Chapter 23 - reel or real date?

1.5K 80 5
                                    

(ctto of the picture on this chapter)

Sabado bago ang valentines day nakatakda silang mag-road trip papuntang Tagaytay para sa Valentines date ni Yaya Dee at RJ.  Kahit para sa streetserye ang road trip, binigyan ng pagkakataon ng Tape na bumiyahe sila ng silang dalawa lang. Ang briefing lang ay magpadala sila ng mga video habang bumibyahe sila.  Sa unang pagkakataon nakasama nila ang isa't isa ng silang dalawa lang talaga.

Natutuwa si RJ dahil masayang kasama si Dei sa byahe, makwento kasi ito.  Katulad ng may nadaanan silang billboard ni Dei sa Edsa.

Dei:  Alam mo dati, pinapangarap ko lang yan at hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na ayan ako oh.  Kapag pinagmamasdan ko nga ang mga billboard na yan pakiramdam ko nananaginip ako eh.

RJ:  Well ako na ang nagsasabi sa yo, hindi ka nananaginip.  Nangyari yan because the Lord knows you deserve it.

Medyo natraffic sila, nakita ni Dei na kumukunot ang noo ni RJ.  Medyo naiinis na ata sa traffic.  

Dei:  Oh bakit? 

RJ:  Tignan mo naman kasi ang traffic.

Dei:  Hindi ka pa nasanay, alam mo imbes na mainis ka, lakasan mo na lang yang music.

Nilakasan naman ni RJ, pero nagulat siya ng biglang bumaba si Dei ng kotse at nagpunta sa unahan ng kotse na sinasakyan nila at nagsasayaw.  Tawa ng tawa si RJ, pagsakay ni Dei.

RJ:  Sira ka talaga, anong ginawa mo?

Dei:  Nagstretching... di ba obvious?

RJ:  I mean bakit mo ginawa yon?

Dei: Kaysa naman mainis tayo sa traffic di ba?  Hindi naman magbabago yon kahit mabwisit tayo di ba at least tignan mo natawa ka at wala na ang kunot sa noo mo.

Napangiti si RJ, napaisip "Oo nga naman."

Pagandar na naman nila nagsimula na naman silang sabayan ang isang kanta habang ivinivideo ni Dei, nagsnap chat din sila at ipinadala ang mga video kay Direk Pat.  Para ipakita sa show. Pagkatapos nagkwentuhan na naman sila.  Pansin ni RJ iba si Maine sa ibang artista na puro tungkol sa trabaho ang usually pinaguusapan.  Si Dei iba ang mga itinanong sa kanya.

Dei:  Yung Lola mo si Lola Linda, ano naman pangalan ng Lolo mo?

RJ:  Lolo Danny

Dei:  How old are they?  

RJ:  Mag-80 na sila pareho. 

Dei:  Nice that they are staying with you. 

RJ:  Nakakatuwa ka, you have soft spot for old people no?

Dei:  Oo, kasi ang mga Lolo at Lola natin minamahal tayo ng walang kapalit.  Minsan mas mahal pa nga nila tayo kaysa sa pagmamahal ng mga magulang  natin di ba.

RJ:  Sabagay, ang Lola ko ganon din.

Dei:  How is your Mom like?

RJ:  Malambing ang Mama ko, sobra! Mabait at gwapong gwapo sa akin.

Dei:  Yah, pinanood ko nga yung story mo sa Magpakailanman.  Tisoy ang tawag niya sa yo.  You seem very close to her.

RJ:  Oo, close naman kami lahat pero may extra closeness lang kami. Ikaw, how are your parents like?

Dei:   Pareho silang mabait.  Close naman kami pero hindi kasing close mo sa Mommy mo. Medyo istrikto ang Tatay ko eh tsaka tahimik kasi talaga ako. Pero sobrang close ko mga kapatid ko at importante sa amin ang pamilya. 

Kalahatian ng byahe, nagdrive through sila sa isang branch ng Mcdonalds at bumili ng pagkain.

RJ:  Mahilig kang kumain talaga no?

The Truth About You & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon