdom nito at sinisiguro niyang mapapasaya din niya ito.
Magpi-pitong buwan na ang lumipas simula ng unang magkita sila sa split screen. Dahil parehong busy, nagkikita lang talaga sila kapag may trabaho sila na magkasama. Madalas naman puro biruan at kulitan lang sila. Hindi sila talaga, nakakapagusap ng seryoso.
Minsan pagkatapos ng rehearsal nila sa studio para sa performance nila, nahuling umalis si Dei ng Broadway. Hinatid siya ni Direk Pat sa condo unit niya. Nagulat siya na hinatid lang siya sa pinto ni Direk Pat pero nagpaalam na din agad itong uuwi. Pagpasok niya sa pinto nagulat siya na nakaupo si RJ sa couch sa loob ng condo niya.
RJ: Hi! Pasensya ka na, kinuntsaba ko si Direk Pat, hindi ko kasi alam kung papano kita makakausap eh.
Dei: Ok lang pero sana sinabi mo na lang kanina para doon na tayo sa broadway nagusap, hindi yung naghintay ka pa dito.
RJ: Ok lang, kadarating ko lang din naman eh dumaan ako sa mcdo para may mameryenda naman tayo.
Dei: Wow! Thanks ha, sige kain na tayo?
RJ: Oo nga gutom na din ako eh.
Habang kumakain, sinusulyapan ni RJ si Dei at pinagmamasdan ang mukha nito.
Dei: So, what brought you here? May problema ba?
RJ: Wala naman. Hindi lang kasi tayo nakakapagpwentuhan ng matino eh.
Dei: RJ, kanina ka pa, ano bang meron sa mukha ko at tinitignan mo ako?
RJ: Wala, naiisip ko lang... how did I get lucky, na dumating ka sa Lunch Surprise.
Dei: Hmmm sabi nga sa isang kanta sa sound of music, "somewhere in my youth or childhood I might have done something good." Siguro may mga ginawa tayong tama noong bata pa tayo kaya eto biniyayaan tayo ni Lord.
RJ: Siguro nga, alam mo kasi... yung tinanong ko sa yo sa segment nung new year... Kung ano ang pinakamagandang nangyari sa buhay mo ng nagdaang taon? Yung sagot ko na "ikaw" hindi pampakilig yon, wala ding halong ka-showbisan yun... totoo yon.
Dei: Totoo din naman yung sagot ko eh... besides obvious naman di ba?!
RJ: Sabagay... almost everything naman na sinasabi ko kay Yaya Dee totoong yun ang gusto kong sabihin sa yo Dei.
Dei: I know.
RJ: So, alam mo na mahalaga ka sa akin, mahalaga ang pinagsamahan natin para sa akin?
Dei: Oo, dahil kung gaano ako kahalaga sa yo, ganon ka din naman kahalaga sa akin eh.
RJ: We are friends... no pala... we are more than that.
BINABASA MO ANG
The Truth About You & Me
RomanceWhat would you do for fame? for money? for your dreams? for love? Find out how two different people - RJ and Dei, from two different worlds got tangled. Will they manage to work on their differences or will they manage to act as they should or...