Tahimik ang lahat ng malalapit kay Dei. Walang pinagsabihan ng araw at oras ng pagalis ni Dei sa Pilipinas. Sabado ng hapon pagkatapos ng show dumerecho si RJ kasama si Mama T, ang Lola niya, Daddy Richard at mga kapatid sa bahay nila Dei sa Bulacan. Para sa huling hapunan kasama ang buong pamilya ni Dei. Masaya silang naghapunan at nagkwentuhan.
Tatay Teddy: Oh RJ, kapag may pagkakataon ka o nasa malapit ka lang bibisitahin mo naman kami ha.
RJ: Huwag ho kayong magalala at palagi ko ho kayong dadalawin. Isasama ko pa ho si Daddy para makapaghappy happy kayo. Tapos magvivideo tayo at ipapadala natin kay Dei para mainggit at bumalik agad.
Nanay MaryAnn: Ano na nga pala ang plano mo Hijo. May bago ka na bang kaloveteam?
RJ: Naku! Ayoko na ho, eto nga hirap na hirap akong magpaiwan ayoko ng maulit ito no.
Sumimangot si Dei.
RJ: Oh joke lang, nagpapatawa lang eh. Pumasok naman ho ako sa show ng walang kaloveteam eh kaya malabo na hong magkaron ng bago at alam din ho ng GMA na ayoko na ng kaloveteam, kaya nga medyo action yung huling pelikula namin ni Dei kasi ho isasabak na nila ako sa action eh. Yung mga may gang fight ganon.
Coleen: Parang ang gwapo mo namang gangster?
RJ: Di ba yung crush ni Dei noon gwapong ganster din?
Hinampas ni Dei si RJ at nagtawanan sila. Alam ng lahat na ang tinutukoy ni RJ ay si DJ Padilla ng kabilang network.
Daddy Richard: Saan ka tutuloy niyan sa New York anak?
Dei: Sa Tita ko po, pinsan po ni Nanay.
RJ: Tito Ted, sure ka bang paalisin mo itong dalaga mong magisa? Pwede akong maging escort.
Dei: Nakakainis ka naman eh pinayagan na nga ako eh!
RJ: Bakit ba gusto mong magisa, ikaw malamang may boyfriend kang kakatagpuin sa New York ano?!
Lalong nagtawanan ang lahat. Alam nilang kinukulit lang ni RJ si Dei para pareho nilang makalimutan ang lungkot.
Dei: Oh eh ano ngayon kung meron? Nagseselos ka?
RJ: Ok magseselos? Ang pambansang Bae magseselos? Hindi ah! Ako pa dami kayang naghihintay lang na umalis ka.
Hinampas ni Dei sa braso si RJ.
Dei: Nakakainis ka talaga! Bwiset!
RJ: Diyos ko naman Dei... eto nga bitbit ko ang buong pamilya ko para sa huling hapunan na kasama ka, kulang na lang mamanhikan ako eh. Ako pa ba ang maghahanap ng iba? Teka, Tito Ted pwede ho bang mamanhikan na nga ho ako tutal nandito na rin lang? Para wala ng kawala ito?
Nanay MaryAnn: Sa akin okay lang tipid na sa paghahanda
Tatay Teddy: Gusto mo RJ pagkatapos mo mamanhikan sasamahan ko na kayo sa munisipyo.
Nagtawanan sila.
Daddy Richard: Teka muna Nak, kayo na ba?
RJ: yung nga lang, hindi po eh. Hindi pa nga ako nagsisimulang manligaw aalis na agad eh.
Naghagalpakan na naman sila ng tawa.
RJ: Seryoso na ho... Tito, Tita, hindi naman ho problema yung nararamdaman namin para sa isa't isa pero gusto ho naming itama ang lahat. Para kung sakali man na pagbalik niya eh ganon pa rin yung nararamdaman sigurado kaming totoo at walang halong arte lang. Hiningi ho ni Dei ang pagkakataong tuparin ang isang pangarap niya. Ako naman hiningi ko ang pagkakataong ayusin ko ang mga problema ko sa management ko. Naniniwala naman ho kaming kung talagang kami ay para sa isa't isa darating ang tamang panahon namin, hindi ba mate?!
BINABASA MO ANG
The Truth About You & Me
RomanceWhat would you do for fame? for money? for your dreams? for love? Find out how two different people - RJ and Dei, from two different worlds got tangled. Will they manage to work on their differences or will they manage to act as they should or...