Simula ng banggitin ni RJ sa interview nila kay Arnold Clavio ang tungkol sa pangarap nitong magkaron ng sariling pamilya, lagi ng gumugulo sa isip ni Dei ang bagay na yon. Hindi dahil hindi niya ganon kamahal si RJ para magpakasal dito. Love is not the problem dahil alam niyang mahal niya ito ng sobra pa sa kaya nyang sabihin at ipakita. Hindi rin sa hindi siya sigurado kung ito ang gusto niyang makasama habang buhay. Pero may takot siya. Hindi niya alam kung ready na nga ba siyang magasawa. Kaya nga ba niya ang maging asawa ng isang sikat na artista?
Marami na siyang nakita, nabalitaan at nalaman na kwento ng mga marriages ng mga celebrities at mabibilang mo sa kamay ang tumagal o nanatiling nagsasama halos karamihan hiwalay na or mas madalas pa na nagkakaproblema. Yun na ang bumabagabag sa kanya sa isip at puso niya.
Tapos katakot-takot na pangbabash pa ang natanggap niya matapos lumabas ang litrato ng isang katuwaan nilang magkakaibigan na nagvi-videoke sa bahay ng isang kaibigan. Nandyang tawagin siyang malandi kahit pa wala naman siyang ginagawa sa litrato kung hindi nagpose kasama ang mga kaibigang babae... Naiassociate lang kasi dahil ito daw ay kuha sa bahay ng isang lalaki. Ayaw niya sanang nagpapaapekto sa ganong mga comment pero ewan ba niya ng mga panahong yon parang ang sensitive niya at sobrang puro negative vibes na naman ang nararamdaman niya.
Idagdag mo pa ang isang litratong ipinost na kuha sa Sunday show nila RJ kung saan katabi nito sa upuan at kasabay kumain si Jan ang isang dating kaloveteam ni RJ at sinasabing minahal nito at niligawan noon. Ang caption, "Yan ba ang inlove kay Dei??? eh bakit parang ang saya nila?" . Sa lahat ng araw kung kailan her guard is down tyaka pa niya nababasa ang mga ito.
At si RJ nasa isang show sa Japan para sa GMA kasama ang mga kasama nito sa Sunday Show pati na si Jan. May isang litrato kung saan nasa ibabaw ng stage si RJ nakatayo katabi si Jan at ang caption "back in the arms of each other". Hindi selosa si Dei, pero si Jan ang isang babaeng nakakaapekto sa kanya dahil alam niyang gusto ito ni RJ noon at binalak na ligawan.
Nabasa din ni RJ ang mga posts na ito at habang nasa Japan hindi din siya mapakali. Sa isang dinner nila doon, napansin ni Jose at Wally na tahimik siya at halos hindi galawin ang pagkain. Magkakasama ang mga sila sa isang lamesa pati na si Gerald.
Jose: Oh huwag mong sabihing busog ka pa eh halos hindi ka din kumain kaninang tanghali?
Gerald: Oo nga, hindi mo naubos yung gourmet sandwich mo kanina, ok ka lang ba?
RJ: Wala akong gana, oo ok lang ako.
Wally: Iba ang sinasabi mo sa nakikita namin, may problema ba?
RJ: nakakaBV (Bad vibes) kasi yung mga posts sa social media eh. Inaalala ko lang si Dei, am sure nababasa niya ang mga yon.
Jose: Dei, knows better than to believe those posts.
RJ: Alam ko naman yon pero alam ko din kahit hindi siya naniniwala may effect pa rin yon dahil ako nga naapektuhan, siya pa kaya? Minsan, iniisip ko kaylan kaya kami titigilan ng intriga?
Wally: Malamang kapag wala na kayo sa showbiz.
Gerald: Pwede din kapag mag-asawa na kayo.
Jose: Oo parang si Bossing at Poleng lang.
Wally: Teka, ano ba ang chicka sa social media?
RJ: yung pic lang namin ni Jan na nakatayo na magkatabi sa stage nilagyan ng caption na "back in each others arms again." Alam naman ninyo kapag blockings ingat na ingat ako katulad niya nakatayo lang sa stage yan ha.
Jose: Grabe naman yon, nagseselos si Dei sa ganyan?
RJ: Hindi, pero Jan is someone na pwede niyang pagselosan just because she knows that I liked her before at nagbalak akong ligawan ito noon.
BINABASA MO ANG
The Truth About You & Me
RomanceWhat would you do for fame? for money? for your dreams? for love? Find out how two different people - RJ and Dei, from two different worlds got tangled. Will they manage to work on their differences or will they manage to act as they should or...