Chapter 59 - Ninja Moves

1.7K 74 2
                                    

Successful ang naging show nila sa Pasadeña.  Napakaraming nanood at maganda ang mga comments ng mga fans sa social media.    Pagkatapos ng show 11 pa lang bumalik na sila sa kanilang Hotel room. Dahil hindi sanay na natutulog ng maaga paikot-ikot si RJ sa kama nilingon niya si Leysam na tulog na tulog na. Nakatingin sa kisame ang nasa isip "gising pa kaya siya? Eh kung gising pa siya ano naman ang gagawin namin at saan kami pupunta?"

Tumawag siya sa front desk at nagtanong kung bukas pa ang restaurant sa ibaba ng hotel or any place na pwede niyang kainan ng hindi lumalabas ng hotel. Pero sabi sa front desk sarado na ang restaurant pero pwede daw siyang umakyat sa view deck ng hotel  open daw yon until 2am at pwede siyang umorder don ng pagkain.

Nagpunta nga sa viewdeck si RJ, isa itong floor na ang kalahati ay airconed room na salamin ang walls showcasing the view at ang kalahati open space na parang terrace na malaki at may mga lamesa at bench. Pumasok siya sa airconed room  naupo sa isa sa mga couch na malapit sa mirrored wall at nilapitan naman siya ng isang staff don sa loob at inabutan ng menu.  Walang ibang tao ng mga oras na yon don. Tinignan niya ang menu at naghanap ng kakaibang makakain. Umorder siya ng flourless three cheese pizza at fish sticks and chips at frozen lemonade.

Dinukot ang cellphone at nagtext kay Dei.

RJ:  Gising ka pa? Here sa viewdeck... wanna join me?

Ipinatong niya ang cellphone sa lamesa, nun niya lang napansin na may mahinang music pala na tumutugtog. Isinandal niya ang ulo sa couch at tinitigan ang kisame.  Lumapit ang isang staff inabutan siya ng dalawang throw pillow at magazine.

RJ:  Can I sleep here?

Staff:  No sir but you can  lay down, relax and read or watch the sky while waiting for your food.

RJ:  Ok, thanks!

Ipinatong niya ang unan sa arm rest ng couch at nahiga.  Mayamaya bumukas ang pinto, napalingon si RJ. Isang lalake at babae na foreigner ang dumating parang mga nakainom. Umorder lang ito at lumipat sa open spaced ng  viewdeck. Sinilip ni RJ ang cellphone walang message naisip niya, "baka tulog na yon. Sayang naman."  Hinintay na lang niya ang pagkain at sinabayan ng kanta ang background music.

Habang si Dei kalalabas lang ng banyo at katatapos lang magwarm shower.  Narinig niyang nagvibrate ang cellphone niya na nakapatong sa bedside table. Binasa niya ang text ni RJ, napangiti at naiiling. Ipinatong na lang ang maong jeans sa leggings na ipantutulog sana niya at nagsoot ng hoodie over her night shirt at lumabas ng kwarto.

Pagdating niya sa floor ng viewdeck sumilip muna siya sa open space ng hindi nakita don si RJ pumasok sa airconed room, agad naman niya itong nakita dahil nagiisa ito sa loob.  Dahan dahan siyang lumapit at biglang inupuan ang hita nito. Nagulat si RJ, napabalikwas.  Tawa ng tawa si Dei pati yung staff natawa.

RJ:  What the...!

Dei:  Ooopppps!

Tinakpan nito ang bibig ni RJ. 

RJ:  Ano ka ba? Bakit nanggugulat ka?

Dei:  Ano ka din ba?  Bakit late na nangiistorbo ka pa?  Nagugutom ka lang ata hindi ka na lang umorder sa room mo.

RJ:  Ayos ka din, ikaw na ang naalala ko, ikaw pa masungit ah.

Dei:  Unggoy! naalala ka diyan ang sabihin umaatake na naman yang anaconda mo sa tiyan.

RJ:  Sayang lang yung opportunity to spend time together since alam mo na nandito tayo kasi pagbalik na naman natin puro trabaho na naman pero kung inaantok ka na sige ok lang. 

Dei:  Asus, pabebe ka pa dyan.  Eto na nga nandito na ako no.  Pero, ikaw ha... ikaw talaga... ano ka eh.

Biglang nangamoy ang pizza at fish sticks at lumapit ang waiter at ipinatong ang pagkain sa lamesa nila.

The Truth About You & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon