Kasabay ng pagalis ni Dei, pumutok ang balita na kaya ito umalis ay dahil niloko ni RJ. Dahil girlfriend pala nito si Koreen. Kabi-kabila ang pangba-bash kay RJ ng dahil sa paglabas ng Video ng fan na narinig nila RJ na nagsalita noong after party ng Premiere Night. Tahimik si RJ... wala na siyang balak pang magsalita tungkol don.
Pero minsan na-ambush interview siya sa isa sa mall tour niya, walang nagawa si RJ kung hindi sagutin ang tanong.
RJ: In respect to Dei, dahil wala na siya ayoko ng magsalita tungkol dito at palagay ko din kahit sabihin ko naman na hindi totoo, hindi din kayo maniniwala. So, ganito na lang kung talagang gusto ninyo na masagot ang mga tanong ninyo. Si Koreen ang tanungin ninyo.
Kaya lalong nabash si RJ, maraming nagsasabi na kaya ito umiiwas sagutin yon ay dahil may itinatago talaga ito. Pero wala ng pakialam si RJ. Nanahimik lang ito at pinagpatuloy lang ang natitirang mga shows na nakuha ni Carlitos para sa kanya. Nang matapos ang lahat ng nakabinbin na shows kay Carlitos. Ipinatawag ito ni Daddy Richard.
Nasa Restaurant sila ni RJ para maglunch meeting. Inimbitahan din ang taga Artist Center at Leysam. Nung kumakain na sila dumating si RJ at Mama T kasama ang isang Abogado. Pinakilala ni Daddy Richard si Atty. Banayo sa kanila at pinaglunch na ang mga ito.
RJ: Finish your lunch nagmeryenda kasi ako Dad, tawagin mo na lang ako kapag tapos na kayo so we can start the meeting.
Makalipas ang kalahating oras naupo na si RJ.
Daddy Richard: Thank you for coming... I asked for this meeting kasi personally I want to manage the career of my son from now on. Carlitos, you have done a great job and I cannot thank you enough for everything. Tatanawin namin na isang malaking utang na loob ang pagsuporta mo sa anak ko at susuklian namin ang kabutihan mo. So, gusto kong malaman kung may Contract bang pinirmahan si RJ sa iyo Carlitos?
Carlitos: Wala naman po, it is a verbal agreement between him and me, as a friend.
Daddy Richard: May mga nakabitin pa bang schedule si RJ sa yo?
Carlitos: Wala na po 2 weeks ago sinabi na po niya na gusto na muna niyang magpahinga kaya hindi na po ako tumanggap ng kahit na anong inquiries.
Daddy Richard: That's good then. Here is a little something for all your hardwork Carlitos as a separation pay kahit wala kayong papel gusto niyang bigyan ka ng sa palagay niya ay nararapat para sa lahat ng naitulong mo.
Atty. Banayo: Carlitos just to make it formal please sign this quit-claim and acknowledgement receipt.
Carlitos: RJ, ok na. Hindi mo naman ako kailangan bigyan ng kahit na ano eh. I am completely compensated sa mga shows at projects na nakuha ko for you.
RJ: Alam ko yon Carlitos but that is a gift and compensation mo for whatever I have earned sa loveteam namin ni Dei. Bilin niya yan eh. Both Dei and I knows you don't like the loveteam pero pinagtyagaan mo, for that alone we are trully greatful. Pero tatapatin kita, magkaiba tayo ng gusto and Dei no matter what, will always be a part of my life and I have to make sure na lahat ng nasa paligid ko at kasama ko tanggap siya. Magkaibigan tayo Carlitos ayokong magkasira tayo dahil kahit ilang beses akong papiliin, parati kong pipiliin ang buhay kasama si Dei.
Carlitos: Sorry, hindi ko alam. Akala ko talaga love team lang yon.
RJ: Kung tinignan mo lang sana kung papano niya ako napapasaya sana nalaman mo. Thank you for everything. Tanggapin mo na yan, para sa ikatatahimik ng kalooban nating pareho. Huwag kang magalala, magkaibigan tayo, kung marami man ang magbabago ang pagkakaibigan natin hindi mawawala yon.
BINABASA MO ANG
The Truth About You & Me
RomanceWhat would you do for fame? for money? for your dreams? for love? Find out how two different people - RJ and Dei, from two different worlds got tangled. Will they manage to work on their differences or will they manage to act as they should or...