Lumabas ng suite nila si RJ at Dei, magkahawak ng kamay na naglakad sa beach.
Dei: Did you take a regular flight to here?
RJ: No, kinontak ko si Greg.
Dei: RJ, ang mahal ng private plane eh. Pano yung pabalik mo?
RJ: Kinuha ko kay Coleen ang flight details mo pabalik nakabook ako the same flight as yours sa Tuesday morning. Isa pa, hindi naman masyadong mahal yung papunta dito may kahati ako sa plane rent eh.
Dei: Huh? Sino?
RJ: Ayun oh, tignan mo may nakisabay ng beach date eh.
Tinignan ni Dei ang itinuturo ni RJ. Nakita nila na naglalakad palapit sa kanila si Rodjun at Sheena, nakayuko at naguusap habang naglalakad. Humawak si Sheena sa braso ni Rodjun.
Dei: Talaga? They are here on a date?
RJ: Sila ang tumulong sa akin para mahanap ka. Tapos when they found out na nandito ka Sheena wanted to come so, RB took her on a date.
Dei: OMG! kinikilig ako Mahal!
Tumili si Dei at tumakbo palapit sa dalawa, niyakap si Sheena at nagbeso kay Rodjun. Tumakbo sila palapit kay RJ.
Sheena: Oy magswim na tayo habang maliwanag pa.
Dei: Buti naman sumama kayo, boring kaya magisa dito.
Rodjun: sa susunod kapag gusto mong mag-alone time isasama mo kami pwede naman kaming imute para kunyari magisa ka lang eh.
Dei: Classic talaga mga hirit mo RB. Thanks for bringing Sheena here.
Rodjun: Actually, naawa lang ako sa boyfriend mo eh.
Nagtawanan sila. Hinubad ni Dei at Sheena ang lace top na suot at tumambad kila RJ at Rodjun ang nakatwo piece na katawan ni Dei at Sheena. Si Dei nakayellow, si Sheena naka orange. Napatingin lang yung dalawa.
Sheena: Guys, swim na tayo.
Dei: RJ! RB! ano na?!
RJ: Kasi naman Mahal para kayong Dyosang bumaba sa lupa. Natutulala tuloy kami.
Rodjun: Oo nga, huwag nga kayong nanggugulat.
Natawa sila Dei at Sheena. Hinubad naman nila ang t-shirt, nagkatinginan si Dei at Sheena.
Sheena: Halika na maligo na tayo girl, hindi ko kinakaya.
Dei: Oo nga censored, napopolute ang utak ko.
Tumakbong nagtatawanan ang dalawa.
RJ: ano daw?
Rodjun: Something about hindi nila kinakaya.
RJ: parang maganda ang tunog non ah.
Nagtawanan din sila at tumakbong papunta kila Dei at Sheena. Mahigit isang oras din silang naglangoy at nagtampisaw sa dagat. Hanggang sa mapansin ni Sheena na sunset na. Naupo sila sa beach chairs kung saan nila iniwan ang mga gamit nila at nanood ng sunset. Nangulit si Dei na kuhanan ng picture si Rodjun at Sheena. Pinaunlakan naman ng dalawa ang pangungulit nito. Magkatabing naupo ang dalawa.
RJ: Ano ba yan, wala namang kasweet-sweet eh.
Rodjun: RJ, umayos ka nga uupakan na kita eh.
Dumikit naman si Sheena sa pagkakaupo at ipinatong ang braso sa hita ni Rodjun. Hinawi naman ni Rodjun ang buhok ni Sheena at idinikit ang baba nya sa balikat nito. Napatili si Dei. Tawa ng tawa si RJ.
BINABASA MO ANG
The Truth About You & Me
RomanceWhat would you do for fame? for money? for your dreams? for love? Find out how two different people - RJ and Dei, from two different worlds got tangled. Will they manage to work on their differences or will they manage to act as they should or...