Ilang araw ding hindi nagkita si RJ at Dei ng kapaskuhan dahil si Dei kasama ng pamilya nito sa Japan at si RJ naman dahil na din sa suggestion ni Dei, kasama ang pamilya sa Batangas. Masaya ang naging bonding ng pamilya ni RJ. Isang bagay na matagal-tagal na niyang hindi nagagawa dahil sa sobrang hectic ng schedule niya.
Isa sa hinahangaan ni RJ kay Dei ay ang pagpapahalaga nito sa pamilya. Naalala pa ni RJ ang sabi sa kanya ni Dei minsang tanungin niya ito.
Dei: I make time for may family as much as I can kasi alam ko beyond all this fame, pamilya ko pa rin ang kakampi ko. When all of this are gone, malaos man ako, makakalimutan ako ng mga fans pero ang pamilya ko mahal nila ako kahit na bumalik ako sa pagiging simpleng si Dei lang nandyan pa rin sila.
Pero pwera sa pamilya mahalaga din ang pagkakaibigan kay Dei. Kaya ang mga videos niya sa Japan ipinopost niya yon para sa mga kaibigan at mga taong malalapit sa kanya. Si RJ naman habang nasa Batangas pinanonood ang mga video ni Dei.
Katatapos lang nilang magswimming at naghihintay sila ng pananghalian, naupo si RJ at pinanood ang mga videos ni Dei. Natatawa ito sa mga kalokohan niya. Naupo sa tabi niya ang Ama.
Daddy Rick: Oy, namimiss mo ang ka love team mo no?
RJ: Hindi naman Dad nasanay lang ako na araw-araw nakikita ko siya kahit sa monitor lang.
Daddy Rick: Kaya ayan ka at pinanonood mo siya.
RJ: Sayang nga po, hindi siya kasali sa New Year's Eve countdown eh, mas masaya kung nandon siya.
Daddy Rick: Ehem, eh si Koreen kailan kayo magkikita?
RJ: Nasa US siya Dad doon sila magcecelebrate.
Daddy Rick: Nak, kayo ba talaga? Ilang taon na din kayo pero kahit minsan hindi mo pa naisama yan sa mga family gatherings natin.
RJ: Wala, ganon talaga Dad eh, pareho kaming busy.
Daddy Rick: Busy siya or hindi mahalaga sa kanya na isinecelebrate ang mga okasyon kasama ang pamilya. Nakita ko ang post ni Koreen sa IG kasama ang mga kaibigan niya. Minsan iniisip ko kailan kaya magiging normal ang lahat para sa yo?
RJ: Siguro Dad kapag wala na ako sa showbiz.
Samantala, paglapag na paglapag ng eroplano ni Dei, nagtext ito kay RJ.
Dei: Touchdown NAIA, happy new year team mate.
Napangiti si RJ ng mabasa ang text ni Dei.
RJ: Glad you are back. Well happy new year din team mate. Kaso work pa rin mamayang new year's eve eh for the countdown eh.
Dei: Balita ko nga eh. Sige, I will watch you at makiki-countdown na din ako.
RJ: Sige ha, sabi mo yan. Para naman sumaya talaga ang new year ko.
Dei: awww kawawa naman team mate ko, huwag ka ng masad, promise sasaya ang new year mo at ang buong taon mo.
RJ: Thanks team mate you really know how to make me smile. Gagalingan ko sa show, manonood ka pala eh.
Dei: Dapat lang kung hindi asar talo ka na naman kapag nagkamali ka.
RJ: Opo, promise gagalingan ko para sa yo.
Bago mag simula ang countdown may nareceive si RJ na text message galing kay Dei ang nakalagay... "SOS dami kong food wala naman akong kasabay kumain. Medya noche Van version CRB852. See you."
Napaisip si RJ, "Van version? Nandito siya? Naka Van?
Idinaial ni RJ ang number ni Dei, pagsagot nito narinig ni RJ ang ingay ng hiyawan ng mga tao at tugtog. Hindi na niya kailangan ang sagot ni Dei sigurado na siya nasa vicinity si Dei. Nasa isip ni RJ, "sabi niya sa text masaya ang magiging new year ko, kaya naman pala, pinuntahan niya talaga ako."
BINABASA MO ANG
The Truth About You & Me
RomanceWhat would you do for fame? for money? for your dreams? for love? Find out how two different people - RJ and Dei, from two different worlds got tangled. Will they manage to work on their differences or will they manage to act as they should or...